Friends and fellow celebrities mourn death of veteran actor Mark Gil

Mark Gil passed away due to cirrhosis earlier this morning, September 1.


Pumanaw na ang veteran actor na si Mark Gil, 52, ngayong araw, September 1, dahil sa sakit na cirrhosis.

Read: Mark Gil dies at 52

Ayon sa webmd.com, ang sakit na cirrhosis ay may kinalaman sa liver failure, kung saan pinipigilan ng mga namuong scar tissue ang maayos na pagdaloy ng dugo sa liver, na nagiging sanhi upang bumagal ang pagproseso ng “nutrients, hormones, drugs, and naturally produced toxins.”

Bumuhos ang mensahe ng pakikiramay ng mga kapwa-artista at kaibigan ni Mark sa social media ngayong araw, September 1.

Ilan sa mga ito ay sina Lorna Tolentino, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, at Cavite Representative Lani Mercado-Revilla.

Maging si Sarah Lahbati, na nakatrabaho si Mark sa sa Kapuso primetime drama series na Makapiling Kang Muli at telesine ng TV5 na More Than Words, ay nagpahayag din ng kanyang pakikidalamhati sa pamilya ng veteran actor.

Nagbahagi pa ang aktres ng larawan ni Mark sa Instagram ngayong araw.

Kalakip nito ang caption na nagsasabing: "You will be truly missed Tito Ralph. My prayers go out to your family. Photo taken by me during taping of Makapiling Kang Muli.. We will always love you Tito Ralph..."

Nagpaabot din ng pakikiramay sina Maja Salvador, Janice de Belen, at Chynna Ortaleza sa kani-kanilang Instagram accounts.

Sabi ni Maja, na nakatrabaho si Mark sa The Legal Wife: "my daddy dante i will miss you..."

Si Janice naman ay nagbalik-tanaw sa magagandang alaala niya kay Mark na ilang beses nakatrabaho ng aktres.

Sabi ni Jance sa caption ng kanyang Instagram post: "A TRULY GIFTED ACTOR I HAVE HAD THE OPPURTUNITY TO WORK WITH MANY TIMES, MAY YOU REST IN PEACE MARK GIL... MY CONDOLENCES TO HIS FAMILY AND LOVED ONES @gabbyeigenmann @macherieamour"

Si Chynna, na katrabaho ng anak ni Mark na si Gabby Eigenmann sa Kapuso afternoon series na Dading, ay nag-post din sa Instagram ng poster ng pinagbidahang pelikula ni Mark Gil noong 1982, ang Batch ’81.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Idinaan naman ng Megastar na si Sharon Cuneta ang kanyang pakikiramay sa mga naulila ni Mark sa pamamagitan ng kanyang Facebook post:

"I just received news that Mark Gil passed away this morning... As you all know, he was Cherie’s brother, and a very talented actor. May God comfort his family during this time of mourning. My and my family’s deepest condolences..."

Si Mark ay nagmula sa angkan ng mga kilalang artista sa showbiz, partikular na ang mga magulang niyang sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil.

Unang nakilala si Mark sa mga pelikula ’tulad ng Katas Ng Langis, Salawahan, at Bed Spacers noong 1970s.

Ngunit mas tumatak sa marami ang pagganap niya sa mga pelikulang Miss X, Batch ’81, Papali-palit, Palipat-lipat, at Itanong Mo Sa Buwan noong ’80s.

Noong dekada ’90 naman ay mas nagtuon siya sa pagganap sa kontrabida at character roles.

Huli siyang napanood sa primetime drama series ng ABS-CBN, ang The Legal Wife, na nagtapos noong June 13.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN