Lovi Poe on engagement of Heart Evangelista and Sen. Chiz Escudero: "They finally found each other... the true love."

Masaya raw si Lovi Poe sa engagement ng kaibigang si Heart Evangelista kay Senator Chiz Escudero. Sabi pa niya, “They get along so well, e. They’re so in love and, at the same time, they’re like best friends. Kumbaga, they can talk about anything. So, when I see them, parang all I see is happiness.”


Isa si Lovi Poe sa mga malalapit na kaibigan ni Heart Evangelista na nakasaksi sa proposal ni Senator Chiz Escudero sa huli, na naganap noong Sabado, August 23, sa Sorsogon.

Read: Heart Evangelista and Senator Chiz Escudero are engaged

Ayon kay Lovi, masayang-masaya ang kaibigan sa sorpresang natanggap.

“I’m so happy for both of them. They finally found each other... the true love,” sabi niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa studio ng Sunday All Stars kahapon, August 25, Linggo.

Kuwento pa ni Lovi, “Since surprise kasi yun, I saw her gabi na dahil isa-isa kaming lumabas.

“She was already crying ‘coz she knew what was happening already.

“And I’m so happy dahil na-pull off namin dahil matagal na namin itong pinag-usapan.

“Si Chiz, matagal na itong plinano, months ago pa.

“So, parang I’m so happy na naitago namin sa kanya [Heart] yung surprise na event.

“Alam na namin before pa,” pagtukoy niya sa binabalak na proposal ni Senator Chiz.

Paano sila kinausap ni Senator Chiz tungkol sa plano niya?

“Tawag, usap… lahat kami nagku-communicate kung paano gagawin. May plano na talaga,” sabi ni Lovi.

Hindi nga raw maipaliwanag ni Lovi ang nararamdaman nung mga sandaling iyon sa nakikita niyang kasiyahan sa mukha ng kaibigan.

“She’s very happy and she was crying… tears of joy.”

BEAUTIFUL SURPRISE. Hiniling ng PEP si Lovi na magkuwento ng ilang detalye sa mismong pagpu-propose ni Senator Chiz kay Heart.

Alinlangan pa noong una si Lovi, “Kasi gusto kong manggaling sa kanya [Heart], e. Ako yung unang nagsasalita.”

Pero nagpaunlak din siya sa huli.

“How would I say this? It was really beautiful.

“There’s fireworks… as soon as she said yes, fireworks.

“Ginawa yun, I think, sa place nina Chiz.

“It was very intimate, close friends.”

Handa na ba siyang maging bridesmaid sa kasal nina Heart at Senator Chiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Lovi, “She has to decide first if I’m gonna be in it.

“Pero I’m so excited for her. Kasi it’s a new chapter of her life and I’m here to support her.”

Paano siya na-inspire sa nasaksihang proposal?

“Well, it’s just nice that they finally found each other.

“Parang mahirap kasing makahanap ng true love, e.

“So, I’m happy they found true love.”

Hindi ba siya naiinggit?

“No, no… hindi ko pa kasi naiisip ‘yan, e.

“Kumbaga, malayo, malayo pa.”

Nagbibiruan ba sila ng nobyo niyang si Rocco Nacino tungkol sa kasal?

Sabi ni Lovi, “No. Kasi for me, until I find the right guy or person or until I feel it, that’s the time marriage would be an option for me.”



NEGATIVE REACTION. Kinuha rin ng PEP ang reaksiyon ni Lovi sa pagbibigay ng ibang kulay ng ilan sa wedding proposal ni Senator Chiz kay Heart.

Ilang linggo pa lang kasi ang nakalilipas pagkatapos ng second at public proposal ni Dingdong Dantes kay Marian Rivera.

Read: Dingdong Dantes and Marian Rivera are engaged!

Dahil dito ay sinasabi ng ilang bashers na nanggagaya lang diumano sina Senator Chiz at Heart, lalo na’t alam ng marami na may alitan sa pagitan nina Heart at Marian.

Sabi ni Lovi tungkol dito, “Well, you know what, all I can say about that, Heart and Chiz are too happy to feel bad about anything.

“Kumbaga, they’re on cloud nine now. So, nothing can affect them this time.”

Mula nang magkakilala at magkaroon ng relasyon sina Heart at Senator Chiz, isa si Lovi sa nakasaksi sa mga kaganapan sa relasyon ng mga ito.

Paano niya ilalarawan ang samahan nina Heart at Senator Chiz?

Ayon sa aktres, “They get along so well, e.

“They’re so in love and, at the same time, they’re like best friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, they can talk about anything.

“So, when I see them, parang all I see is happiness.”

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaayos si Heart at ang kanyang ina na si Cecile Ongpauco.

Ano ang masasabi rito ni Lovi, lalo na’t engaged na ngayon ang kaibigan?

Sabi niya, “We’re hoping for the best. Really, we’re hoping for the best.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN