Kris Bernal not on speaking terms with ex-boyfriend Carl Guevara

Kris Bernal on breakup with Carl Guevara: “Nag-agree kami pareho na, ‘Mas mabuti nga sigurong huwag muna tayong mag-usap, magkita.’ Kasi masyado nang nagiging mabigat na, e. Parang mga maliliit na bagay, napag-aawayan na. Sumisikip na, kumbaga, ganun…"


Hindi pa man direktang umaamin tungkol sa kanilang relasyon, tuluyan nang nagkanya-kanya ng landas ang rumored showbiz couple na sina Kris Bernal at Carl Guevara.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris noong Linggo, August 24, sa studio ng Sunday All Stars.

Nang kumustahin namin ang estado nila ni Carl, nag-isip muna ito saglit at huminga nang malalim saka siya nagsalita.

Saad niya, “Sa ngayon kasi, sa totoo lang, hindi na kami masyadong nag-uusap. Hindi na rin kami nagkikita.

“Kasi may mga bagay na… yung differences namin, parang… may mga differences kami na hindi namin ma-work out.

“So, we decided to… parang maghiwalay muna.

“Siguro mas okey na maghiwalay muna tayo para mag-grow tayo na hiwalay.

“Sa tingin ko, okey yun kaysa naiipit tayong dalawa lagi.”

Kailan niya nakita itong problema na ito?

“Siguro mga two months ago,” sagot ni Kris.

Final na ba ito? Hindi kaya kapag sinuyo siyang muli ni Carl ay magkabalikan sila?

Sabi ng Kapuso actress, “Hindi naman. Kasi ‘yan, pinag-iisipan ‘yan, e.

“Lalo na ‘pag marami kang priorities,’ pag marami kang goals, responsibilities sa buhay mo.

“Pag-iisipan mo ‘yan mabuti, kung kaya mong pumasok sa relasyon.

“So, ngayon, hindi ko siya kayang i-handle kasi nga meron kaming mga hindi pagkakasunduan.”

Paglilinaw niya, “But I’m not saying na hindi mabuting tao si Carl, napakabait ni Carl.

“Napakamapagmahal ni Carl… wala akong masabi, talagang mabait siya.

“Pero talagang minsan lang, hindi kami nagdya-jibe.”

Paano nila pinag-usapan na maghiwalay muna sila?

Lahad ni Kris, “Nag-agree kami pareho na, ‘Mas mabuti nga sigurong huwag muna tayong mag-usap, magkita.’

“Kasi masyado nang nagiging mabigat na, e. Parang mga maliliit na bagay, napag-aawayan na.

“Sumisikip na, kumbaga, ganun…

"‘Teka lang, pahinga muna ako. Ayokong pumasok sa ganyan na poproblemahin kita, poproblemahin mo ako. Doon tayo sa positive lang, mag-focus muna tayo sa work.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May dalawang buwan na raw mula nang maghiwalay sila ni Carl, ayon pa rin kay Kris.

“So, wala talaga. No communication at all kahit text.”

Hindi niya ba nami-miss si Carl?

Sagot niya, “Siyempre, nami-miss.

"Kung iisipin ko yung priorities ko, like ‘eto, nagti-taping na ako, doon na lang ako magpu-focus.”



HIRAM NA ALAALA. Sa kabilang banda, masaya at excited si Kris sa bago niyang primetime series sa GMA, ang Hiram Na Alaala, kung saan kasama niya sina Dennis Trillo at Rocco Nacino.

Lahad ni Kris sa kanyang karanasan sa taping, partikular na sa mga eksena nila ni Dennis, “Siyempre, noong una, kinakabahan talaga ako.

"Halos hindi ko siya makausap, hindi ako makatingin sa kanya.

“Pero very approachable naman si Dennis. Talagang ipapa-feel niya sa iyo na maging kumportable ka.

“So, medyo ngayon, okey na, nakakapag-adjust na ako.

“Siyempre, unang taping days pa lang, talagang nakakailang.

“Pero sabi ko sa sarili ko, ‘Hindi, kailangan kong i-overcome ito, gagawin ko ang trabaho ko. Kung kaya kong makasabay kay Dennis, ginagawa ko yung best ko.’”

Nag-usap ba sila ni Dennis? Nagkaroon ba sila ng familiarity workshop?

Sabi ni Kris, “Wala, wala… Hindi kami nag-usap, hindi kami nag-workshop together.

“Pero before the scene, kinakausap niya ako, kinakausap ko rin siya para gumaan lang at para magmukhang natural para sa akin.”

Ano ba ang ikinaiilang niya kay Dennis?

“Siyempre, ‘pag kaeksena mo si Dennis, ang dami mong iisipin, e.

“Dapat talagang masabayan mo ang acting niya.

“Dapat kung gaano ka-one hundred percent ang ibinibigay niya, kailangan ganun din sa akin.

“And siyempre, alam naman natin na aside from na mahusay siya, guwapo si Dennis.

“So, medyo nakakailang din ’pag may tinginan kami.

“’Tapos merong super-close up, super close na eksena namin.”

Natatawang dagdag niya, “Siguro napi-feel niya na halos hindi na ako makahinga! Hindi na ako humihinga!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman stressful.

“Thankful lang ako at nabigyan ako ng GMA ng chance na makatrabaho siya.

“And, at the same time, parang ’eto yung chance na nabigyan ako ng pagkakataong makapag-portray ng mature role.

“So, parang ibinibigay nila lahat sa akin ngayon.”



TORN BETWEEN TWO ACTORS. Kasintahan ni Rocco ang ginagampanang role ni Kris sa Hiram Na Alaala.

Nang mapasabak si Rocco sa mga misyon nito bilang sundalo, magkakaroon ng conflict sa kanilang samahan na nadagdagan pa dahil sa pagpasok sa eksena ni Dennis.

Paglilinaw ni Kris sa magiging flow ng istorya, “Hindi naman nila ako pag-aagawan nilang dalawa. Walang agawan, e.

“Yung memories na nasa amin ni Rocco, puwedeng ma-adapt nung isa [Dennis].”

Paano niya pinagbubuti ang trabaho, lalo’t pinagigitnaan siya ng husay sa pag-arte nina Dennis at Rocco?

Pagsang-ayon ni Kris, “Oo nga, ang huhusay nilang dalawa.

“Siyempre, todo-effort ako, binabasa ko yung script ahead.

“Kung puwedeng hindi ako magkamali at magawa kong mabuti yung role ko, gagawin ko talaga.

“As in wala akong pinapalampas kahit simpleng eksena, kina-career ko talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN