Former child star Niño Muhlach wants son Alonzo to follow in his footsteps

Former Child Wonder Niño Muhlach on today’s child stars: “Ang ang bilis ng palitan ng child stars, walang masyadong tumatagal, e. At saka iba na ang labanan ngayon, TV na, e. Hindi na pelikula. At hindi mo rin masabi kung sino talaga iyong…. Kasi, noong panahon ko talaga, ako yung lead ng pelikula. Wala naman kasing child star na kayang magdala ng sariling pelikula."


Balak ni Niño Muhlach na mas maging active sa showbiz at posible raw siyang magdirek ulit.

“May ginagawa akong movie ngayon, iyong Mara, under ito sa Reality Media. Kasama ko sina Jasmine Curtis-Smith, Isabelle Daza, at Paulo Avelino.

"Working title pa lang iyan, pero I think ang lalabas na title talaga is Bampira,” saad ng aktor nang makapanayam recently ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kuwento pa niya, “Kasali rin ako sa My Big Bossing’s Adventures.

"Actually, si Alonzo, siya iyong ipinalit ni Vic Sotto kay Bimby so kasama rin ako roon sa movie.”

Ang My Big Bossing’s Adventures ang lumalabas na part two ng My Little Bossings na pinagsamahan nina Vic, Ryzza Mae Dizon at ni James “Bimby” Aquino Yap, nga.

Sinabi rin ng dating “Child Wonder” na kapipirma lang niya sa kanyang bagong manager na si Dondon Monteverde.

Pahayag niya, "Actually, ang pinirmahan ko kay Dondon is bilang actor/director. Nagdidirek naman kasi ako ng stage play at saka ng indie [films]. Ngayon siguro pati sa mga commercials, magko-concentrate din ako.”

Kung magdidirek siya ulit, indie pa rin ba ang gusto niya?

“Well, kung may mainstream e di mainstream, ‘di ba?

"Kapag may nagbigay ng break… Hopefully kay Dondon, baka mabigyan ako ng break.”

Iyong tatak niya bilang child star at komedyante, maaalis pa kaya sa kanya iyon?

“Well, hopefully, baka may gawin akong indie sa Cinema One na seryoso talaga. Pero, secret pa muna iyon ngayon,” nakangiting paliwanag niya.

AS THE CHILD WONDER. Nilinaw rin ni Niño na nakagawa na siya ng ilang pelikula na nagdrama siya nang todo noong child star pa ito.

“Dalawa ang nagawa kong heavy drama talaga, iyong Tahan na Empoy Tahan at Ang Tatay kong Nanay. Parehong Lino Brocka [directed-movie] yun.

“Hindi, tatlo palang movie yung nagawa ko na drama talaga, pati iyong Tembong [1980] pala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iyong retarded ako roon,” pagtatama pa ni Niño sa kanyang pahayag.

Ang Tahan Na Empoy Tahan (1977) at ang Ang Tatay Kong Nanay (1978) ay parehong pinamahalaan ng National Artist for Film na si Lino Brocka at parehong pinanalunan ni Niño bilang best child actor, habang ang Tembong (1980) naman ay sa ilalim ng direksyon ni J. Erastheo Navoa. Nominated lang siya para sa best child actor award sa pelikulang ito.

Marami ang nag-aakala na ang mga movie ni Niño na kasama si Fernando Poe Jr. ang biggest money-maker niya, pero hindi pala.

“Ang movie ko na pinakamalaking kinita ay iyong Kuwatog...

“Mas malakas iyong Kuwatog. Naka-six million pesos iyon at two pesos and fifty cents [P2.50] pa lang ang bayad sa sine noon, e.

"So, kapag sinuma-total mo ngayon iyon, kapag kinuwenta mo, grabe ang laki niyon.”

Ang Kuwatog (1979) ay hango sa nobela sa komiks at muling idinirehe ni J. Erastheo Navoa.

Iyong planong indie movie niya, gaano kakaiba yun sa mga nagawa na niya?

“Hopefully… talagang seryosong movie ito, off-beat talaga iyong role, action-thriller ito, e.

"Makakasama ko si Jericho Rosales dito.”

HERE TODAY, GONE TOMORROW. Puro box-office ang mga pelikula noon ni Nino at itinuring pa nga siyang pinakasikat na child star sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.

Ano naman ang masasabi ni Niño sa mga child stars ngayon?

“Ang ang bilis ng palitan ng child stars, walang masyadong tumatagal, e.

“At saka iba na ang labanan ngayon, TV na, e. Hindi na pelikula. At hindi mo rin masabi kung sino talaga iyong…. Kasi, noong panahon ko talaga, ako yung lead ng pelikula.

"Wala naman kasing child star na kayang magdala ng sariling pelikula."

Halimbawa raw ay sina Ryzza Mae at Bimby na kasama lang lagi ni Vic o si Xyriel Manabat na kasa-kasama naman ni Vice Ganda o ni Ai-Ai delas Alas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala yung nagsosolo talagang bata na siya iyong title role, like yung Bokyo, Kuwatog, Nognog, Tembong… Hindi ba?" paghahalimbawa pa ni Niño sa mga pelikula niya noon na siya ang bida.

"Wala nang ganoon ngayon, e."

Sa paningin niya, “Ang mga child star ngayon, nakapag-solo sa TV pero minsan ay paisa-isa lang, ’tapos ay nawawala na.

"Kasi nga ang daming child stars ngayon... like si Jillian Ward, noong sumikat ay biglang nawala na. Kasi nagkaroon na naman sila ng bagong pinapasikat.”

Pero sa kasalukuyan ay kabilang sa dalawang bida ng GMA-7 TV series na My BFF.

Bilib ba siya sa galing ni Ryzza Mae?

“Oo naman, magaling siya! Kaya lang, hindi mo siya puwedeng iano, nine years old na, e. Kumbaga, kung she was five at ganoon siya mag-isip at ganoon siya magsalita, mas nakakabilib.

“Suwerte lang siya talaga, dahil mukha siyang maliit, kaya mas mukha siyang bata. Dapat kasi kapag child star ka, maliit ka para tumagal ang reign mo,” nakatawang saad pa ni Onin (palayaw ni Niño).

TITLE ROLES. Nagbalik-tanaw rin siya sa pagsisimula niya sa showbiz. Una raw siyang napanood sa TV sa Ariel & Co. After Six ni Ariel Ureta noong two years old pa lamang siya.

Taong 1974 naman nang sumabak siya sa movies. Tatlong taong gulang pa lamang siya nang makasama sa mga pelikulang produced ng kanyang Tita Nena na si Amalia Fuentes, ang May Lalaki Sa Ilalim ng Kama Ko at Lulubog Lilitaw sa Ilalim ng Tulay.

"Unang movie ko, extra lang ako sa movie ni Tita Nena," sabi niya, at pagkatapos raw ay naging bida na agad siya noong 1975 sa pelikulang Ang Leon at Ang Daga kasama si The King, Fernando Poe Jr.

Dagdag pa niya, “’Tapos gumawa na kami ng sarili naming production, iyong D’ Wonder Films. At ang una naming ginawang movie ay Beloy and The Kid [1976]. Kaming dalawa ni Vic Vargas doon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pinaka-memorable na movies na ginawa niya?

“Well siyempre, iyong kasama ko si FPJ at iyong Ang Tatay Kong Nanay kay Dolphy, Darna at Si Ding with Vilma Santos. Pati yung Kuwatog na isa akong duwende roon.

“Bale, naka-forty na title roles ako, e.”

Iyong anak niya kayang si Alonzo, puwedeng i-remake ang mga dating pelikula niya?

“Yes! Yes! Hopefully, hopefully. Iyon nga ang gusto ko sa kanya, na sana ay hindi lang sa TV, sana ay makapagpelikula siya nang solo niya.”

Magkakaroon din daw ng TV show si Alonzo, pero hindi pa raw niya puwedeng sabihin ang detalye nito.

FADING CHILD STARS. Paano tinanggap ni Niño ang pagkawala ng kasikatan niya bilang child star, nalungkot ba siya?

“Hindi naman, kasi hinanda naman ako ng daddy ko, e.

"Noong kasikatan ko, laging sinasabi sa akin ng daddy ko na, ‘Niño, darating ang araw na mawawala lahat iyan. Kaya kailangan na ‘pag dumating iyon, kailangan matuto mong harapin, matuto mong tanggapin.’"

Ang ama ni Niño ay si Alex Muhlach na kapatid ni Amalia Fuentes. Mag-pinsan sina Niño at Aga Muhlach na nag-umpisa rin bilang child actor. Ama ni Aga ang isa pang kapatid ng beteranang aktres, si Cheng Muhlach na tulad ni Alex ay dating aktor sa pelikula.

Nasabi pa ni Niño na nang dumating ang panahon, "In-enjoy ko naman iyong pagiging teenager ko.”

HEIGHT ISSUE. Totoo ba na kaya hindi siya masyadong lumaki ay dahil sa pagsabak niya sa showbiz nung bata pa siya at madalas na naiinitan sa ilaw sa set?

“Well, kasi, dinala ako ng daddy ko sa Stanford University sa States para patingnan nga iyong height ko. Dahil sa school ko, medyo sa klase ko, ako yung pinakamaliit. Gusto lang malaman ng daddy ko kung ano ang dahilan.

“Was it because… kasi, nagi-guilty siya na baka dahil sa pagsu-shooting ko or something.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tapos, noong nalaman ng doctor na artista ako... Kasi noong araw, ang ginagamit sa shooting ay hot lights, mainit.

"Ngayon ang ginagamit na ay cold lights na kaya kahit malapit ang ilaw, hindi siya mainit.

"Bawal pala kasi na naiinitan ang pituitary gland, sa bandang batok iyon. So, scientifically proven iyan,” esplika niya.

Nabanggit pa ni Niño, “Kaya even iyong child stars in the States na sina Mickey Rooney, Michael J. Fox, Shirley Temple…

"At dito sa atin sina Vilma Santos, Roderick Paulate, sila, hindi naman ganoon ka-busy. E noong bata ako, grabe ang pagka-busy ko.

"Pero no regrets, no regrets naman,” nakangiting sabi pa ng aktor na halos 41 years na ang inilalagi sa showbiz.

STAGE FATHER. Sa ngayon ay tatlong pelikula ang ginagawa ng bunsong anak niyang si Alonzo, okey lang ba sa kanya kung sumunod sa yapak niya ang kanyang anak?

“Yeah, kasi para naman sa kanya iyon, e. Kung saka-sakaling mabigyan siya ng magandang breaks, para sa kinabukasan din naman niya iyon.

"Kasi I will make sure na kung ano ang ginawa sa akin ng daddy ko, ganoon din ang gagawin ko sa kanya. Na kung ano’ng kinikita niya, talagang kanya lang at ilalagay ko sa trust fund."

Inisa-isa ni Niño ang sunud-sunod na projects ng anak na labis niyang ikinatutuwa.

“Ang launching niya ay yung kay Vic Sotto, yung My Big Bossing’s Adventures kasama niya si Ryzza Mae.

"’Tapos kasama siya sa movie, yung The Trial with Gretchen [Barretto]. Kasama niya si John Lloyd [Cruz], kapatid niya roon si Enriqure Gil, nanay niya si Maricar Reyes at tatay niya si Richard Gomez.

“Kasama rin siya sa Kubot: Aswang Chronicle-2. Ninong niya in real life si Dingdong [Dantes].

“Bale sa [Metro Manila] filmfest ay dalawa ang pelikula ni Alonzo, yung Kubot at iyong kay Vic Sotto.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Niño, okey lang kahit maging stage father siya.

“Kasi, ganoon talaga, e. Anak mo iyan, e! Hindi ba? Akala ko dati, kapag nakakakita ako ng stage father, stage mother, nasasabi ko na parang, ‘Grabe naman ito!’ Pero, kapag anak mo pala talaga, talagang hindi maiiwasan iyong ganoon, e.

"Pero hindi naman ako iyong tipong magbabantay sa set, alam mo iyon?

“Although ngayon, hinahanap pa ako ni Alonzo at hindi niya kayang mag-shooting na wala ako. Kasi sa akin siya nagpapaturo, hindi siya nakikinig sa iba, e.

"So kapag may shooting siya, kasama ako dahil ako ang nagtuturo sa kanya.”

LIKE FATHER LIKE SON? Masasabi ba niyang kasing-talented niya si Alonzo o developing pa lang?

Saad niya, “Ang naging problema lang niya kasi ay ang pagta-Tagalog, Ingglisero siya, e.

“Wala naman kasi sa ano namin na mag-aartista siya, e. So nasanay siya nang nasanay ng English.

“Pero kung alam ko lang na mag-aartista siya, dapat ay Tinagalog namin siya.”

Ano naman kaya ang pinakamagandang aral ang natutunan niya sa showbiz?

“Siguro, kailangan talaga ay may talent ka rin at hindi puwedeng pogi ka lang.

"Kasi darating ang panahon na yung pagka-pogi mo, hindi ka na kayang dalhin niyon. Kailangan talaga ay yung talent mo na ang magdadala sa iyo, hindi ba?

“Kapag may talent ka naman talaga ay hindi ka naman mawawala. Maaaring hindi ka naman bida pero nandiyan ka pa rin."

IN THE BLOOD. Dahil nasa showbiz na rin ang anak niya, masasabi bang in-born ang talent nito o nasa dugo dahil isa itong Muhlach?

“Siguro, noong bata ako, makapal lang kasi talaga ang mukha ko,” nakangiting saad niya.

"At saka, iilan lang kami noon, e. Ang mga kalaban ko ay sina Romnick [Sarmienta], Julie Vega, sino pa ba? Si Bentot Jr., iyon lang e. At saka, mas maluwag pa ang kumpetisyon noon kaysa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi kasi ako naniniwala sa dugong-artista, e. Siguro iyon lang ang naging daan dahil nasa showbiz ang pamilya ko.

"Pero hindi porke Muhlach ka ay may talent ka. Kasi iyong kapatid ko dati ay nag-artista rin, si Alan, pero hindi talaga niya linya, e.”

RICHEST CHILD ACTOR. Nang natapos ang reign ni Niño bilang child superstar, sinasabing siya ang pinakamayamang artista sa panahon niya, totoo ba iyon?

“Sabi nila, sabi nila,” nakangiting sagot niya.

“Basta… hindi ko naman sinasabing pinakamayaman. Pero ang kinita ko talaga ay hindi ginalaw ng magulang ko. Talagang inipon nila iyon para sa akin at nakapagpatayo ng building para sa akin.

“At that time, kahit yung matatandang artista ay walang building, e.

"Ilan lang kaming mga artista na masasabing mayroong ganoon," saad pa niya patungkol sa kanyang El Niño Apartelle na mayroong 28 na unit.

Magkano kaya ang inabot ng net worth niya noon?

“Iba pa ang value ng pera noon at ang mga pelikula ko, hanggang ngayon kapag pinapalabas iyon ay may kita pa rin, e.

“Ang suwerte ko lang, karamihan sa pelikula ko, kami ang nag-produce. Kaya ang kita nun, sa amin din napunta na ‘di tulad ng iba na artista lang sila, na babayaran lang sila.”

Pero isa nga ba siya sa pinakamayaman sa showbiz?

“Hindi naman,” nakangiting tanggi niya.

“Basta ang alam ko lang, noong time na ginawa namin ni Dolphy iyong Ang Tatay kong Nanay, iyon yung unang pelikula na nagsama ang dalawang artista na parehong one million ang bayad.”

So isa nga siya sa highest paid actor noon?

“Oo, noon. Yun ang pinakamalaking talent fee na nakuha ko noon.”

INTRIGUE. Ano naman ang pinakamatinding intrigang na-encounter niya sa showbiz?

“Ano ba?” saad niya habang nag-iisip.

“Wala naman talaga iyong grabeng intriga talaga, e. Siguro iyong kina Beth Tamayo dati at yung kay Ynez Veneracion, noong na-link kami dati.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero walang tipong sex-video scandal na tulad ng medyo nauuso ngayon?

Tumawa muna nang tumawa si Niño bago sumagot. “Wala! Kapag ganito ang katawan mo, walang mag-iinteres na mag-sex video!

"At saka wala pa tayong cellphone noon, beeper pa tayo noon, e!”

Kaugnay rito, ang isa pang payo ni Niño kung gusto ng isang aktor na tumagal sa showbiz, “Kailangan ay sobrang galing mong makisama."

Paliwanag niya, "Alam mo naman sa showbiz, ang liit lang ng mundo natin.

"Isa lang ang hindi mo mapakisamahan, marami na agad issue, e.

“Pero kapag marunong ka namang makisama, mamahalin ka naman ng mga taga-industriya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN