Alex Gonzaga confirms Joseph Marco is her escort at Star Magic Ball

Alex Gonzaga is confident about the success of the book she has written that will be released this month. She says, “’Di ko naman ipinagmamalaki. I just want to impart the little wisdom I got while I was in that journey also. And until now I’m still in that journey."


Tinanggap ni Alex Gonzaga ang imbitasyon ng kanyang co-star sa Pure Love na si Joseph Marco para maging ka-date nito sa 8th Star Magic Ball, na gaganapin sa Sabado, September 6.

Ngunit paglilinaw ni Alex, “Oo, pero ’di naman date na date.

"As in sabay lang kaming pupunta.

"Basta ayoko lang yung date na kami lang dalawa.

"Sabay kami, ’tapos dun sa loob, magsasama kami ng Pure Love, yung iba kong mga katrabaho, iba kong kaibigan."

Kuwento pa ni Alex tungkol sa imbitasyon ni Joseph, “Inaya niya ako two weeks ago sa Viber.

"Ang tagal-tagal pa niyang sabihin, may itatanong daw siya.

"’Tapos nung Tuesday, Wednesday, na ako sumagot na okay lang."

Binigyang linaw rin ni Alex sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi nanliligaw sa kanya si Joseph.

“Hindi, wala namang ganun. Wala talaga.”



AUTHOR. Sa kabila ng balitang maraming manliligaw si Alex, matibay pa rin ang paniniwala ng actress-TV host na hindi pa talaga ito ang panahon para pumasok siya sa isang relasyon.

Saad niya, “Wala, hangga’t ’di pa lumalabas yung libro ko, ’di pa ako magbo-boyfriend.

"Kasi nakalagay sa book ko, ’I’ll be one with you in this journey.’

"Together kami, lahat ng buyers ko ng book.”

Ang tinutukoy ni Alex ay ang librong isinulat niya tungkol sa mga kabataang may problema sa pag-ibig, ang Dear Alex, Break Na Kami, Paano Na? Love, Catherine.

Handa ba si Alex kung sakaling may magtaas ng kilay at kumuwestiyon sa kredibilidad niya bilang author?

Sagot niya, “Yes, September 20 na [ang release ng libro].

"Positive naman ako kasi alam ko na maraming makaka-relate.

"Mga single, kaka-single, ’di matanggap na single sila, makaka-relate dito.

"At kahit yung mga may boyfriend na medyo gusto nang maging single, na ’di nila alam kung dapat ba silang maging single, ayun.

"’Di ko naman ipinagmamalaki, I just want to impart the little wisdom I got while I was just in that journey also.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And until now, I’m still in that journey.

"Knowing myself, moving on with all that pain.

"I’m just sharing it with the readers."

RYAN BANG. Samantala, naging tapat si Alex sa pag-aming nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nila ni Ryan Bang dahil sa mga sinabi ng komedyante tungkol sa kanya.

Read: Ryan Bang offended by Alex Gonzaga’s jokes; calls her “echosera”

Kumusta na sila ngayon?

“Oo, bati na kami, pero siyempre ’di mo na maibabalik yung dating closeness.

"Ayaw mo nang mabigyan ng meaning, magka-issue pa.

“Okay na naman sa akin, friends na naman, nagkita na kami dati sa meeting ng Banana Split.

"Okay naman, pero hanggang ganun na lang.

“’Di na kami nagkakasama kaya parang malabo nang mangyari.

"Nung nagkita kami, sabi ko sa kanya, ipakilala niya sa akin [ang girlfriend niya], ayaw niya.

"Sabi niya, ’Ayoko, next time.’

"Sabi ko, ’Kahit picture lang.’

"Ayaw naman niyang ipakita sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN