Robin Padilla understands Eugene Domingo’s frustration over quality films not getting enough support from moviegoers

Robin Padilla on competing against box-office stars at the MMFF: “Siguro sa kitaan, sila lagi yun. Wala na naman tayong magagawa dun. Pasko yun, yun ang gustong panoorin ng mga tao. Wala nang pressure sa akin.”


Nakaka-relate daw ang action star na si Robin Padilla sa sentimiyento ng aktres na si Eugene Domingo na magse-semi-retire na siya sa paggawa ng pelikula dahil hindi naman napapahalagahan ng Pinoy audience kung ang matitino at dekalidad na mga pelikula.

Sinabi ito ni Eugene sa presscon noon ng kanyang latest film na Barber’s Tales.

Read: Eugene Domingo frustrated by box-office results of her serious films; wants to take "semi-sabbatical leave" from movies

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Robin sa taping ng programa nila ng misis niyang si Mariel Rodriguez sa TV5, ang Talentadong Pinoy, noong Martes, August 26, inamin niyang dumaan din siya ganoong estado.

Saad ng aktor, “Nagdaan na ako sa stage na yun, ang dami kong naluging pera, wala naman akong magagawa.

“Ganun talaga yun, nasa stage si Eugene na gumawa siya ng isang pelikula na gusto niya, statement yun.

“Ibigay natin sa kanya, sasama talaga ang loob nun, pero ganun talaga.”

Patuloy ni Robin, “Ako naman, lahat ng ginawa ko na ganun, puro lugi ako.

“Naniniwala ako na yung pagkakabenta ko nun sa TV rights at paulit-ulit na pagpapalabas sa TV, marami nang makakapanood.

“Kaya naman tayo gumawa ng ganung klase ng pelikula para mapanood ng mga tao, e.

“Yung kita, hindi naman yun ang main, yung kita as producer.

“Pero as artista, gusto mong ipakita yung gusto mong medium.

“Naiintindihan ko siya [Eugene], pero ako, tapos na ako dun.

“Bago pa ipalabas ang pelikula ko, pumupunta na ako sa ABS, kinakausap ko na.

“Sinasabi ko na sa kanila, ‘Gusto ko mapanood sa ganito ito.’

“Kasi nandun na ako, alam ko na. Kabisado ko na ang mga manonood ng pelikulang Pilipino.

“Kahit kami, ‘pag nagdya-jamming kami nila BB [Gandanghari], lagi namin pinag-uusapan yun.

“Umpisa pa lang, tinatanong na namin, ‘Pang-box-office ba ito o pang-statement?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun palagi, kailangang magkaintindihan muna tayo.

“Kung pang-commercial tayo, hanggang saan tayo?

“Kasi hindi na namin puwedeng gawin ang ginagawa ng mga baguhan kasi ’di na bagay sa amin yun.

“Kailangan kasi maging open tayo.”



BONIFACIO MOVIE. Ang susunod na pelikula ni Robin ay ang Bonifacio, na tatalakay sa buhay ng bayaning si Andres Bonifacio.

Entry ito sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Noong nakaraang taon, ang entry niyang 10000 Hours ang itinanghal na Best Picture at nagpanalo kay Robin bilang Best Actor.

Mabibigat ang mga makakalabang pelikula ni Robin sa MMFF ngayong taon, pero sa kabila nito ay wala raw pressure na nararamdaman ang aktor.

“Siguro sa kitaan, sila lagi yun. Wala na naman tayong magagawa dun.

“Pasko yun, yun ang gustong panoorin ng mga tao.

“Wala nang pressure sa akin.”

Samantala, hindi na si Iza Calzado ang makakaperaha ni Robin sa Bonifacio kundi ang dating girlfriend ng aktor na si Vina Morales.

“Kasi ang nangyari dun, hindi nagkasabay yung sked ni Iza, e.

“Yung aming production, parang alam mo na, mga aral sa Amerika, hindi sila mag-a-adjust sa big stars.

“Marami silang inalis na mga sinuggest ko na mga big stars, kasi nga ang gusto ng mga big stars, mag-a-adjust yung production.

“E, yung kalahati ng production namin, galing Amerika, hindi sila maghihintay.”

Tiniyak din ni Robin na hindi isyu sa asawa niyang si Mariel Rodriguez ang paggawa niya ng pelikula kasama si Vina.

“Una, si Mariel ang kinukuha. E, si Mariel, aalis papuntang Amerika.

“Tinanong ko si Mariel kung sino, sabi niya si Vina.

“Wala na naman yun sa kanya, tapos na yun.

“Kahit naman si Iza, si Mariel ang nag-suggest nun, yung Joaquin Bordado, mataas ang ratings namin.

“Para sa akin kasi, laging yung opinion ng bata… Para sa akin kasi, yung generation ni Mariel, bata, e, kailangan lagi ko siyang tinatanong.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagganap niya bilang Andres Bonifacio, pinag-aralan niya ba ang hitsura at mannerism nito, base sa mga tala sa kasaysayan?

Saad ni Robin, “Dun naman sa Bonifacio, para sa akin, ako na yun, e. Wala na akong dapat anuhin dun.

“Ang nagiging problema nga namin ni Direk Enzo [Williams], sabi niya, ‘Alam mo, Robin, ikaw ang Bonifacio sa totoong buhay ngayon. Kaya lang, ang salita mo, naiwan pa rin nung Bonifacio nung araw. ‘Di ba puwedeng maging 2014 ka?’

“Kasi dala-dala ko pa rin daw yung pananalita noong araw, dun kami mag-a-adjust.

“Sa totoo niyan, bukas, naka-schedule sa akin si Tita Lucy Quinto [voice coach] para baguhin namin yung pananalita ko.

“Ang problema sa akin kung paano sila magsalita nun, yun din, e.

“Kaya ayaw ni Direk Enzo, gusto niya modern.

“Pinapanood niya nga sa akin yung Gladiator [2000], matagal na panahon yun, pero ‘di dumayalog ng lumang English.

“Kasi ang ayaw ni Direk, baka ma-distract ang mga tao, na wala silang gagawin kundi pintasan yung buhok... kasi alam naman natin na mataas yung hairline ni Bonifacio.

“Ganun ang mentalidad ng ating viewers, kaya ang ginawa ni Direk, kung ano ang pinakamalapit na hitsura, yun na lang.”



TALENTADONG PINOY. Si Robin ang pumalit kay Ryan Agoncillo bilang host ng Talentadong Pinoy, kasama si Mariel bilang co-host niya.

Sa ngayon ay sobrang ini-enjoy raw ng aktor ang pagiging host niya sa talent search program ng TV5.

Kuwento niya, “Hinahanap-hanap na ng katawan ko.

“Kasi yung ‘di ko magawa na mga stunts, yung adrenaline rush na mga stunts, nakukuha ko dito.

“Nakukuha ko yung adrenaline rush kaya parang naaadik ako sa Talentadong Pinoy.

“Kasi nandun na, e, nararamdaman mo na.

“Lahat fresh sa utak mo, hindi mo na kailangang panoorin pagkatapos, hayaan mo na ang mga tao manood.

“Ikaw, bilang host, solb ka na. Ako, solb na solb ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa bagong napapanood sa Talentadong Pinoy ay ang “power to save” ni Robin, kung saan puwede niyang iligtas ang mga contestant kung nakikita niyang puwede pa itong bigyan ng tsansa.

Dahil kilalang malambot ang puso sa mga mahihirap pero nagsisikap, hindi kaya ma-overuse ni Robin ang ibinigay sa kanyang karapatan na ito?

Sagot niya, “Hindi ko inaabuso, sakto lang.

“Halimbawa, katulad dun sa sundalo, sinabi ko kanina na puwedeng bigyan ng ano, kasi sinaraduhan nung isang talent scout, puwedeng bigyan ng perfect score ng jury para makahabol.

“Ang ano naman dun, kaya ko sinabi, yung fighting spirit niya.

“Kasi may mga tao na naputulan, depressed na, sa kanya, ‘di mo nakita na na-depress siya.

“Ang katotohanan nga, naghanap siya ng ibang talent. Dun ako sumasaludo sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN