Gabby Eigenmann on Geoff-Carla breakup: “One has moved on; one is in the process of moving on.”

Gabby Eigenmann on Geoff-Carla breakup: “Wala naman kaming magandang magiging reaction kung sa nabanggit man niya [Carla] na, iyon nga, kung napatawad ba niya si Geoff and all that. Sabi ko nga, ‘Wow, what I’m bothered a little [about] is, ano ba ang nagawa ni Geoff?’ ’Di ba?”


Tinanong namin si Gabby Eigenmann kamakailan tungkol sa sitwasyon sa pagitan ng pinsan niyang si Geoff Eigenmann at ng dati nitong girlfriend na si Carla Abellana.

“Honestly, kausap ko naman si Geoff, and he doesn’t really care about what’s happening kasi, pareho naman silang tahimik [sa] supposed to be ang buhay nila, e.

“It seems like one has moved on; one is in the process of moving on,” pahayag niya.

Sino ang naka-move on na at sino ang moving on pa lang?

Patuloy pa ni Gabby, “Feeling ko pareho naman silang nasa...

“Kasi ang weird...

“Hindi, ’eto ha, para mas clear... wala naman kaming magandang magiging reaction kung sa nabanggit man niya [Carla] na, iyon nga, kung napatawad ba niya si Geoff and all that.

“Sabi ko nga, ‘Wow, what I’m bothered a little [about] is, ano ba ang nagawa ni Geoff?’

“’Di ba? Pero sabi ko, e sa kanila na yun, it’s between the two of them, kung may nagawa si Geoff, or whatever, kung napatawad niya in her own way, kung anuman yun, labas na kami dun.

“Kasi what we see is what we get, e. Kung ano lang nandiyan.

“Pero yung sinasabing process of moving on, si Geoff kasi naka-move on in his own way. Nagdyu-jiu jitsu siya, he joined a couple of fighting competitions so...

“I’m sure si Carla is also siyempre, doing pretty well naman in GMA, in My Destiny.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa taping ng Dading noong Miyerkules, August 20 sa Scout Gandia St. sa Quezon City.

NO OFFENSE TAKEN. Hindi raw sila nagkakausap ni Carla lately dahil pareho silang busy sa kanilang career.

“Pero ako naman abang lang ako e, if she would text, you know, yung ganun lang,” lahad niya.

Magkaibigan pa rin sina Gabby at Carla sa kabila ng mga nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba nabawasan ang pagtingin ni Gabby kay Carla bilang isang kaibigan; hindi ba siya na-offend sa dalaga?

“I dunno if I’m given the right to be offended, e sabi ko nga relasyon naman nila ’yan.

“Kami we’re just people from the outside looking in. Kumbaga kung gusto kaming i-involve, andiyan naman kami.

“Pero kung hindi, we’re just here to see, yung observe lang,” paliwanag niya.

LOYAL KAPUSO. Career-wise naman, masasabing isa si Gabby sa mga “loyalista” sa GMA dahil labimpitong taon na siyang talent ng Kapuso Network.

“Halata ba?” at natawa si Gabby.

“Weird ’no? Pero nag-start ako sa kabila [ABS-CBN].

“Sa Palibhasa Lalaki ako nag-start. Mga one year lang yata ako dun, e. Kasi that was ’97-’98, e. Tapos nung SOP, nakakatawid pa ako.

SOP talaga yung pinaka-first ko sa GMA, e. Tapos puwede pa akong gumawa ng iyon nga, Palibhasa Lalaki, tapos SOP hangga’t sa nag-reformat sila, sa SOP na lang ako sa GMA.”

At dahil faithful nga siya sa GMA, hiningan namin siya ng pahayag tungkol sa mga artistang nagpapa-release o umaalis sa GMA.

“Hindi, ang sa akin lang… no comment,” at tumawa si Gabby.

“Hindi, hindi, ang akin lang kasi yung tinahak ko sa industriyang ito, blood, sweat and tears, e.

“Pinaghirapan...

“And I think yung mga nagpapa-release, their point there is siyempre biglaang sikat, e. Yung hindi nila na-experience kung gaano kahirap para maabot yung [gusto mong maabot],” sabi pa niya.

PLANS TO DIRECT. Samantala, may pagkakataon pala na pumasok sa isip ni Gabby na maging isang direktor balang-araw.

Kuwento niya, “Dumaan na ’yan sa akin dati. It came to a point, ‘Sino idi-direk ko?’

“Iyon kasi, frustration ko sa... yung kung meron akong group na artistang ididirek, wala naman akong ibang maisip kundi yung family ko.

“Yung, ‘Gusto ko ganito ang mangyari, bahala na kayo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kesa sa mag-aano ako, kasi siyempre, pag artista ka tapos nagdidirek ka iba yung imagination mo, e. Parang mas gusto mo ikaw na ang gumawa, yung ganun.”

Isa pa sa mga projects ni Gabby ay bilang voice talent para sa hit Korean movie na Miracle in Cell No. 7 na ipapalabas ngayong September sa GMA.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN