Heart Evangelista and Chiz Escudero want an intimate wedding

Heart Evangelista and Senator Francis “Chiz” Escudero are still figuring out where and when to hold their wedding, but one thing they are both sure of—it has to be intimate.


Sa ngayon, hindi pa napagdedesisyunan nina Heart Evangelista at Senator Francis "Chiz" Escudero kung kailan ang petsa ng kanilang kasal.

Marami ang nagsasabing baka sa mismong kaarawan ni Heart, sa February 14 sa susunod na taon mangyayari ang kasalan at baka sa Balesin Island sa Quezon Province ito gawin.

“Biro ko lang yun, na isang okasyon na lang yung birthday, yung anniversary at yung Valentine’s para isa na lang regalo. ‘Tsaka parang imposibleng makalimutan yung anniversary,” natatawang pahayag ni Sen. Chiz.

“Wala pang usapan na pinal. Actually, may ilang bagay pa kaming inaayos kaugnay dun. Pero sasabihin naman talaga namin kung kailan,” dagdag pa niyang pahayag.

Makikipag-usap pa raw si Heart sa wedding coordinator niya at ilang suppliers, at doon daw niya mapagdedesisyunan kung kailan ang date.

Si Heart daw ang masusunod, at nandiyan lang daw si Chiz na susuporta sa kanya.

“Preparation na ito for next year, basta we will figure it out,” pakli ni Heart.

Hindi pa nila masasabi kung gagawin nga nila sa Balesin Island dahil mahirap din daw magdala ng imbitadong guests sa naturang isla.

Pero mas gusto raw sana nila na tahimik lang at gagawin itong pribado para sa pamilya at malalapit na kaibigan.

“Very intimate sana ang gusto namin,” sabi ni Heart.

“Hindi masyadong circus,” dagdag ni Chiz.

Patuloy ni Heart, “Hindi masyadong magulo. Yung kumbaga, kami-kami lang muna siguro yung gusto namin. Kasi mas special sa amin yung dalawa, and of course meron kaming isang party na lahat makasali.”

Dagdag naman ni Sen. Chiz, “Maganda sana yung ganun, kesa yung magulong... paghaluin mo yung magulong mundo ng showbiz at pulitika. Hindi na siguro…

“Mas maganda mas simple, mas konti, mas intimate.”

Humirit uli ng biro si Chiz; “Ayaw niyang makinig sa akin. Kung busy siya, ako na ang bahala sa lahat.

“Pumunta na lang siya dun para maglakad. Ako na ang pipili ng kulay, ng gown, ng bulaklak, lahat ako na bahala.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pabirong sagot naman sa kanya ni Heart, “Dapat matuto ka na sa lesson mo dati.”

PEACE, FINALLY, WITH PARENTS. Ang isa pa sa gusto sanang maayos ng magkasintahan ay ang magulang ni Heart.

Bukod sa ama ng aktres na si Reynaldo Ongpauco na nagbigay ng suporta sa kanilang balak na pagpapakasal, nagkaayos na rin sina Heart at ang inang si Cecile. Nagkita nga raw sila pagkatapos ng proposal.

Saad ni Heart, “Nagkita kami, nagkausap kami, okey naman.

“Shopping-shopping, eating-eating ganyan. Pero ang laki na rin nang ipinagbago niya sa paningin ko. Nag-mellow down din siya, pati na rin ako.

“We all learned our lesson I guess. Na-appreciate ko rin siyempre nanay siya.”

Patuloy ni Heart, “Kung ano man sa pag-iisip natin, your parents are still your parents.

“Na-appreciate ko na nagpakumbaba siya, and wala na siyang sinasabi sa akin. She was very nice.

“Niloloko nga niya na parang tinanong niya ako kung, ‘Kailan ba ang kasalan n’yo?’

“’Tapos sabi ko, hindi ko pa alam, baka Feb ganyan. Sabi niya sa akin ang bilis naman, nai-stress siya.”

Masaya si Heart habang nagkukuwento. Matagal na raw kasi silang hindi nagkita ng ina, at hindi maganda ang kanilang pinagdaanan.

Sa kanilang pagbabati, parang wala lang daw at kinalimutan na ang lahat ng iyon.

“It was very light. Malaki na yung changes. Natutuwa din ako sa outcome. You know, a day at a time ang mga bagay-bagay.”

Dagdag na pahayag ni Sen. Chiz, “Sa pagitan ng pamilya, hindi na kailangang pag-usapan pa. Hindi na kailangang maghingian pa ng tawad.”

Dugtong ni Heart, “In fact, nandun na rin kami, na hindi mo na kailangang i-settle kung ano yung mga differences n’yo.

“You may not be on the same page with everything, pero ang importante okey kami. Ang importante, okey kami.

“Ang importante, nagkikita kami and we make time for each other.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Because life is too short. You don’t want to waste time anymore, yun ang lagi kong sinasabi.

“Kung anuman yung maging desisyon nila, whether they won’t be there, ang importante sa akin is okey kami. Okey na sa akin yun.”

Pero nandiyan pa rin ang hiling ni Heart na sana sila [kanyang parents] nga raw ang magdadala sa kanya sa altar.

“Sana talaga,” pakli ni Heart.

“Pero siguro, only a daughter can understand their parents kung saan sila nangagaling. Like what my dad said, hirap din talaga siya na makita parang letting go of me. Nahihirapan talaga sila.

“Hindi ko alam kung ano ang magiging desisyon nila,” dagdag na pahayag pa ng aktres.

Hindi pa raw nagkaroon ng pagkakataong makausap ni Sen. Chiz ang mga magulang ni Heart. Pero naghihintay raw siya ng tamang panahon sa tamang oras na maging okey ang lahat at bukas sila sa posibilidad ng pag-uusap at pagkakasundo.

Saad ni Chiz, “Naniniwala naman ako na darating yun. Darating at darating palagi yun.

“Mahirap lang siguro pangunahan at sabihin eksakto kung kailan.”

HEART’S JOKE. Sa panghuling bahagi ng interview sa dalawa, hiningan namin ng mensahe si Sen. Chiz para sa supporters ni Heart.

Sabi ng senador, “Sana mapasaya ko siya. Hindi man ako kasing-talino, kasing-ano ba…? Magaling umarte, kasing-galing kumanta, sana mapunuan ko.

Sumingit si Heart ng “Hindi kasing-macho, matsu…Matsunaga?”

“May ganun talaga?” buwelta ni Chiz.

“Basta alam ko nung umu-oo ka, ako yung big winner,” natatawang sagot ng senador.

Ang mensahe naman ni Chiz sa pamilya ni Heart, “Hindi ko pababayaan…na mahalin at aalagaan ko yung anak, kapatid, pinsan o kaibigan nila. Sisikapin ko, siyempre, na mapaligaya ka.

“Basically, the long and short of it, hindi ko pababayaan si Heart kahit na anong mangyari.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN