Katrina Halili saddened by end of Niño; clarifies relationship with Kris Lawrence by Jojo Gabinete posted on

Katrina Halili on rumored breakup with Kris Lawrence: “Mahirap ipilit ang mga sitwasyon, Hindi kami nag-aaway. Hindi ko siya pinag-wait. Ayoko siya mag-wait. Bahala na si God kung sino ang ibigay sa akin.”


Ikinagulat ni Katrina Halili ang balita na hanggang September 12 na lamang ang airing ng Niño, ang primetime drama series ng GMA-7 na tinatampukan niya.

Ikinuwento ni Katrina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang nararamdaman sa nalalapit na pagtatapos ng Niño sa farewell presscon na ipinatawag ng GMA-7.

Sinagot din niya ang mga tanong tungkol sa desisyon na huwag nang tumanggap ng sexy roles at ang kasalukuyang estado ng relasyon nila ni Kris Lawrence, ang ama ng kanyang 2-year-old daughter na si Katie.

UNEXPECTED ENDING. Kuwento ni Katrina, “Ang bilis, hindi namin alam. Hindi namin ine-expect kasi expected namin, hanggang next year [ang telecast ng Niño].

“Nagulat kami. Mga last week lang, biglang ang daming revelations. Normally ang mga revelation, Friday, nagulat kami kahit Tuesday, may revelation.

“Mami-miss ko ang friendship namin sa set, nagkaroon ako ng bagong pamilya, ng ate, si Ate Angelu [De Leon].

“Marami akong unforgettable experiences. Yung pagsasamahan namin. ’Di ba yun ang maganda sa trabaho? Hindi namin iniisip na work.”

NO TO SEXY ROLES. Sinabi rin ni Katrina na hindi na niya planong gawing career ang kanyang pagpapa-sexy.

Lahad niya, “Lie low na. Hindi ko na carry. Kasi ano, ’di ba may ramp sa FHM last time, pinanood ko lang sa video. Ang feeling ko, wala akong sinasabi sa ibang mga tao, yung ako lang, ako mismo.

“Parang pupunta ka doon, magseseksi-seksi ka, parang nililibog mo yung mga tao. Hindi ko na carry.

“Ayoko na. So magkakaroon ako ng kasalanan and siyempre, nagsisimba na ako ngayon, Christian na ako.”

RELATIONSHIP WITH KRIS LAWRENCE. Binigyang-linaw din ni Katrina ang mga bali-balitang hiwalay na sila ni Kris Lawrence.

Paglinaw niya, “Parang friends lang, wala sa isip ko muna. Si Katie lang muna po. Pumupunta-punta naman siya sa bahay…

“Kasama ko siya mag-church pag Sunday. Ganoon, friends lang muna. Merong effort mula sa kanya pero sinabi ko friends muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahirap ipilit ang mga sitwasyon, Hindi kami nag-aaway. Hindi ko siya pinag-wait. Ayoko siya mag-wait. Bahala na si God kung sino ang ibigay sa akin."

; clarifies relationship with Kris Lawrence ; clarifies relationship with Kris Lawrence ; clarifies relationship with Kris Lawrence


; clarifies relationship with Kris Lawrence ; clarifies relationship with Kris Lawrence ; clarifies relationship with Kris Lawrence ; clarifies relationship with Kris Lawrence

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN