Dennis Trillo dismisses blooming romance with Kris Bernal, reconciliation with Jennylyn Mercado

Dennis Trillo on prioritizing career over lovelife: “Basta, firm ako sa sinabi ko na seryoso ako sa trabaho ko, and para sa akin, yun muna ang magiging focus ko. Sayang yung opportunity, e. Yung relasyon, madali na yun ‘pag okey na lahat. Pagka naka-establish na yung career at lahat-lahat, madali na yung susunod.”


Sa pagitan ng pagpapaganda ng katawan at iba pang commitments, tuluy-tuloy na rin ang pagti-taping ni Dennis Trillo ng bago niyang teleserye sa Kapuso network, ang Hiram Na Alaala.

Kasama niya rito sina Kris Bernal, Rocco Nacino, at Lauren Young.

Balitang close na sila ni Kris Bernal. Nawala na ba ang kaba ng kapareha niya sa kanya, pagkatapos umamin ni Kris na crush siya nito?

Saad ni Dennis sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nakakatuwa lang kay Kris, hindi siya nahihiyang mag-open up.

“Meron kasing iba na nahihiyang lumapit sa akin, natatakot.

“Pero hanga ako sa kanya kasi siya talaga yung nag-e-effort na… kasi tahimik ako, e.

“Siya talaga yung nag-e-effort na kausapin ako.

“Mas okey sa akin yung ganun kasi minsan nahihiya rin akong lumapit.

“Pero once na mag-start na siya ng conversation, tuluy-tuloy na yun.”

Ano ang reaksiyon ni Dennis sa pahayag ni Kris na natitensiyon siya dahil sa galing umarte ng kapareha. Kaya nag-e-effort daw si Kris na tapatan ang husay ni Dennis.

Sabi ng award-winning actor, “Nakakatuwa naman.

“Masaya ako na seryoso siya talaga sa trabaho niya. And alam ko, napakahalaga rin sa kanya ng project na ito.

“Natutuwa ako na pinahahalagahan niya yung mga blessings na natatanggap niya.

“Kaya excited akong makatrabaho siya dahil seryoso siyang aktres, e.”

Sa palagay niya ba ay madali silang mari-relax ni Kris sa isa’t isa?

Tugon ng 33-year-old actor, “Sa totoo lang, relax na kami sa isa’t isa, e.

“’Tulad kahapon [August 28] nag-taping kami ng Don’t Lose The Money, pilot episode ng bagong game show ni Tom [Rodriguez].

“Ayun, maganda yung nangyari doon, nakapag-usap kami nang konti.

“Teammate pa kami kaya mas lalo kaming nagkatulungan.”

Paano niya tinutulungan si Kris sa mga eksena nila?

Saad ni Dennis, “Nagbibigay ako ng konting advice.

“Hindi ako mahilig… pero ‘pag nakaisip ako, sinasabi ko sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos binabasa namin maigi yung script, read lines kami together.

“Basta, pinag-aaralan namin yung eksena.

“Walang maliligaw, buo pa rin yung chemistry, kahit first time kaming pinagtambal.

“And nakakatuwa kasi dahil yung mga nakunan naming eksena, pinanood namin at natutuwa naman kami sa resulta.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa special press preview ng The Naked Truth noong Biyernes, August 29, sa Bench Tower, The Fort, Taguig City.



NOT READY TO FALL IN LOVE. Sabi ni Dennis sa isang interview, hindi pa siya handang magkaroon ng bagong relasyon.

Ibig sabihin ba nito ay isinasara na niya ang posibilidad na magka-debelopan sila ni Kris, kahit na single din ngayon ang dalaga pagkatapos ng breakup nito kay Carl Guevara?

Sabi ni Dennis, “Wala nga, single nga siya.

“Pero hindi ko naman isinasara… hindi, kasi nagkakakuwentuhan kami.

“Hindi ko naman siya isinasara. Pero ngayon kasi, may bago kaming show.

“Ako, matagal ako bago ako nagkaroon ng bagong show.

“Last ko, My Husband’s Lover na medyo phenomenal.

“Kaya hindi ko muna iniisip na maging close or makipagrelasyon.

“Kasi pinagbubuti namin yung… na kahit ma-compare doon sa previous naming ginawa, hindi pa rin naman nakakahiya.”

Samantala, balitang malapit ulit ngayon sa isa’t isa si Dennis at ang ex-girlfriend niyang si Jennylyn Mercado.

Balita pa ngang may duet daw sila sa lalabas na album ni Jennylyn sa GMA Records na posibleng lumabas sa October.

Medyo nag-alangang kumpirmahin ito ni Dennis sa pag-alalang baka ma-preempt ang anumang official announcement na gustong gawin ng GMA Records, kaya nakiusap ang aktor na huwag muna itong pag-usapan.



QUALIFICATIONS OF WOMEN. Sa pagpapatuloy ng interview ng PEP kay Dennis, sinabi niya ang tatlong katangian ng babaeng gusto niyang makarelasyon sa susunod.

Ang mga ito ay “athletic,” “may sense of humor,” at “adventurous.”

Kapansin-pansin na ang mga katangiang ito ay saktong taglay ni Jennylyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Jennylyn ba ang tinutukoy niyang nais niyang makarelasyon sa susunod?

Sagot naman ni Dennis, “Siya pa rin ba? Baka nagkataon lang.

“Siyempre, naging girlfriend ko siya dati, ganun pa rin yung hinahanap ko.

“So, baka nagkataon lang.”

May mga pagkakataon na bang binalikan na niya ang kanyang ex?

“Sa history ng mga exes, wala pa naman akong binabalikan,” sabi ni Dennis.

Posible ba niyang balikan si Jennylyn?

“Basta, firm ako sa sinabi ko na seryoso ako sa trabaho ko, and para sa akin, yun muna ang magiging focus ko.

“Sayang yung opportunity, e.

“Yung relasyon, madali na yun ‘pag okey na lahat.

“Pagka naka-establish na yung career at lahat-lahat, madali na yung susunod.”

Nag-uusap ba sila ngayon ni Jennylyn?

“Minsan-minsan nakakapag-usap. Okey naman kami, e, kaya walang problema,’ sabi ni Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN