Michele, Marco Gumabao stand by their convicted father Dennis Roldan

Dennis Roldan’s (left) children Michele (center), Marco (right), Katrina, and Margarita express their love and support towards the convicted actor via Twitter and Instagram.


Sa kabila ng pagkakakulong ng aktor na si Dennis Roldan, matapos mahatulan ng guilty sa kasong kidnapping, ay buo pa rin ang suporta ng kanyang pamilya.

Nagbigay ng pahayag ang anak ni Dennis na si Michele Gumabao, sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, ngayong araw, August 26.

Sabi ng Pinoy Big Brother All In ex-housemate sa kanyang Twitter post:

Maging ang nakababatang kapatid ni Michele na si Marco Gumabao, Star Magic talent, ay nagpahayag din na buo ang suporta ng kanilang pamilya para kay Dennis.

Sabi ni Marco sa kanyang Twitter post:

Hindi naman naitago ng isa pang kapatid nina Marco at Michele na si Margarita Gumabao ang sama ng loob dahil sa pambabatikos ng ilang bashers laban sa kanilang ama.

Mula kasi nang lumabas ang guilty verdict laban kay Dennis para sa kasong kidnapping ay may mga kumukuwestiyon sa pagiging pastor ng 53-year-old actor.

Ang isa pang anak ni Dennis na si Katrina Gumabao ay pinalakas naman ang loob ng ama sa pamamagitan ng pagbahagi ng isang inspiring message sa kanyang Instagram (@katarinuh).

Sabi ni Katrina sa caption ng isa niyang Instagram post:

“I love you Papa!❤️ I trust in God’s plan for our family. He is in control. ‘Keep this Book of the Law always on your lips; meditate on it day and night, so that you may be careful to do everything written in it. Then you will be prosperous and successful. Have I not commanded you? Be strong and courageous. Do not be afraid; do not be discouraged, for the Lord your God will be with you wherever you go.’ Joshua 1:8-9”

Kasabay nito ay nagpasalamat din ang magkakapatid sa mga kaibigan at iba nilang Twitter/Instagram followers na patuloy ang suporta at pagdadasal para sa kanilang ama.

Nahatulang guilty ng Pasig City Regional Trial Court si Dennis para sa kasong kidnapping ng isang Filipino-Chinese na batang lalaki noong February 2005.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibinaba ang hatol kay Dennis at iba pang mga akusado ngayong araw, August 26.

Bukod sa parusang lifetime imprisonment, pinagbabayad din si Dennis ng multa na nagkakahalagang P100,000 para sa civil indemnity, P100,000 para sa moral damages, at P100,000 na exemplary damages sa pamilya ng biktima.

Read: Dennis Roldan guilty of kidnapping Fil-Chi boy in 2005


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN