Carla Abellana dismisses speculations that Tom Rodriguez’s courting is just a gimmick for their show

Carla Abellana on qualities that she discovered about suitor Tom Rodriguez: "He values his family so much. Saka kung ano ang mga plano niya for the future at kung ano ang pinagtatrabahuan niya for his family…"


Umamin na si Carla Abellana sa panliligaw sa kanya ni Tom Rodriguez.

Ang pag-amin ni Carla ay kasunod ng rebelasyon ni Tom tungkol sa panunuyo niya sa aktres.

Kailan nagsimula ang panliligaw ni Tom sa kanya?

Sagot ni Carla, “Hindi ko alam… wala namang day yun na, ‘O, today, manligaw ka na.’ Wala namang ganun yun, e.”

Kailan niya naramdaman ito?

“Lately na lang,” sabi ni Carla sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, August 24, sa studio ng Sunday All Stars.

Pinag-usapan ba nila ni Tom na puwede na itong manligaw sa kanya? Paano siya nililigawan nito?

“Hindi naman namin pinag-usapan… flowers lang, poems, music.”

Sa simula ba ay hindi siya nagtaka o nagduda kung ano ang ibig sabihin ng pagbibigay sa kanya ng bulaklak, poems, at music ni Tom?

“Hindi naman.

“Kasi wala namang nagbago how we work together, ganun pa rin.

“Paano kami off-cam, ganun pa rin naman. Wala pa ring nagbago.”



GIMMICK? Magkasama sina Carla at Tom sa primetime series ng GMA na My Destiny.

Maaaring isipin ng ilan na baka gimik lamang ang panliligaw ni Tom kay Carla para sa show nila.

Ano ang reaksiyon ng Kapuso actress dito?

“Okey naman yung show, maganda naman yung show, bakit kailangan namin ng gimik?” sagot niya.

Handa na ba siyang umibig ulit?

“Na kay God yun kung ready na ako. I will pray for signs, ganyan, para ready ako.”

Mayroon ba siyang nadidiskubre kay Tom ngayong sinusuyo siya nito, na hindi nakita ni Carla noon?

Saad ng aktres, “Yes, na he values his family so much.

“Saka kung ano ang mga plano niya for the future at kung ano ang pinagtatrabahuan niya for his family…

“Yun lang naman yung mga bago kong nalaman.”

Yung pagiging sweet ba ni Tom, mas visible ngayon kaysa dati?

Ayon kay Carla, “Hindi... hindi naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa rin nagbabago, ganun pa rin naman. Makulit pa rin siya.

“So, ganun pa rin naman. Walang nabago how he is at all.

“Which is tama lang, kasi ‘pag nanliligaw ang isang tao, automatic ‘yan, e, best foot forward, e.

“With him, wala namang nagbago.”

Uso pa pala ang ligawan?

“I know… akala ko hindi na, e,” pagsang-ayon niya.

Hanggang October na lang daw ang kanilang teleserye, at kahit mawala na sa ere ang kanilang show, hindi naman daw siguro maaapektuhan ang panunuyo sa kanya ni Tom.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN