Christian Bautista on failed audition in Here Lies Love: "It doesn’t make me feel less as an artist or as a person."

One more nugget of wisdom from Christian Bautista: "Life is an audition. There will always be a next audition, you prepare for the next... Madali ba siya? Hindi. Pero that’s life, e. You become stronger, always.”


Looking forward na si Christian Bautista na makitang muli at mapanood ang mga kaibigang sina Rachelle Ann Go at Mark Bautista sa West End shows nila sa London.

Mahalaga ang role ni Rachelle sa Miss Saigon, samantalang malaki naman ang part ni Mark bilang si Ferdinand Marcos sa rock musical production na Here Lies Love.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Christian sa GMA Studios, sinabi nitong posibleng sa January 2015 ang lipad niya patungong London.

“Ang plano ko, January. Nagpaalam na ako para silang dalawa makita ko together.

"Ang kalaban ko lang daw doon ay winter. Winter na kasi doon."

Malabo na raw ang una nilang plano nina Sarah Geronimo, Erik Santos, Jed Madela, at iba pa na sabay-sabay silang lilipad ng London para panoorin si Rachelle Ann.

Naroon na raw si Mark.

Sabi pa ni Christian, “Si Erik, nanood na.

"Si Sarah, may show sa September. Si Jed, September din.

"Hindi yata mabubuo, pero kahit na, at least, ’di ba?"



HAPPY AND SAD. Ano ang nararamdaman ni Christian at isa-isa nang umaalis ng Pilipinas ang mga kabigan nito, gaya nina Rachelle Ann at Mark?

Saad niya, “I feel happy that they’re gaining lot of respect abroad.

"I feel sad kasi nandun na sila. I’m gonna miss them.

"Pero they’re coming back naman, e.

“Ang maganda naman, pagbalik nila dito, they’re gonna be so much better.

"I want to learn anything they have."

Isa si Christian sa singers/artists na nag-audition para sa Here Lies Love, pero hindi siya pinalad na makuha at sa halip ay si Mark ang napili.

Paliwanag naman ni Christian sa nabigong audition niya, “Life is an audition, you know. Showbusiness world also is an audition.

"I’ll feel better if I audition and then I get the job than get the job because you’re a big star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang I feel better… kasi galing akong teatro, e.

"Ang dami ko nang… I failed so much when I begun, in commercials, in VTRs, in theater plays.

“So, it’s part of it, e.

"It doesn’t make me feel less as an artist or as a person."

Ano naman ang natutunan niya sa mga pinagdaanang ito?

Sabi ni Christian, “After eleven, twelve years, just go on.

"There will always be a next audition, you prepare for the next."

OWN JOURNEY. Kung tutuusin, mas nauna si Christian sa kanyang mga kaibigan nang magbida ito sa musical TV series na Kitchen Musical sa Singapore.

Ngunit pahayag niya, “We have our own path.

"We should not, must not compare each other’s career path.

"I cannot say that you’re better because you’re here or I’m better than you because I’m here.

“Ibang-iba lang talaga tayo.

"Once I compare, I lose."

Kaya ba maganda ang aura at career niya dahil sa positive views nito sa mga nangyayari sa buhay at career niya?

Pagsang-ayon ni Christian, “Dapat.

"Merong panahon na nasa taas ka, nasa gitna, nasa baba.

"’Pag nasa gitna, taas uli.

“Madali ba siya? Hindi. Pero that’s life, e.

"You become stronger, always."

MISSING RACHELLE. Masaya raw si Christian para kay Rachelle Ann na unti-unting napapansin sa music scene sa London.

“As always, very happy for her. I can’t wait na bumalik siya sa Pinas so we can celebrate her success.”

Hindi raw nakakapag-usap sina Christian at Rachelle, pero aminadong nami-miss ng singer-actor ang samahan nila.

“Nami-miss ko yung as performing on stage of course. Kasi iba rin chemistry namin on stage. On that part, yes.”

Nagkaroon ng romantic relationship sina Christian at Rachelle Ann. Naging magkaibigan naman silang dalawa kahit hindi na sila nagkabalikan.

Ngayong parehong nasa London sina Mark at Rachelle Ann, inamin ni Christian na binibiro niya ang una sa posibleng pagkaka-debelopan ng dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Christian, “Joke lang naman yun, e.

"Pero, yeah, whatever happens, right? We support each other naman."

Samantala, may nakalatag nang sisimulang panibagong project si Christian sa GMA.

Wala pa raw itong final title, pero ang makakasama niya sa serye ay sina Sheryl Cruz at Sunshine Dizon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN