KC Concepcion reveals her ideal guy: “Maginoo pero medyo naughty!”

"I used to say all the time that I did not need men, but now, it would be nice if I can spend my life with someone," says KC Concepcion in the September 2014 cover story of Cosmopolitan Magazine. Incidentally, KC’s suitor Paulo Avelino is on the cover guy of Cosmo Men Centerfolds found in the same issue.


Kung dati ay mailap si KC Concepcion tungkol sa pakikipagrelasyon, ngayon ay excited na itong mahanap ang tamang lalaki para sa kanya.

“I used to say all the time that I did not need men, but now, it would be nice if I can spend my life with someone,” saad ni KC sa cover story ng September 2014 issue ng Cosmopolitan Magazine.

Patunay nito ay ang mangilan-ngilang Instagram posts ni KC na naglalaman ng mensahe tungkol sa pag-ibig, at kung paano malaman na nahanap mo na ang “The One” o taong nakalaan para sa iyo.

Mayroon ding Instagram post si KC ng larawan ng masayang pamilya nina Prince William (William Arthur Philip Louis) at Kate Middleton, na kilala rin bilang Duke and Duchess of Cambridge, respectively.

Sabi ni KC sa caption ng naturang larawan: “A girl can dream #family”

Sa pagpapatuloy ng panayam ni KC sa Cosmopolitan, sinabi niyang ilan sa mga katangiang hinahanap niya sa isang potential boyfriend ay “maginoo pero medyo naughty!”

Importante rin sa 29-year-old actress na masipag at responsable sa trabaho ang isang lalaking makakarelasyon niya.

PAULO AVELINO. Ang nauugnay ngayon kay KC ay ang aktor na si Paulo Avelino, na nagkataong cover guy ng CosmoMen Centerfolds na kalakip sa September 2014 issue ng Cosmopolitan.

Sa panayam ni KC sa The Buzz noong July 13, ikinuwento ng dalaga na ipinasyal siya ni Paulo sa hometown nito sa Baguio City.

Gusto raw kasi maranasan ng aktres na maglakad-lakad sa kalsada nang walang ibang iniisip ‘tulad ng ibang ordinaryong mamamayan.

Read: KC Concepcion deeply hurt by pregnancy rumor; explains day trip with Paulo Avelino

Hindi man nag-post si KC ng larawan nilang magkasama ni Paulo, makikita sa Instagram ng aktres na nag-enjoy siya sa pamamasyal nila, noong June 24.

Ibinahagi ni KC ang larawan ng kinain niyang fresh vegetables at kesong puti nang mag-lunch sila ni Paulo sa Baguio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-post din ang aktres sa Instagram ng kanyang mountaintop view noong araw na iyon.

Kalakip nito ang isang caption na may mga katagang: "Ohh sa lahat ng mga taga #Baguio... Hello sa inyo! Ang sarap ng #Benguet coffee + mga kagulayan at fresh air nyo! Haha! Pati mga bundok, mga stars na lumilitaw sa sky tuwing gabi, Haaayyy nakaka high lang ung #mothernature a.k.a. #kalikasan ! 💚 #philippines.”

Sa kasalukuyan, hindi pa rin malinaw kung ano ang tunay na estado ng relasyon nina KC at Paulo.

Parehong abala ang dalawa sa kani-kanilang primetime drama series sa Kapamilya network; si KC sa Ikaw Lamang at si Paulo sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN