Alden Richards clueless why movie with Aljur Abrenica is shelved

Alden Richards hopes for the resumption of Cain and Abel, his movie with Aljur Abrenica that has been temporarily shelved for reason he claims not to know.


Halos walang pahinga sa trabaho ngayon si Alden Richards dahil sa dalawang bagong shows niya sa GMA Network.

Ito ay ang docu-drama na Ilustrado tungkol sa buhay ni Dr. Jose Rizal at ang talent search na Bet Ng Bayan.

“Coming this October na po parehas,” masiglang bungad niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars kahapon, Linggo, August 31.

Patuloy niya, “Sobrang hectic ng schedule ng Bet Ng Bayan.

"Tumatalon kami from one province to another every day for the past two months.

“And yung Ilustrado naman, we’re still shooting it.

"Ito nga, itim na itim ang buhok ko and medyo maiksi siya.

“Pero I’m very excited dun sa mga nagiging output nung mga eksenang kinukunan namin.

“And, hopefully, maging trademark din.

"Maging benchmark sana din ito kapag naipalabas siya sa GMA primetime... after 24 Oras ang timeslot namin.”

ALDEN AS RIZAL. Bago magsimula ang taping ng Ilustrado ay may pressure daw siyang naramdaman sa kanyang pagganap bilang si Dr. Jose Rizal.

Pero ngayon daw ay medyo nagiging kampante na siya.

Saad ni Alden, “Yung director kasi namin, si Direk King [Mark Baco], na siyang direktor din ng Katipunan, very concern siya sa acting, e.

"Very specific siya pagdating dun.

“Since very particular siya sa acting, mukhang okey naman.

"Kasi, wala namang take two or what.”

Ano yung nakunan nang eksena na nahirapan siya?

“So far, wala pa kaming nakukunang mahirap na eksena.

"Pero dun sa nabasa ko sa script, nung nagpunta na si Rizal sa Spain… nandun lahat ng drama, e.

“Iyon yung pinaka-heavy na parte ng buhay niya.

"Kasi ang layo niya sa pamilya niya na naghihirap sa Pilipinas.

“Siya rin, at the same time, naghihirap sa Spain.

"’Tapos napu-frustrate siya dahil meron siyang mga gustong mangyari sa buhay na hindi niya maabot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dun ‘yon... ’andun yung pinakamabigat.

“Yung kinukunan namin ngayon, light pa lang… nasa part na bata pa siya.

"’Tapos yung sa love story nila ni Leonor Rivera, portrayed by Kylie Padilla."

UNFINISHED MOVIE. May ginagawang pelikula si Alden na pansamantalang nahinto ang shooting. Ito ay ang Cain At Abel kung saan kasama niya si Aljur Abrenica.

Wala pa bang balita kung kailan sila magre-resume?

Ayon kay Alden, “Naka-pending pa siya.

"Kaya, so far, dun po muna ako naka-focus sa Ilustrado at saka sa Bet Ng Bayan."

May balitang ire-reshoot ang nasabing proyekto dahil aalisin umano si Aljur at papalitan ng ibang artista. Pero walang masabing reaksiyon dito si Alden.

“Iyon po ang hindi ko alam. Wala pa pong na-relay sa akin na news o latest update sa Cain At Abel.

“Naghihintay lang po ako.”

May balita ring baka ma-shelve na ito nang tuluyan?

Sabi ni Alden tungkol dito, “Hindi ko rin po alam, e. Wala pa pong update sa management [ng GMA].

“Sana naman po, huwag, dahil maganda yung material.”

Kasalukuyang may isyu sa pagitan ni Aljur at sa pamunuan ng Kapuso network.



RECORDING. Sa isang banda, natutuwa naman daw si Alden na mapabilang sa nominees ng kategoryang New Male Recording Artist of the Year sa nalalapit na 6th PMPC Star Awards For Music.

Ito ay para sa kanyang self-titled debut album under Universal Records na nominado rin for Album Cover and Concept Design of the Year.

Gaganapin ang awards night nito sa September 14.

“Nagpapasalamat ako for the nomination. Sana makasungkit!" asam ni Alden.

Wala pa bang pinaplanong kasunod ng kanyang first album?

Aniya, “Open po naman ako. Pero sa ngayon, wala pa pong napag-uusapan tungkol dun with Universal Records.”

Umpisa na ng ‘ber’ month. Isa ba siya sa maagang pinaghahandaan na ngayon ang panahon ng Kapaskuhan?

Ayon kay Alden, “Naku, wala pa, e. I’m very busy with Ilustrado and Bet Ng Bayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya siguro by October or November, ‘yan ang start ng preparation para sa Christmas.”

Marami-rami na rin daw inaanak si Alden, hindi na raw niya mabilang.

“Kapag may kumukha sa akin na ninong, okey lang ako nang okey!” tawa niya.

“Kaya kapag Christmas, kung sino ang pumunta sa bahay, ‘yon ang personal kong nabibigyan ng Pamasko.”

Cash o gift ba ang mas preferred niyang ibigay sa kanyang mga inaanak?

“Kapag nao-on the spot, sometimes cash na lang.

"Pero kapag halimbawa napaghandaan or nagpaabiso, usually gift.

“Parang ‘pag pera lagi, very standard, e.

"Kapag ninong ka, ’di ba, iyon ang ibinibigay para safe?

“Pero minsan talaga, I make it special. I buy gifts for my
inaanak.

"Para hindi naman pera lang nang pera."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN