Daniel Matsunaga happy about ex-girlfriend Heart Evangelista’s engagement to Chiz Escudero

Parehong may magandang kaganapang nangyari sa buhay ng dating magkarelasyong sina Daniel Matsunaga at Heart Evangelista nitong nakaraang weekend. Si Daniel ang siyang itinanghal na Big Winner sa Pinoy Big Brother All In at si Heart naman ay engaged na sa boyfriend nitong si Senator Chiz Escudero.


Overwhelming ang pagtanggap ng maraming Pinoy sa pagkapanalo ng Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga sa Pinoy Big Brother All In.

Ginanap ang PBB All In Big Night sa Resorts World Manila noong Linggo, August 24.

Nakakuha si Daniel ng kabuuang 11.69 ng net votes. Ito ay mula sa tally ng kanyang BBS (Vote To Save) na 18.52 percent at sa kanyang BBE (Vote To Evict) na -6.83 percent.

Naungusan ni Daniel sina Maris Racal (Second Big Placer), Jane Oineza (Third Big Placer), at Vickie Rushton (Fourth Big Placer).

Read: Daniel Matsunaga named Big Winner of Pinoy Big Brother All In

View Gallery: Daniel Matsunaga sheds tears upon winning PBB All In



TO STAY FOR GOOD IN PH. Sa kabila ng mga papuri kay Daniel sa ipinakita nitong mga katangian sa Bahay ni Kuya, may mangilan-ngilan pa ring kumukuwestiyon sa kanyang pagkapanalo.

Kesyo wala raw siyang dugong Pilipino, at kaya raw tinawag na Pinoy Big Brother ang show dahil Pinoy dapat ang manalo rito.

Sabi ni Daniel sa panayam sa kanya ni Kris Aquino sa Aquino & Abunda Tonight kagabi, August 25, “Para sa akin, puso talagang Pinoy ako, kasi ano, I lived here for five years.

“Ang plano ko talaga to bring my whole family here… ’tapos nakatira ako dito.”

Sinabi rin ni Daniel na nagbabayad siya ng buwis dito sa bansa.

Tinanong naman ni Kris kung bakit niya dadalhin ang kanyang pamilya sa Pilipinas.

Sagot niya, “Kasi alam mo, siyempre dito sa Pilipinas, lahat ng opportunities…

"You guys, amazing, amazing people, lahat nung sinabi ni God sa akin dati na, ‘You have a purpose here,’ sa Pilipinas, happened.

“And talagang sobrang proud ako na maging pusong Pinoy, kasi siyempre gusto ko talaga na maging totoong Pilipino.”



COINCIDENCE. Coincidence mang maituturing, halos magkasabay na nagkaroon ng magandang kaganapan sa buhay ni Daniel at ng ex-girlfriend nitong si Heart Evangelista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang gabi bago itanghal na Big Winner si Daniel sa PBB All In, naganap ang proposal ni Senator Francis "Chiz" Escudero kay Heart sa Sorsogon noong Sabado, August 23.

Read: Heart Evangelista and Senator Chiz Escudero are engaged

Ngumiti si Daniel sa sinabing ito ni Kris sa kanya.

Nauna na raw itong naikuwento sa kanya ng kapwa housemate na si Alex Gonzaga.

Ano ang naramdaman niya?

Sabi ni Daniel, “Okay lang, masaya ako para sa kanila. Moved on talaga, matagal na.”

Taong 2012 nang maghiwalay sina Daniel at Heart bilang magkasintahan, na ang sinabing dahilan ay ang diumano’y kakulangan nila ng komunikasyon sa isa’t isa.

Umabot sa halos isa at kalahating taon ang relasyon ng dalawa na nagsimula noong September 2010.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN