Rocco Nacino witnesses Senator Chiz Escudero’s proposal to Heart Evangelista

Kabilang si Rocco Nacino at ang kasintahan niyang si Lovi Poe sa mga nakasaksi sa ginawang proposal ni Senator Chiz Escudero kay Heart Evangelista noong Sabado, August 23, sa Sorsogon.


Kabilang si Rocco Nacino at ang kasintahan nitong si Lovi Poe sa mga malalapit na kaibigan ni Heart Evangelista na naging saksi sa ginawang proposal sa aktres ng boyfriend nitong si Senator Chiz Escudero.

Nangyari ito noong Sabado ng gabi, August 23, sa Sorsogon, na siyang hometown ni Senator Chiz.

Read: Heart Evangelista and Senator Chiz Escudero are engaged

Kuwento ni Rocco, “Inayos ni Chiz. Sinet-up niya na pumunta kami dun.

“Secretly siyempre, hindi sinasabi.

“Kaya, yun, mas naging exciting sa akin. Kasi yung challenge na itinatago pa kay Heart.

“And everything was really beautiful and romantic.”

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa Sunday All Stars (SAS) kahapon, Linggo, August 24.



WELL-PLANNED. Paano nila naitago kay Heart ang tungkol dito? The fact na nandun siya at girlfriend niyang si Lovi Poe, si Alessandra de Rossi, at iba pang malalapit na kaibigan ni Heart?

Ayon kay Rocco, “Very well-planned! Ang galing ni Senator Chiz, e.

“Naka-house kami sa isang hotel. And then, pumunta kami sa venue [ng proposal] na akala niya [Heart] dinner lang.

“Tapos ‘yon, biglang may tumugtog. And then, isa-isa kaming pumunta sa kanya.

“’Yon, umiyak siya.

“’Tapos may fireworks… very beautiful!

“Napahagulhol si Heart, na-surprise talaga siya.

“’Tapos nung nakita na niya kami, lalo siyang naiyak.

“Muntik na nga rin akong maiyak, e

“First time kong maka-experience ng ganun na may mag-propose sa harap ko.”



NO WEDDING DATE YET. Nagkaroon siya ng idea kung paano ba pinaplano at isinasagawa ang proposal?

Natawang sagot ni Rocco, “Matagl na matagal pa ‘yan! Naku, trabaho muna.”

May nabanggit na ba sa kanila sina Heart at Senator Chiz kung kailan at saan ang kasal ng mga ito?

“Wala pa. Kasi medyo overwhelmed pa nga si Heart right after ng proposal, e.”

Ano naman ang naging reaksiyon ni Lovi nang sandaling iyon na nasasaksihan nila ang pagpu-propose ni Senator Chiz kay Heart?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Rocco, “Kilig na kilig. She was taking videos and pictures.

“Sa mga videos, dinig na dinig yung hiyawan ng mga tao, lalo na si Lovi na tuwang-tuwa.

“Of course, she’s really happy for Heart.”

Wala bang paramdam o pahaging si Rocco patungkol sa tila nauusong proposal sa mga showbiz couples ngayon?

“Ay, wala! Wala!” tawa ulit ng Kapuso actor.

“Biro-biro lang. Pero siyempre ano… biro lang ‘yon

“Marami pa kaming priorities na gustong tapusin, kaya yun muna.

“We’ll stick to that.”



BUSY COUPLE. Mabuti at napaglaanan nila ni Lovi ng panahon ang pagpunta sa Sorsogon para maging saksi sa pagppu-propose ni Senator Chiz kay Heart, to think na pareho silang busy sa trabaho?

Pagsang-ayon ni Rocco, “Yeah, si Lovi ang kumausap sa akin na we could go there.

“’Tapos ipina-block ko talaga yung date na ‘yon.

“Isang araw lang ‘yon. Nagpunta kami ng Saturday, ‘tapos nakabalik kami sa Manila kaninang umaga.

“Sa biyahe na lang kami natulog kaya medyo pagod kami.

“Kaya after nito, uwi na ng bahay para makapagpahinga na.”

May nai-post sa kanyang Instagram si Rocco na sumailalim siya sa therapy. Para saan ang therapy na iyon?

Paliwanag niya, “Nagkaroon ako ng tendonitis and beginning osteoarthritis.

“Dahil sa bugbog sa aking tuhod sa kaka-workout. Overused na yung sa knee ko.”

Hindi kaya maging sagabal ito sa medyo pisikal na part ng kanyang role bilang sundalo sa upcoming series ng GMA na Hiram Na Alaala?

Sabi ni Rocco, “I’ll make sure na hindi. Inaalagaan ko.

“I’ll make sure na malakas yung legs ko para pagdating sa mga demanding parts, na physically demanding challenges ng show na ito—lalo na yung skydiving, yung gun training, at pagsabak sa giyera—wala akong problema.

“So, I have to rest up.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN