Kris Aquino gives an update on Boy Abunda’s health condition

Ayon kay Kris Aquino, mahigit 20 lbs daw ang nabawas sa timbang ng co-host at kaibigan niyang si Boy Abunda. Saad niya, “Actually, ang laki nun. Kaya kailangan talagang magpalakas, ibalik ang sustansiya sa katawan. And then, sinabi rin niya na huwag kong sabihin ang date kung kailan siya babalik. Let it be fluid. But at least we know it’s coming soon.”


Nagbigay ng update si Kris Aquino tungkol sa kalusugan ng co-host niya sa The Buzz at Aquino and Abunda Tonight na si Boy Abunda.

Ilang linggo na kasing hindi napapanood si Boy sa mga programa nito sa ABS-CBN, kaya marami ang nagbibigay ng espekulasyon kung ano ang totoong kalagayan nito.

Sa The Buzz kahapon, August 31, binigyang-linaw ni Kris ang mga espekulasyong ito.

“I can give an update because he gave me permission na puwede ko raw i-share sa inyong lahat.

“Nakausap ko siya nang mahabaan noong Friday [August 30] at noong Saturday [August 29].

“Tomorrow, he has parang check-up to see how the surgery, the procedure, how he’s healing.

“And then, on Tuesday [September 2], upon the advice of a very good friend, na itago natin sa pangalang Kris Aquino, aalis siya para magbakasyon somewhere.

“Where there’s privacy, there’s a lot of sand, sun, beautiful water…”

Hindi naman ikinaila ni Kris na sa isang beach magbabakasyon si Boy. Pero ayaw raw pasabi ng TV host kung saan ang eksaktong lugar at kung sa Pilipinas lang ba ito o sa ibang bansa.

Ayon pa rin kay Kris, “But it’s private… at huwag ko rin daw sabihin kung ilang days.

“Ang dami niyang binilin na huwag kong sabihin.”

Mahigit 20 pounds daw ang nabawas sa timbang ni Boy dahil sa kundisyon nito.

“Actually, ang laki nun. Kaya kailangan talagang magpalakas, ibalik ang sustansiya sa katawan.

“And then, sinabi rin niya na huwag kong sabihin ang date kung kailan siya babalik. Let it be fluid.

“But at least we know it’s coming soon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN