Glaiza de Castro looking for someone who understands her interests

Glaiza de Castro describes herself as a random person: "Kung minsan, natripan ko yung isang bagay na gawin, ’tapos the next day, iba naman. And then, the next day ulit, iba na naman. Hindi ako yung tipong stuck lang sa isang ginagawa. So, yung tao na makakasama ko, kailangang maintindihan niya na nagbabagu-bago ako."


Kabilang sina Glaiza de Castro at Benjamin Alves sa Kapuso stars na naging contestants sa upcoming game show ng GMA Network na Don’t Lose The Money hosted by Tom Rodriguez.

Ginanap ang taping nila kagabi, Huwebes, August 28, sa GMA Studios.

Magka-team ang dalawa at kapansin-pansin na talagang very close sila.

Magkasama rin sina Glaiza at Benjamin sa afternoon series na Dading, kung saan gumaganap sila bilang mga magulang ng batang ang nakagisnang ama ay ang bading na si Gabby Eigenmann.

Natutuwa raw si Glaiza dahil maganda ang feedback at tumatatak sa viewers ang chemistry nila ni Benjamin.

Sabi ni Glaiza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nagpapasalamat ako at marami ang nakaka-appreciate.

“Kasi siyempre, mahirap din na makakapag-establish ng chemistry.

"And maganda, kaming dalawa ni Benjamin, sa simula pa lang ay at ease na sa isa’t isa.

“At saka maayos ang samahan namin ng buong cast.

"Pagdating sa professionalism, walang problema sa mga kasama ko.

“Hindi kami yung tipong mabigat kapag magkakaeksena. Nagkakatulungan kami.

“Importanteng bagay na at ease ka dun sa mga katrabaho mo.”

DEEPER RELATIONSHIP. Dahil maganda ang chemistry nila ni Benjamin, posible kaya na yung closeness nila ngayon ay lumalim at mauwi sa espesyal na pagtitinginan?

“Naku!” bulalas ni Glaiza. “Sa palagay ko… sa ngayon kasi focused kami sa mga eksena namin. Trabaho muna.”

How does she find Benjamin as a person?

Mabilis na sagot ng aktres, “Sobrang bait!

“Isa siya sa mga tao na maku-consider kong blessed ako at grateful ako to work with.

“Bukod sa masarap siyang kaeksena, as a person talaga, wala akong masasabi sa kanya, e.

“Sensible siya.

“Sa physical o sa looks niya, wala naman tayong question dun.

"Talaga namang may hitsura siya!"

Pasado ba si Benjamin sa tipo ng lalaki na boyfriend material para sa kanya?

“Well, may mga qualities pa rin ako na siyempre hinahanap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, gusto ko jive kami dun sa personality ko na parang… maiintindihan niya ako.

“Kailangan naiintindihan niya ang mga interes ko.

"In a way kasi, ano ako, random ako. Kumbaga, spontaneous ako, e.

"Kung minsan, natripan ko yung isang bagay na gawin, ’tapos the next day, iba naman.

“And then, the next day ulit, iba na naman.

"Hindi ako yung tipong stuck lang sa isang ginagawa.

“So, yung tao na makakasama ko, kailangang maintindihan niya na nagbabagu-bago ako.

“Medyo mahirap!” tawa pa niya.

At iyon din siguro ang dahilan kung bakit matagal nang wala siyang lovelife?

Pagsang-ayon ni Glaiza, “Oo nga, e. Pero sa akin, ayos pa rin naman.

“Okey pa rin naman ako. At least, nakakapag-focus ako sa ibang bagay.

“Kumbaga, kung ano yung ginagawa ko ngayon, gusto kong makasama rin siya sa future.

“Kung anuman yung ginagawa ko sa kanya ngayon, makasama ko siya in the long run.”

Ni mag-entertain daw ng manliligaw ay wala umanong panahon si Glaiza ngayon.

“Hindi nga ako nakakalabas ng bahay.

"I mean, hindi ako nakakagimik or anuman."

SONG ALBUM. Natapos na ni Glaiza ang kanyang debut album under GMA Records at pinaghahandaan na raw nila ang launching nito.

Kuwento niya, “All-original composition ang laman ng album ko.

"Ang carrier single nito ay yung kantang ’Dusk ‘Til Dawn,’ pop song siya.

“Marami akong composition na kasama sa album na ito.

"Actually, halos lahat ng kanta, ako ang gumawa.

“I think by October ito mailu-launch at mari-release.

"Ito ang pinaghahandaan naming mabuti.

“Ako, I’d rather wait for the perfect time, than madaliin siya na hindi pa swak o hindi pa hinog yung project.

“Kasi siyempre, pinag-iisipan din namin yung music videos.

"Siyempre, nagpa-practice din ako with the band para paglabas, kumbaga, handang-handa na kami.”

May pressure ba habang hinihintay niyang mai-launch at mai-release ang kanyang album?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Glaiza, “Wala naman.

"Gusto kong maging confident ako.

“Kaya rin siguro it took time for me to release it.

"Kasi siyempre, inhahanda ko pa yung sarili ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN