Heart Evangelista and Chiz Escudero recall the night of their engagement

Chiz Escudero was putting the ring on Heart Evangelista’s wrong hand, she teases, “Pangalawang beses na nga, nagkamali pa.” Heart admits though, that she feels extreme happiness on her engagement to her boyfriend of two years, “This is the best feeling I’ve ever had so far. Top siya sa buhay ko ngayon. Super!”


Pagkatapos mag-propose ni Senator Francis “Chiz” Escudero kay Heart Evangelista nung nakaraang Sabado, umiwas muna sila sa mga gustong mag-interview dahil ilang araw rin daw na parang nakalutang si Heart at ini-enjoy pa ang euphoria ng sorpresang proposal sa kanya ni Sen. Chiz.

Read: Heart Evangelista and Senator Chiz Escudero are engaged

Ngayon lang nagsalita ang bagong engaged na couple. Ibinahagi nila sa GMA-7 showbiz talk show na Startalk ang nangyari nung gabing yun at kung paano pinaghandaan ng senador ang naturang proposal.

Ikinuwento muna ni Chiz kung bakit sa ancestral house ng pamilya niya sa Sorsogon ginawa ang proposal.

“Actually, umuuwi ako sa Sorsogon for the past month and a half dahil tinamaan kami ng bagyo, e. So, maraming nasira, maraming kailangang ayusin muna bago sila makarating at makauwi dun.

“Principally, yun naman ang hilig ko talaga, ang mag-ayos ng bahay. Mag-ayos, magtanim, yun principally ako talaga ang mismo gumawa,” simulang kuwento ng 44-year-old na senador.

Inaaway na raw siya noon ni Heart dahil panay ang kanyang uwi na walang kamalay-malay ang aktres. Inaayos kasi nang husto ni Chiz ang pagdadausan ng proposal para puwede nang puntahan ng buong pamilya at malalapit nilang kaibigan.

Dagdag na kuwento ng senador, “Nagkataon kasi na pupunta rin yung mga kaibigan niya dun para magbakasyon. Magandang pagkakataon na yun, nakaipon karamihan sa kanila at konti na lang, ‘ika nga, ang kailangang hilahin para makadalo dun sa okasyon na yun dahil para naman kay Heart yun.”

Humingi na rin daw siya ng tulong sa kapatid ni Heart na si Mich.

“Hiningi ko yung tulong ng kapatid niya si Mich para magparating ng mensahe at pagpapaalam sa magulang niya. Gayundin para masabi din sa kapatid niya [Camille].

“Bakit gagawin mo pa sa ibang bansa pa?” pakli ni Chiz.

“Pangalawa, hinihintay ko pa na maging final yung annulment ko at that time. Ayoko pang gawin yun na hindi pa pinal yun,” dagdag pa niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nung nakaraang buwan, inamin ni Sen. Chiz sa Kris TV ang church annulment ng kasal niya sa dating asawang si Christine Elizabeth Flores.

Taong 2012 nang makuha niya ang civil annulment sa pinakasalan nung 1999 na singer-actress. Nagkaroon sila ng dalawang anak, ang fraternal twins na sina Maria Cecilia at Joaquin Cruz nung 2007.

Abril nung nakaraang taon nang ilathala ng kolumnistang si Ricky Lo na magkahiwalay na sina Chiz at Christine at limang buwan nang hiwalay ang mga tinutuluyang tirahan.

Hindi nagsalita ang senador tungkol sa pakikipaghiwalay sa asawa hanggang sa pag-amin na nga nito sa Kris TV host at na-link din sa kanya noon na si Kris Aquino.

"LADY IN RED." Pagbabalik-alaala ni Heart, hindi raw niya maipaliwanag ang nararamdaman nung sandaling iyon, lalo na nung naglalakad na siya patungong lanai habang tinutugtog ang kantang “Lady in Red” ni Chris De Burgh.

Lahad ni Heart, “Yung song na yun, yun ang first time na nakita ko siya back in 2007 sa isang restaurant. Yung song na yun was playing nung nakita ko siya. Sobrang crush ko talaga siya dati. Super-duper crush ko talaga siya.

“Pagkauwi ko dinownload ko pa siya at pinakinggan ko yung song yun hanggang daydream.

“Eventually, sinabi ko sa kanya nung medyo matagal na kami, ‘Alam mo ba, crush na crush kita dati?’ And the song na ‘Lady in Red’ was the one that was playing when I first saw him sa Fort.

“Alam mo ba yung suot niya nun, naka-T-shirt siya, naka-shorts siya, nakatsinelas siya. So, bilib na bilib ako sa kanya, grabe! Parang... senator siya, ‘tapos nakatsinelas siya, gwapung-gwapo ako sa kanya,” bulalas pa ni Heart.

“Kaya mula nun, nakatsinelas at naka-shorts na ako palagi,” pabirong singit ni Sen. Chiz.

Patuloy na kuwento ni Heart, “Nung, naririnig ko na ‘Lady in Red’ and nagpi-play, at saka may acoustic guitar, sabi ko ‘My gosh ito na! Feeling ko ito na yun.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagtatawanan yung mga kaibigan ko sa likod. Sabi ko, ‘Hindi ko kaya.’

“Hindi ko kaya, sinamahan niya ako kasi madilim, e. Madilim yung pupuntahan namin. May maliit na parang gazebo sa likod ng bahay nila na madilim na may mga kandila, nakikita ko na yung kandila.

“Sabi ko, ang sakit-sakit na ng tiyan ko. Hindi ako makahinga.

“So, eventually, hinatid na nila ako dun. So, ‘ayun na nga, nakita ko yung ibang mga kaibigan pero hindi pa lumalabas yung mga surprise, sina Kat [Cruz, stylist niya], si Alex [Alessandra de Rossi], Lovi [Poe], Rocco [Nacino], at yung iba kong non-showbiz friends ‘andun din.”

Pagpapatuloy ng Kapuso actress, “Isa-isa silang lumalabas, so ang sakit-sakit ng tiyan ko, hindi ako makahinga.

“Actually, kung makikita mo yung ina-anticipate ko e talagang hindi ako makahinga. Binigyan na nga ako ng tubig! Grabe pala yung feeling.

“Siyempre, wala kang alam, hindi mo pinaghandaan yung talagang out of this world hindi ko ini-expect na mangyayari, ‘tapos ‘ayun na nga nangyayari na nga.”

Bahagi ng proposal ay ang pagbigay ng mensahe ng daddy ni Heart na si Reynaldo Ongpauco.

Ipinadala raw iyon ng daddy ni Heart sa kapatid niyang si Mich na nai-forward kay Chiz.

“Actually, it was a video message of my dad. Ewan ko kung anong nangyari...” saad ni Heart.

“Due to technical difficulties,” napapangitiing singit ni Chiz.

“Yes, due to technical difficulties, ipinakita na lang sa akin yung text, so yun yung binasa ko,” patuloy ni Heart.

“Na-touch ako kasi, again bilang anak, ako lang naman talaga ang makakaintindi kung anong klaseng relasyon meron kami, na para sa kanya at para sa akin, importante na binigay niya sa amin yung blessing na okey na kaming magpakasal, na masaya siya para sa amin.

“So, nung nakita ko yung text, talagang overwhelmed na talaga ako.”

Hindi na nga raw niya naalala ang iba pang pangyayari dahil tuluy-tuloy na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkabasa ng message ng daddy niya, nakita niya ang iba pa nilang kaibigan, lumuhod na si Sen. Chiz at ipinasuot na ang singsing.

“Talagang nataranta ako. Hindi ko nga alam na lumuhod na siya, e.

“Ang alam ko lang nung sinuot na niya ang singsing, nagkamali siya ng lagay ng singsing. Sabi ko, ‘Hindi diyan, sa kabila.’

“Niloloko ko nga sa kanya, na pangalawang beses na nga, nagkamali pa,” natatawa niyang kuwento, na sinundan din ni Chiz ng malakas na halakhak.

Hindi maipaliwanag ni Heart kung ano ang eksaktong nararamdaman niya nung isinuot na ang singsing.

Hindi na rin daw niya maalala kung nag-“yes” ba siya nang mag-propose na ang kanyang boyfriend of two years.

Sabi ng 29-year-old na Kapuso actress, “Extreme happiness yun and may konting kaba. Kasi life-changing ito, e.

Watch: How Chiz Escudero proposed to Heart Evangelista

“Parang kumbaga, this marks a new chapter of your life. So, meron din siyang konting kaba na ito na yun. Forever na ito, pero nakaka-excite siya.

“There are no exact words siguro na madi-describe ko yung feeling, kasi kahit nga ako artista, ako sanay ako sa grand things o kaya Sunday All Stars, live, ang daming tao...

“Pero yung ganitong event, parang hindi ka artista. Mawawala ka sa sarili mo, e. Iyak ka lang nang iyak.

“This is the best feeling I’ve ever had so far. Top siya sa buhay ko ngayon. Super!”

MEANT TO BE. Heirloom nga raw yung singsing na ipinasuot ni Sen. Chiz kay Heart. Ipina-reset lang daw ito para bumagay kay Heart.

Hiningi raw ito ni Chiz sa kanyang ina na kaagad namang pumayag na ipasuot ito kay Heart.

“Tinanong ko siya [ina niya] kung meron siya. Sumagot naman siya na, ‘Oo’. Hindi niya tinago,” sabi ni Chiz.

“Meant to be talaga siya sa akin,” natatawang sabat naman ni Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN