Rocco Nacino’s parents approve of Lovi Poe for their son

Ralph and Linda Nacino on their son Rocco’s relationship with Lovi Poe: “Basta nakakatulong sa kanila, kung nai-inspire sila sa work nila, that’s good. If it serves as an inspiration to both of them, that’s good. Positive naman yung samahan nilang dalawa.”


Hindi na raw pinagtatakhan ng mga magulang ni Rocco Nacino, sina Ralph at Linda Nacino, kung nagkakasundo ang anak nila at ang kasintahan nitong si Lovi Poe.

Ayon sa ama ng Kapuso actor, maraming mga katangian si Lovi na umaayon sa mga hinahanap ng kanilang anak sa isang babae.

Sabi ni Daddy Ralph, “Lovi actually is a very simple lady, down to earth.

“She has a very nice sense of humor. That is why they click, e.

“Actually, if you look at Rocco, he’s very comical, e. Kayang-kaya niyang patawanin si Lovi.

“Actually, that is the key in getting the heart of the lady.”

Ganun ba nila pinalaki si Rocco kaya naman masayahin ang kanilang anak?

Saad ng ama ni Rocco, “Very open kasi kami sa family. Meron kaming tinatawag na consultative form of…”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Daddy Ralph at Mommy Linda sa press preview ng bagong pelikula ni Rocco, ang Ibong Adarna, noong August 28, sa Mowelfund Plaza.

Ang pelikula ay nagtatampok din kina Joel Torre, Angel Aquino, at Leo Martinez; mula sa direksiyon ni Jun Urbano.



OFFICIAL STATUS. Ayon pa kay Daddy Ralph, agad na ipinaalam sa kanila ni Rocco ang estado ng relasyon nito kay Lovi.

“Opo. Basta major decision sa buhay nilang magkapatid, they approach us,” sabi nito.

Bukod kay Rocco ay may isa pang anak na lalaki sina Daddy Ralph at Mommy Linda—si Kyle.

Dagdag pa ng daddy ni Rocco, “Kasi you can’t deny it naman na if you see them on-screen or off-screen, many people notice it.

“So, there is no point of hiding the true feelings.

“So, I think both of them are proud of what they’re into right now.”

Ang ina naman ni Rocco na si Mommy Linda ay boto raw kay Lovi para sa anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Kami naman are supportive parents.

“Kung saan masaya ang anak namin… kahit sino namang parents, kung ano yung nagpapasaya sa anak niya, kung sino, okey naman sa kanya, susuportahan namin.”

Paano nakikibagay o nakikisama sa kanila si Lovi?

Sabi ni Mommy Linda, “We go to church together after Sunday All Stars.

“We have dinner together after church.

“Mukhang happy naman sila.”

Madalas din ba nilang nakakasama si Lovi kahit hindi Linggo?

Sagot ng ina ni Rocco, “Whenever possible, na wala silang events and commitments.”

Ano ang mga payo na ibinibigay nilang mag-asawa sa anak at kay Lovi?

Sabi ni Mommy Linda, “Of course, put God in the center of their relationship. Of course, we always pray na magkaroon sila ng guidance.”

Ayon naman kay Daddy Ralph, “Sa nakikita namin sa kanila, wala kaming ibinibigay na advice sa kanya.

“Basta, they just have to maintain their good relationship.

"And they’re happy, we’re also happy."



THE START OF ROMANCE. Kuwento nina Daddy Ralph at Mommy Linda, una nilang nakilala si Lovi nang gawin ng aktres at ni Rocco ang mini-series na Mistaken Identity sa Coron, Palawan, noong 2011.

Katatapos lamang noon ng StarStruck V, kung saan naging Second Prince si Rocco.

Kuwento ni Daddy Ralph, “Sumama lang kami that time. Friends pa lang sila noon.

“Siguro pareho kaming ninerbiyos dahil, siyempre, first time. Very casual lang ang pag-uusap namin.

“May trabaho sila doon kaya nasa side lang kaming mag-asawa.”

Hindi naman daw makakalimutan ni Daddy Ralph nang muli silang magkita ni Lovi, sa pagkakataong may relasyon na ito at ang kanyang panganay na anak.

Aniya, “Siyempre, nung nabalitang meron na sila, pareho kaming jitters, feeling jitters.

“Pero we got over it and we came to know each other.

“So, okay naman.”

Ayon naman kay Mommy Linda, “After Mistaken Identity, doon sila nagkaroon ng vibes, they became good friends.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mayroon na ba silang pakiramdam noon na ang closeness nina Rocco at Lovi bilang magkaibigan ay puwedeng mauwi sa isang love relationship?

Sagot ni Mommy Linda, “We sensed it naman.

“Pero neither of them doesn’t have to tell us. Naramdaman naman namin yun.”

Dagdag niya, “Yun nga ang sabi nila, e, maganda ang foundation nila dahil they started as friends.

“And actually, they’re still in getting-to-know stage pa rin.

“Yun, in terms of advice, sabi namin, it’s a lifetime process.

“Even the husband and wife, yung getting to know ng partner mo, talagang lifetime process yun.”



FUTURE DAUGHTER-IN-LAW? Nakikita rin ba nila kay Lovi ang mga katangian ng gusto nilang maging daughter-in-law?

Mabilis na sagot ni Daddy Ralph, “Siyempre naman. She has already made an identity for herself.

“And maganda yung future niya, kasi maganda ang career niya.

“In terms yung kalalagyan nila sa future, parang okey na sila.

“And they understand each other and they’re happy.”

Pahayag naman ni Mommy Linda, “Though I assess the situation now, they still have a lot of priorities.

“Even Rocco now is thinking of going back to medical school. Gusto niyang maging doctor.

“I know, Lovi, gusto niyang mag-focus sa kanyang career.

“Marami pa silang plano sa buhay.

“Every time they ask, sinasabi naman nila na matagal pa yun, wala pa sa isip nila.

“And even Rocco, when we discuss, sinasabi niya na matagal pa.”

Gaano ba sila kasaya sa lovelife ng kanilang anak ngayon?

Sabi ni Mommy Linda, “Basta nakakatulong sa kanila, kung nai-inspire sila sa work nila, that’s good.

“If it serves as an inspiration to both of them, that’s good.”

Dagdag ni Daddy Ralph, “Positive naman yung samahan nilang dalawa.”



PROUD PARENTS. Tungkol naman sa acting career ni Rocco, nagpapasalamat sina Daddy Ralph at Mommy Linda sa pagkilala ng marami sa kakayahan ng kanilang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Mommy Linda, “Siyempre, proud kami as parents.

“And nung sumali nga siya sa StarStruck, one in a million chance na, sabi nga nila, hindi nga makakapasok.

“Pero nung turn of events, eventually nung nakalusot siya, praise God at sinuwerte.

“Sabi nga namin, sana maganda ang takbo ng career niya sa GMA, which is happening naman.

“Thankful kami sa GMA Network dahil binigyan siya ng magagandang projects.”

Hindi ba sila nanghihinayang na hindi nagamit ni Rocco ang kanyang Nursing degree?

Isang registered nurse si Rocco at nagtapos ng kursong Nursing sa Mapua Institute of Technology.

Paglilinaw ni Mommy Linda, “Definitely nagagamit niya, especially sa mga eksena niya sa ospital.

“Hindi naman niya pinababayaan, he refreshes his knowledge always.

“Like when he did Out of Control, haping-happy siya kasi yung mga medical cases…

“Sa taping, nagdadala siya ng books to refresh himself, mag-research.

“For us, thankful kami kasi nagtapos muna siya ng Nursing.

“Yung decision-making, maayos naman.”

Kailan naman nila nakikitang magkakaapo sila kay Rocco?

Ayon kay Mommy Linda, “Lagi naman niyang sinasabi na matagal pa.

“Alam naman namin na yung showbiz, hindi naman ‘yan permanent, ‘di ba?

“Lagi naming sinasabi na, ‘Set your priorities, seize opportunities when it’s there.’

“Kasi it’s not forever right now, especially meron na namang bagong StarStruck, new batch na naman ‘yan.

“So, only the good ones will really be there, would stay.

“Kaya sabi namin, mag-focus na lang muna para makaipon siya.

“And he’s also preparing for his future.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN