Cris Villonco admits to being bullied because of her family

“Masakit pa rin kapag binabatikos kami, kapag binabatikos ang pamilya ko, pero sanay na rin kami,” says Cris Villonco about getting bullied for being related to controversial personalities.


Nakasanayan na raw ni Cris Villonco ang makatanggap ng masasakit na salita dahil sa pagiging apo nina Armida Siguion-Reyna at Senator Juan Ponce Enrile.

Sina Armida at Senator Enrile ay magkapatid.

Ang isa sa mga anak ni Armida na si Monique Siguion-Reyna Villonco ang ina ni Cris.

Matatandaan na noong chairperson pa ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) si Armida, naging maluwag sa censorship ang kagawaran para sa mga ipinalalabas na pelikula. Bagay na mariing tinutulan ng simbahan at ilang opisyales ng gobyerno.

Noong panahong ito, ayon kay Cris, naranasan na nilang magpipinsan ang pambu-bully.

Sabi niya, “All our life, we have been ‘on the wrong side’ so we have been bullied.

“I have been bullied a lot even as a child.

“I have been pulled out of my own school because of political situation.

“Mahirap ‘yon, e, pero sanay na rin kami.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment media si Cris sa pocket press conference ng bagong teleserye ng GMA, Ang Lihim ni Annasandra, kanina, August 26.

Tinanong ng PEP kung paano niya ito nalagpasan.

Sagot ni Cris, “Alam mo, maraming iyak din and all of that.

“Kasi, hanggang ngayon naman, e, the way people are sometimes sa Facebook and Instagram and Twitter.

“Pero nakasanayan na rin namin.

“Thank God na rin na pinagdaanan na namin ‘yan at a young age.

“Masakit pa rin kapag binabatikos kami, kapag binabatikos ang pamilya ko, pero sanay na rin kami.

“And we also know who our true friends are.”



STILL FAMILY. Hindi pa rin daw nawawala ang pagtanggap nila ng masasakit na salita dahil naman sa kasong kinasasangkutan ng kanyang lolo na si Senator Juan Ponce Enrile.

Si Senator Enrile ay isa tatlong senador na pinangalanang sangkot diumano sa multi-billion pork barrel scam, kasama nina Senator Bong Revilla at Senator Jinggoy Estrada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, hindi pa rin daw nakakadalaw si Cris sa kanyang lolo.

Pero aniya, “I know that my mother and his siblings, my grandmother have kept in touch.

“We do know what is going on and we’re praying for him.”

Sa kabila ng mga akusasyon, buo pa rin daw ang suporta ng pamilya para kay Senator Enrile.

“You know what, we’re used to being ‘on the wrong side’ all the time ever since my grandmother was at MTRCB.

“So, whatever it may be, at the end of the day, he is family.


“I don’t necessarily know all the sides of the story, but he is family,” sabi ni Cris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN