Markki Stroem will politely decline indecent proposals: "Naiintindihan ko naman kung saan sila galing."

Markki Stroem compares working out to singing: “Ipinapakita ko yung pinaghandaan ko na katawan. Just like sa singing din, kapag kumakanta ang isang tao, every day nagti-train sila. And when they perform, yun, ibubuga nila ang talento nila.”


Isa ang singer-actor na si Markki Stroem sa celebrities na rumampa sa special press preview ng The Naked Truth, ang Bench Denim and Underwear Fashion Show, noong Biyernes, August 29, sa Bench Tower, sa The Fort, Taguig City.

Ang mismong event ay gaganapin naman sa September 19 sa MOA Arena.

Ayon kay Markki, kahit sa press preview pa lang ng The Naked Truth ay talagang pinaghandaan na niya.

Halos hindi nga raw siya kumain noong araw na iyon para sa gagawing pagrampa.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sinabi ko sa sarili ko, hindi ako magtsi-cheat day hanggang September 19.

“Pero ngayon, sinabi ko, magtsi-cheat day ako or magtsi-cheat night ako, kasi sobra akong gutom!

“Pero gusto ko kasi, maganda yung form ko para sa inyo.”

Ano ang mga paghahandang ginagawa niya para sa “big day”?

Saad ng Kapamilya talent, “Two times a day akong nagti-train. Cardio sa umaga, ‘tapos sa gabi, weights.

“Three times a week, heavyweight, then three times a week, lightweight.

“Then, nagku-CrossFit ako. Seven days a week akong nagwu-workout.

“Buti na lang, galing ako sa Dyesebel, may form ako dun.

“Nag-stop lang ako ng mga four, five weeks.”

May special diet ba siyang sinusunod?

Ayon kay Markki, “Ngayon, chicken breast, camote, at saka banana, yung saba. Yun lang.”

Worth it ba naman ang pagsasakripisyo niyang magpaganda ng katawan?

“Of course, worth it naman,” sagot niya.

“Happy ako na healthy ako at maganda ang kinalalabasan ng pagwu-workout ko.

“Actually, may trainer ako, tinuturuan nila ako to get fit and healthy.

“Siguro after The Naked Truth, I’ll keep diet for a while.

“Last year, medyo naging chubby ako, so I just want to remain healthy and I wanna be in shape.”



BENCH BABY. Kahit na naging finalist si Markki sa Season 1 ng Pilipinas Got Talent, sa Bench daw siya talaga na-discover kaya kinukunsidera niya ang sarili bilang “Bench Baby.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Third ko pa lang na pagrampa ngayon sa Bench.

“Yung first two, model pa lang ako, college ako.

“And then, na-discover ako ng manager ko dun.

“After nun, ito ang first time na babalik ako sa Bench.

“I’m a Bench baby, Bench endorser.”

Mas may pressure ba ngayong artista na siya at hindi na modelong rarampa?

Sagot ni Markki, “Of course, yung mga kasama ko ngayon, grabe ang paghahanda nila at workout routine nila.

“’Tapos yung mga models, ‘yan ang livelihood nila, ‘yan ang hanapbuhay nila.

“Maganda ang katawan nila, mas marami silang makukuhang projects.

“Ako naman, kailangang kahit paano mapantayan ko sila.”

Ano ang nakukuha niyang satisfaction sa pagrampa nang naka-underwear?

“Ipinapakita ko yung pinaghandaan ko na katawan.

“Just like sa singing din, kapag kumakanta ang isang tao, every day nagti-train sila.

“And when they perform, yun, ibubuga nila ang talento nila.”



INDECENT PROPOSALS. Hindi naman itinanggi ni Markki na kumpara noon, mas marami ang humahanga sa kanya ngayon.

“Naramdaman ko naman yun, pero eventually, kailangang i-back up ng talent.

“Kasi, artista kami, so kailangang i-back up ng talents.

“Kahit maganda yung katawan, kailangang may ibubuga kang talents.”

Sa kabila nito, hindi pa naman daw siya nakakatanggap ng indecent proposals.

“Alam naman kasi nila na nag-graduate ako sa Switzerland.

“Alam naman ng mga tao na medyo may kaya ako. Pagkatapos ng showbiz, may fallback ako.

“Siguro, natatakot din sila.”

Paano kung may mangahas na alukin siya ng malaking halaga kapalit ang kanyang katawan?

Sagot ni Markki, “Magiging polite ako sa kanila.

“I’m sure, naging essentially fan din sila. Parang it’s part of them na gusto nilang mangyari.

“So, naiintindihan ko naman kung saan sila galing.”

May espesyal na tao ba siyang gustong imbitahin para mapanood siya sa The Naked Truth?

“Wala, e!” natawa niyang sabi.

“Siguro yung lolo at lola ko sa Norway. Baka kasi pupunta sila rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagkataon na baka nandito sila by that time at saka, sila naman, wala naman silang problems sa inhibition.”



ALBUM. Pagkatapos niyang gawin ang fantaseryeng Dyesebel, ang focus naman daw ngayon ni Markki ay ang paggawa muli ng album.

“Mag-focus muna akong muli sa music, kasi it’s been two years since I released my last album.

“Actually, my new album, mas mainstream, kaya excited ako na marinig nila.

“Management decision din na mag-focus ako sa music.

“Dapat sana, early this year, nag-out na ako ng album.”

Ayaw pang ipasulat ni Markki kung saang record label lalabas ang bago niyang album.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN