Sam Milby on Shaina Magdayao: "We’re enjoying the friendship and we’re taking it slow."

"Yun nga sinabi ko. If ever may balak, ayoko naman first-off sabihin sa inyo. I’d rather say it to the person," says Sam Milby when grilled about whether or not he intends to officially pursue Shaina Magdayao.


Inamin ni Sam Milby na mas may pagkakataon siya ngayong makilala nang husto si Shaina Magdayao, kumpara noong isinapubliko niya ang kanyang balak na ligawan ang aktres noong early part of 2013.

Ngunit nilinaw ng Fil-Am actor-singer na hindi pa siya pormal na nanliligaw, at “never” pa rin silang nag-date na silang dalawa lang ang magkasama.

Sabi ni Sam, “Shaina and I was an unexpected friendship.

“Dati, nung sinabi kong gusto ko siyang ligawan, we hang out a few times with a group kasama yung mga friends niya.

“Pero wala talagang nangyari. We never got the chance to talk. Walang growth.

“’Tapos dito, we have common friends, nagha-hang out kami na walang intention at all.

"There’s no intention of making ligaw at all or anything like that.

“Ayun nga, our friendship has grown and we’re still friends.

“Basta, you know, we’re enjoying the friendship and we’re taking it slow.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment reporters si Sam sa presscon ng pelikulang The Gifted sa Library, Metrowalk, Pasig City, kagabi, August 27.

Dito ay tinanong si Sam, 30, kung nag-umpisa ang magandang samahan nila ni Shaina, 24, nang magkasama sila sa Star Magic tour sa London noong nakaraang buwan.

Sagot niya, “Even before that. Like, yung business partner ko, sobrang dati pa.

“When I became friends with [my business partner], it ended up na nagha-hang out kami lagi, yung group of friends namin [together with Shaina].

“So, nung nag-start yun, talagang as in dun nag-start yung friendship namin.”

Maging si Shaina ay umamin sa isang panayam na madalas silang magkita ni Sam at ng iba pa nilang "non-showbiz friends."

Ngunit nang tanungin si Shaina kung nililigawan ba siya ni Sam, sinabi ng young actress na mas mabuting ang aktor na lang ang kausapin tungkol sa intensiyon nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bunsod nito, nagkaroon ng impresiyon ang iba na nagkakamabutihan na ang dalawang Kapamilya stars.

Paglilinaw naman ni Sam, “Pero sinabi rin niya na there are other guys na nanliligaw sa kanya and she’s hanging out with.

“I also said last time na kung meron ako nililigawan or dine-date, parang ayaw ko din sabihin, kasi minsan ’pag sinasabi ko, parang hindi nangyayari.”

Kung anu’t ano man, iginiit ni Sam na mas magandang si Shaina ang makalaam ng saloobin niya bago pa ang media.

At kung sakali mang magkamabutihan sila ni Shaina ay hindi raw ito itatago ng aktor.

“Yun nga sinabi ko. If ever may balak, ayoko naman first-off sabihin sa inyo. I’d rather say it to the person,” diin ni Sam.

Ang mahalaga ay malinaw kina Sam at Shaina na pareho silang single ngayon.

Sa huli, tinanong si Sam kung anong katangian ni Shaina ang pinaka nagustuhan niya.

Sagot ng Rockoustic Heartthrob, “Maganda talaga ang puso niya. She does charities na hindi naman niya pinu-post sa Instagram.

“Some people will do that para ipakita na ‘I’m doing this.’

“Pero si Shaina, when she does charities, hindi niya binu-broadcast.

“She really wants to do that out of the goodness of her heart.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN