Carl Guevara finally gets closure from breakup with Kris Bernal

Sinang-ayunan ni Carl Guevera ang naging pahayag ng ex-girlfriend niyang si Kris Bernal tungkol sa kanilang breakup: "Siguro, kung ano yung mga sinabi niya, totoo naman yun. Ayoko nang dagdagan kasi alam ko naman na lahat ng sinabi niya, totoo. Yun na yun."


Ilang buwan na ring hiwalay sina Carl Guevara at Kris Bernal.

Pero sa huling panayam kay Carl, inamin niyang wala pang closure ang kanilang breakup.

Saad niya noon, "Sa text lang kami, then pinuntahan ko siya.

"Kaso, ang hirap niyang kausapin, kasi nagtatampo siya.

"Wala kaming formal breakup, text lang.

“Kaso, wala pang closure, parang hinayaan ko muna.

"Kasi dati, kapag nagkakatampuhan kami, inaayos ko agad, e. Talagang sinusuyo ko agad siya.

"Dito, binigyan ko muna siya ng one week na mag-isip, parang space.”

Read: Carl Guevara admits breakup with Kris Bernal: “Oo, hindi kami ngayon.”

"MERON NA, MERON NA." Sa storycon ng mga bagong mini-series ng TV5 kahapon, September 1, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carl kung sa nakalipas na tatlong buwan ay nagkaroon na ng closure ang breakup nila ng Kapuso actress.

Nakangiti niyang tugon, “Meron na. Meron na.”

Paano nila ito inayos? Nag-usap ba sila pagkatapos ng kanilang breakup?

Saad ng 24-year-old actor, “Actually, may interview na siya, e.

"Siguro, kung ano yung mga sinabi niya, totoo naman yun.

“Ayoko nang dagdagan kasi alam ko naman na lahat ng sinabi niya, totoo. Yun na yun.”

Ang tinutukoy ni Carl ay ang sinabi ni Kris sa isang panayam, na lumabas din dito sa PEP, na may mga bagay lang daw talaga silang hindi napagkakaintindihan kaya nila tinuldukan na ang kanilang relasyon.

Read: Kris Bernal on status of relationship with Carl Guevara: "We’re still in the process of working things out, pero hindi nagkabalikan."

Sa ngayon, naka-move on na raw si Carl at ibinubuhos na lang ang oras niya sa trabaho at pamilya.

“Oo. Actually, busy naman siya sa trabaho niya at busy rin ako sa trabaho ko.

"So, at least, ‘di ba, may mga blessings na dumadating sa amin.

"Siyempre, mas naka-focus ako sa trabaho at sa family ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MINI-SERIES. Gabi-gabi, simula October 13, mapapanood si Carl sa TV5 mini-series na Almost A Cinderella Story, kung saan katambal niya si Eula Caballero.

Sabi niya tungkol sa kanyang bagong show, “Excited ako, siyempre.

“Ang mga nagawa ko before, medyo drama. Ito naman, pampakilig, may comedy.

"Excited ako na makatrabaho si Eula."

Huling ginawang proyekto ni Carl actor sa Kapatid network ay ang Mother’s Day drama special na More Than Words, katambal si Sarah Lahbati.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN