Dennis Trillo to walk the ramp at The Naked Truth in his undies

Kung noong mga nakaraang taon ay naka-pants at topless ang aktor kapag rumarampa, ngayon ay handa na siyang rumampa na naka-underwear lamang. Saad niya, “Lalo na ngayon, nag-e-endorse kami ng Bench Body, so requirement yun, e. Bench Body yun, e, alangan namang hindi mo ipakita.”


Handa na raw rumampa si Dennis Trillo sa The Naked Truth, Bench Denim and Underwear Fashion Show, na gaganapin sa September 19, sa MOA Arena.

Saad ng Kapuso actor, “Nakita ko naman na na-excite yung mga tao.

“So, paghahandaan ko nang husto para hindi naman sila madismaya sa mapapanood nila.”

Kabilang si Dennis sa rumampang male showbiz personalities sa special press preview ng The Naked Truth noong Friday, August 29, na ginawa sa Bench Tower, The Fort, Taguig City.

Ang iba pang mga artistang rumampa rito ay sina Martin del Rosario, Markki Stroem, Dominic Roque, at Tom Rodriguez.

Nang lumabas si Dennis ay nagtilian ang marami kaya sinabi ng aktor na nakita niyang na-excite ang mga tao sa kanyang pagrampa.

Paano niya ba pinaghahandaan ang pagrampa niya sa The Naked Truth?

Sabi ni Dennis sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Bukod sa exercise regularly, diet din or…

“Kasi ilang weeks na lang yun, e, so tuluy-tuloy na rin yun.

“Kaya kung may extra time ka, ilaan mo na talaga.

“Kahit nanonood ka ng TV, imbes na nakaupo ka lang, nagka-crunches ka, sit-ups… mga ganon.”



DENNIS IN HIS UNDERWEAR. Isang pasabog ni Dennis sa The Naked Truth ay rarampa siya, sa kauna-unahang pagkakataon, na naka-underwear lamang.

Noong mga nakaraang taon kasi ay naka-pants at topless ang aktor kapag rumarampa, ngunit ngayon ay handa na siyang maging mas daring.

Saad niya, “Lalo na ngayon, nag-e-endorse kami ng Bench Body, so requirement yun, e.

“Bench Body yun, e, alangan namang hindi mo ipakita.”

Puwede na rin ba siyang rumampa na naka-supporter o T-back lang?

Sagot ni Dennis, “Ibang usapan pa yun, e. Baka sa susunod.

“Subukan ko muna ‘etong underwear lang muna.”



TOMDEN STILL ALIVE. Maliban kay Dennis, tinilian din ang pagrampa ni Tom Rodriguez sa press preview ng The Naked Truth, lalo na nang sabay rumampa ang dalawang Kapuso hunks sa bandang huli ng show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong ng PEP si Dennis kung ano ang nararamdaman niya na hanggang ngayon ay may impact pa rin ang team-up nila ni Tom, ang TomDen, na nagsimula sa GMA primetime series na My Husband’s Lover.

Tugon niya, “Masaya na hanggang ngayon hindi pa rin nakakalimutan yung ginawa namin noong mga projects.

“And natutuwa ako na kahit matagal na yun, nandun pa rin sila para sumuporta.

“Kahit may kanya-kanya na kaming shows, ganun pa rin kalaki ang suporta nila sa amin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN