Lovi Poe and Rocco Nacino making early Christmas plans

Lovi Poe plans to take a short vacation as her teleserye Ang Dalawang Mrs. Real draws to a close. She is doing it alone as boyfriend Rocco Nacino is now busy taping Hiram Na Alaala.


Gaya ng marami, may celebrities ding nakaugalian nang paghandaan nang maaga ang Christmas season, ’tulad ng magkasintahang sina Lovi Poe at Rocco Nacino.

Gusto raw nilang maagang nakakapaglagay ng Christmas decors sa bahay.

Natatawang sabi ni Lovi, “Usually kapag ‘ber’ months, nagde-decorate na ako.

"Oh, my God, I need a white Christmas now!

“I’m changing my Christmas tree. I want a new one.”

Biro naman ni Rocco, “Sa akin na lang yung lumang Christmas tree mo!

“Which reminds me… oo nga, ano, kailangan na palang ayusin at i-decorate ang bahay para mas ramdam ang Pasko.”

Maaga rin ba kung mag-prepare sila ng regalo for their loved ones, lalo na sa kanilang mga inaanak?

Sagot ni Lovi, “No, last minute ako, which is bad!

“I’m gonna try to change it... starting from now, I’ll try to shop if I have time.”

Kagaya ni Lovi, ganun din daw ang gagawin ngayon ni Rocco.

Last year kasi, nataon na pagpasok ng ‘ber’ month ay sobrang busy sila sa taping ng seryeng pinagtambalan nila, ang Akin Pa Rin Ang Bukas.

Sabi ng aktor, “We didn’t have time to prepare for Christmas.

"So, for this year naman, paghahandaan ko na rin."

Si Lovi ay may preferred daw na regalo ang ibibigay sa kanyang mga inaanak sa halip na pera.

“It’s more personal.

“Well, I don’t know kung ano ang prefer nila... it depends on what they prefer.”

Sabi naman ni Rocco, “Ako rin, depende. Kung minsan, kung kulang na talaga sa oras, pera na lang.

“Pero like what Lovi said, mas okey kapag gift.

"May sentimental value kasi ibig sabihin, pinag-isipan mo talaga."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media ang magkasintahan sa Sunday All Stars noong Linggo, August 31.

VACATION. Malapit nang matapos ang Kapuso primetime series na Ang Dalawang Mrs. Real, kung saan bida si Lovi kasama sina Dingdong Dantes at Maricel Soriano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May panibagong project na bang kasunod ito?

Sagot ng aktres, “Wala pa. Hindi pa napag-uusapan.

“Medyo nasagad din ako sa work, so gusto kong magpahinga muna for a while.

“Ano lang, normal na short vacation, but I’m not sure yet kung saan.”

Hindi raw niya kasama si Rocco na magbabakasyon dahil may taping na ang aktor ng bagong soap nito, ang Hiram Na Alaala kasama naman sina Dennis Trillo at Kris Bernal.

Sabi pa ni Lovi, “So, itong magiging vacation ko, alone. Yeah, just me lang.”

Hindi ba mag-aalala si Rocco na mag-isa lang magbabakasyon si Lovi?

“Kaya niya ‘yan,” nangiting sagot ng aktor.

Biro naman ni Lovi, “Gawain din naman niya ’yan, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN