Judy Ann Santos wishes for Claudine Barretto to make a comeback

Judy Ann Santos on joining politics: “Gusto kong tumulong nang walang bahid-pulitika. Gusto kong tumulong nang walang magdidikta sa akin kung ano yung dapat kong gawin. At saka hindi ko lang kaya, parang ayokong matali sa isang obligasyon na hindi ko makakayanang gampanan, yung hindi ko kayang pangatawanan.”


Bukod sa kanyang matagumpay na career sa showbiz, masaya at maayos ang buhay may-asawa ni Judy Ann Santos sa piling ng kanyang mister na si Ryan Agoncillo at mga anak nilang sina Yohan at Lucho.

Kaugnay nito, naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa actress-TV host kung ano ang nararamdaman niya sa hindi magandang kinahinatnan ng pagsasama bilang mag-asawa nina Claudine Barretto at Raymart Santiago.

Kasabayan at naging showbiz rivals noon sina Judy Ann at Claudine.

Pahayag niya, “Alam mo, siyempre nandun pa rin yung lungkot, ‘andun yung panghihinayang.

“Kasi siyempre, hindi man ako close kay Claudine, hindi din naman ako naging close kay Raymart, in every failed relationship, nandun yung panghihinayang.

“Kasi, one way or another, there was love, there was friendship, there was respect.

“Sana dumating yung point na maging maayos din sila, even for the kids, nandun naman ako.

“And ako,” patuloy ni Judy Ann, “I still wish for Claudine na makabalik siya, kasi mahusay naman talaga siyang artista.

“Hindi naman siya yung artista na puwede mong kalimutan.

“Si Claudine Barretto na yun, hindi naman siya makakalimutan kahit kailan ng tao.

“So, sana mabigyan siya ng chance na maipakita niya uli yung talento niya, yung puso niya, yung ganun.”

Eksklusibong nakausap ng PEP si Judy Ann noong August 20, sa dressing room ng ABS-CBN, bago magsimula ang pilot episode preview ng bagong realiserye ng Kapamilya Network na I Do, kung saan siya ang host.



JOLINA MAGDANGAL. Masaya naman si Judy Ann para sa isa pa niyang kakontemporaryo na si Jolina Magdangal, na Mrs. Mark Escueta na at may baby boy na ngayon—si Pele.

Saad niya, “Ang blooming niya ngayon, ha, ang blooming niya!

“And I’m happy for her finally nagka-baby siya.

“’Pag nakikita ko yung mga posts niya [sa Instagram] ng baby niya tsaka siya, parang… finally nakakita na siya ng totoong happiness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ito na yun, e, ito yung ipinagdadasal niya. Ito yung hinihintay niya, yung totoong happiness, e.

“Yung smile na nakita ko sa kanya nung araw ng wedding niya, iyon yung smile na nakikita ko ngayon every day sa Instagram.

“So, deserve niya yun.”



NO TO POLITICS. Sa hiwalay na interview ng PEP sa mister ni Judy Ann na si Ryan, tinanong namin ito kung may posibilidad bang pasukin niya ang mundo ng pulitika; ngunit ayaw raw ni Ryan.

Si Judy Ann naman ang tinanong namin. Hindi ba niya nakikita ang sarili na maging isang pulitiko balang araw, ‘tulad ni Batangas Governor Vilma Santos?

Sagot niya, “Hindi. Ayoko talaga.”

Hindi pa rin daw siya naalok kahit minsan.

Banggit pa ni Judy Ann, “Si Kuya [Jeffrey Santos], hilig niya talaga ‘yan, gusto niya talaga yung involved siya sa tao, sa pagtulong.

“Hindi ko kaya ang stress ng politics, e. Hindi ko kaya.”

Si Governor Vi ay hindi rin naisip noon na balang-araw ay papasukin niya ang mundo ng pulitika.

Pero giit ni Judy Ann, “Hindi ko kaya yata.

“Ayokong magsalita ng tapos, ano, kasi baka kainin ko.

“Pero hindi ko nakikita… though bilib ako sa mga artistang pumapasok sa pulitika kasi ibang stress yun, ha!

“Ibang isyu yun, ha! Ang dami mong kontrobersiyang katapat diyan at lahat ng tao, off-cam, kailangan mong kausapin.”

Dagdag niya, “Pero para sa akin, gusto kong tumulong nang walang bahid-pulitika.

“Gusto kong tumulong nang walang magdidikta sa akin kung ano yung dapat kong gawin.

“At saka hindi ko lang kaya, parang ayokong matali sa isang obligasyon na hindi ko makakayanang gampanan, yung hindi ko kayang pangatawanan.

“Kasi ‘pag naging mayor ka ng isang lugar, isang buong lugar yung anak mo, ha!

“Kailangan mong ayusin yung buhay nila, ayusin yung paligid nila, everything!

“Inaayos ko pa nga lang yung buhay namin, e, ‘di ba? Nag-aayos pa lang kami ni Rye ng family, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko yata kayang pumasok sa ganung sitwasyon.”

Kung magbago ang isip ni Ryan at pasukin nito ang pulitika balang-araw, papayagan ba niya?

Natatawang biro ni Judy Ann, “Tatakbo na lang kami ng 5K!

“Puwede bang ganung klaseng takbo na lang? Yung palayo!”

Pero seryoso niyang pagpapatuloy, “Ano talaga, e, kasi, wala, e…

“Feeling ko, I’m sure one day may mag-aalok, pero sana marespeto ‘pag humindi kami.

“Hindi yung sasabihin nila na mayabang kami o nagmamalaki kami.

“Hindi naman po iyon, it’s just that ayoko lang na sumagot ako ng oo, ‘tapos hindi talaga ako sigurado.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN