Dennis Trillo on possible romance with Kris Bernal: "Puwede, pero hindi muna, kasi nga bata."

“E, ayaw ko naman magsamantala. Pero kung siya ang magpapakita ng motibo, isikreto na lang natin. Sa amin na lang dalawa. Secret na lang,” says Dennis Trillo when asked about a hypothetical situation between him and co-star Kris Bernal.


Dalawang taon nang single si Dennis Trillo at wala pa rin daw siyang nililigawan hanggang ngayon.

Kaya hindi maiwasang tanungin ang 33-year-old Kapuso actor kung posibleng mahulog ang loob niya sa kanyang bagong leading lady na si Kris Bernal, 25.

Magkasama ang dalawa sa upcoming primetime series ng GMA Network na Hiram Na Alaala.

Bukod sa tapos na ang ugnayan nina Kris at Carl Guevara, bukas din ang Kapuso actress sa pagsasabing matagal na niyang “crush” si Dennis.

Ngunit nilinaw ni Dennis na hindi niya prayoridad ang panliligaw sa isang katrabaho sa ngayon.

“Puwede, pero kung talagang gagawin ko yun, kung tutuluyan ko, hindi muna kasi nga bata.

“At hindi naman yun ang main purpose ko para dito sa show.

“Ang objective namin ay pagandahin yung show,” panimulang saad ni Dennis.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment reporters si Dennis sa pocket presscon para sa Hiram Na Alaala, kagabi, August 28.

TAKING THE BAIT. Nabanggit din kasi ng aktres sa isang panayam na halos hindi na siya makahinga sa isa sa mga “super close” na eksena nila ni Dennis sa Hiram Na Alaala.

Pero hindi binigyan ng malisya ni Dennis ang pagiging kabado ni Kris sa kanilang initial taping days.

Saad niya, "Eksena yun nung tinulungan ko siyang makatakas sa ospital. Meron kaming tinalon na isang mataas na lugar.

"Hindi ko alam [bakit sobrang na-conscious siya]. Baka nanibago lang siya."

Hirit pa ng isang entertainment reporter: Kakagat ba si Dennis kung sakaling magpakita ng motibo si Kris?

“E, ayaw ko naman magsamantala.

"Pero kung siya ang magpapakita ng motibo, isikreto na lang natin.

"Sa amin na lang dalawa. Secret na lang," nangingiting sagot ni Dennis.

Sadyang ayaw raw niyang maging ipokrito kung sakaling malagay siya sa ganung klaseng sitwasyon.

“Kahit sino namang lalaki siguro, kapag magpakita ng motibo yung babaeng kursunada niya, medyo mahihirapan nang kaunti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero depende yun sa pagkokontrol mo.

"Or kung hahayaan mo yung sitwasyon, siguraduhin mo na hindi ka mapapariwara.”

Ganunman, mas exciting daw para kay Dennis kung siya ang hahabol sa babaeng nagugustuhan niya.

“Siyempre, mas may challenge. Meron kang goal na kailangan ma-achieve.”



ON SETTLING DOWN. Bagama’t sunod-sunod ang engagement at kasalan sa showbiz ngayon, pakiramdam ni Dennis ay matagal pa bago siya sumabak sa isang lifetime commitment.

Bukod sa hindi pa niya nahahanap ang tamang babae para sa kanya, marami pa rin daw siyang gustong gawin sa buhay bilang isang binata.

“Siguro ano pa, mas marami pang trabaho. Kailangan ko pa i-establish nang husto yung sarili ko.

“Yung mga gusto ko pa gawin, gusto ko mag-aral ulit.

"Siguro after ng show, kukuha ako ng cinematography [workshop] sa Mowelfund [Film Institute]. Para iba naman.”

Sa kabilang banda, naniniwala si Dennis na taglay niya ang mga katangian ng isang magiging mabuting asawa pagdating ng tamang panahon.

Sabi pa niya, “Siguro ngayon. Dati, nung bata-bata pa ako, hindi [ako husband material].

“Pero ngayong marami na akong natutunan sa buhay, sa mga nakarelasyon, sa trabaho, palagay ko, oo.”

Ano naman ang qualities na hinahanap niya sa susunod niyang karelasyon?

Tugon ni Dennis, “Yung may sense of humor.

"‘Tsaka gusto ko yung health-conscious, mahilig mag-exercise.

"Yung malawak ang pang-unawa, at gusto ko mature mag-isip."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN