Solenn Heussaff thinks Anne Curtis is the perfect girlfriend for brother Erwan: “I love Anne talaga.”

Solenn Heussaff on issues that occasionally hound Anne Curtis: “For me, tao lang siya so I’m happy na tao siya. Ayoko ng perfect. Boring!”


Manager ni Solenn Heussaff si Leo Dominguez.

Kaya tinanong namin si Solenn, kapag dumating ang punto na sasabihin sa kanya ni Leo na ililipat siya nito sa ABS-CBN, ano ang magiging reaksyon niya?

Si Paulo Avelino ay talent din ni Leo na mula sa GMA ay inilipat nito sa ABS-CBN.

Sagot niya, “Ha! I don’t know. He’s my manager so alam niya naman yung tamang desisyon.

“Pero ’yon, I started here in GMA.

“Ako, I’m the type na gusto ko parang, ’pag may kontrata I will follow it talaga. Ayokong, you know, if hindi mo gusto ang isang kontrata, don’t sign.

“So you know what you’re getting yourself into, ’pag may contract.

“’Tsaka sa lahat ng endorsements ko, I believe in them.”

Nakikinig naman daw sa kanya si Leo kapag may gusto o hindi gusto si Solenn.

Sabi pa niya, “Actually that’s what I like with Leo. Kasi may mga ibang managers na they’ll force you, pinipilit nila sa, ‘Ay, gagawin mo itong project na ito!’

“Kahit ayaw ng artista, gagawin din nila.

“Ako with Leo, mas nirerespeto niya ako so pag may ayoko, sasabihin ko sa kanya, ‘Feeling ko hindi maganda ito para sa akin,’ ganun, tapos as in magku-compromise kami.”

Ang upcoming project ni Solenn sa GMA ay ang Ilustrado with Alden Richards.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Solenn sa launch niya bilang latest celebrity endorser ng Calayan Surgicentre (ni Dr. Manny Calayan) partikular na sa mga services ng Calayan na Solenn French Facial at Solenn Sexy Laser.

Ginanap ang launch ni Solenn sa Cucina ni Bunso restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City noong Huwebes, July 31.

NO ENEMIES. Marami sa mga katrabaho ni Solenn ang nababaitan sa kanya kaya walang napapabalitang nakaaway niya.

At bukod sa mabait ay very professional din si Solenn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “Of course it’s a good comment, ’di ba?”

Bakit wala siyang kaaway?

“Kasi iyon lang, feeling ko you just have to be true to yourself, true to other people. ’Tapos you treat everyone like your own.

“Walang mas mataas, walang mas ganun.

“Kahit sa job, it doesn’t matter how much one earns compared to another, you’re the same person, you’re doing your job, if you’re doing it right, I respect you,” deklara niya.

ON ANNE. Boto si Solenn kay Anne Curtis para sa kapatid niyang si Erwan Heussaff.

Mabilis niyang pag-amin, “Yeah, I love Anne! I love Anne talaga.”

Sa mga naging issues tungkol kay Anne, ano ang masasabi ni Solenn?

“Well, wala naman.

“For me, tao lang siya so I’m happy na tao siya.

“Ayoko ng perfect. Boring!” natatawa niyang sabi.

NEVER GETS MAD. Pero si Solenn ay wala pa raw nasasampal.

“Ay, pag may nahanap kayo gusto kong ma-try,” at tumawa si Solenn.

“Never ko pa na-try.”

Si Solenn raw ay hindi palainom kaya imposibleng manampal siya.

“Hindi naman kailangan ng alak para manampal,” biro pa niya.

Ano ang maaaring makapagpagalit sa kanya, na maaaring umabot sa punto na mananampal?

“Iyon ang problem, hindi ako nagagalit. Iyon ang problem.

“Pag galit ako pupunta lang ako sa CR, iiyak lang.

“Actually kahit yung boyfriend ko, sasabihin niya minsan, ‘Could you just get mad at me? Get mad at me!’” at muling natawa si Solenn.

Kung mangangaliwa ang boyfriend niya hindi pa rin siya magagalit?

Saad niya, “Siyempre magagalit ako, iiwan ko na lang siya.”

Hindi pa rin niya sasampalin.

Aniya, “Hindi, iiwan ko na lang. Mas malulungkot siya.”

Hindi raw confrontational si Solenn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN