Xian Lim asks Kim Chiu: “Will You Be My Date?”

Xian Lim (leftmost) asked Kim Chiu to be his date at the 8th Star Magic Ball by bringing roses and tapping two guys to hold up placards that read: "Will you be my date?"


Naging viral ngayon ang larawang ipinost ni Kim Chiu sa Instagram, na nagpapakita kung paano siya inimbitahan ni Xian Lim upang maging ka-date sa upcoming Star Magic Ball.

Gaganapin ang 8th Star Magic Ball sa Sabado, September 6, sa Shangri-La Makati.

Sa Instagram account ni Kim, kita sa larawan si Xian na may hawak ng ilang bouquets ng mga rosas.

Kasama ang dalawang lalaki na may hawak na placards na may nakasulat na: "Will you be my date?"

Halata namang kinilig si Kim sa ginawang ito ni Xian dahil base na rin sa caption niya sa naturang larawan: “Never fails to surprise....hihi salamat!”

Si Xian ang naging constant date ni Kim sa Star Magic Ball nitong mga nakaraang taon.

Sa 2009 at 2010 editions ng Star Magic Ball, ang ex-boyfriend ni Kim na si Gerald Anderson ang ka-date niya.

Ngunit noong 2011, solo flight na ang dalawa.

Unang nag-date sa Star Magic Ball sina Kim at Xian sa 2012 Star Magic Ball.

Ang KimXi tandem pa nga ang nakakuha noon ng award para sa Star Magic Ball Couple of the Night.

Sa 2013 Star Magic Ball naman, sina Kim at Xian ang itinanghal na Fabulous Pair of the Night.






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN