Nadine Lustre on being pitted against Kathryn Bernardo: "I gained followers, but I gained bashers also."

Nadine Lustre on signing up with ABS-CBN: "Excited kami sa plans nila for us ni James, abangan na lang po natin. James and I both believe na malaking boost ito sa aming career. And since we’re both basically new, excited talaga kami."


Malaki ang paniniwala ni Nadine Lustre na lalong gaganda ang takbo ng career nila ng ka-loveteam niyang si James Reid matapos pumirma ng dalawa ng kontrata sa ABS-CBN noong August 25.

Eksklusibong nakausap ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) ang bagong Kapamilya star sa premiere ng The Gifted kagabi, September 2, sa Cinema 9 ng SM Megamall, sa Mandaluyong City.

Sabi ni Nadine, "Yes, we signed up an excusive contract sa ABS-CBN, pero we’re still with Viva Films.

"Yun kasi, it’s more of a network deal.

"We will be doing projects sa TV and some other things, ganun po yun.

"Excited kami sa plans nila for us ni James, abangan na lang po natin.

"James and I both believe na malaking boost ito sa aming career.

"And since we’re both basically new, excited talaga kami.

"Ang laki talaga ang nabago after Diary ng Panget at Talk Back And You’re Dead, sobra!" bulalas pa niya.

JADINE VS. KATHNIEL. Dahil sa paglipat nina Nadine at James—o JaDine loveteam—sa Kapamilya network, marami ang nagsasabing mas lalo silang iintrigahin sa sinasabing katapat nilang tandem nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla—na kilala rin sa bansag na KathNiel.

Pahayag ni Nadine tungkol dito, "Kami naman talaga ni James, we’re not trying to compete.

"We’re just being ourselves and we’re just doing our best para rin po sa career namin.

"’Though yung ibang tao ganun ang nasa isip nila, but we don’t mind.

"I mean, you can’t change it kung ganun talaga ang nasa isip nila.

"Pero me and James kasi, we’re just doing our job.

"And we’re having fun."

Dugtong pa niya, "Probably, if there’s any competition, it’s a healthy competition.

"It’s nothing bad, there are no issues for us.

"Basta kami nga, we’re just having fun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



BOOSTER. Tanggap naman ni Nadine na nakakatulong sa loveteam nila ni James ang pagkukumpara sa kanila sa pinakasikat na teen loveteam ngayon, ang KathNiel.

Pero mas magaan daw para sa kanilang kalooban na sumikat sila dahil sa sarili nilang merito.

Saad ng Viva princess, "We know for a fact na nakatulong sa amin yung KathNiel loveteam.

"Pero naniniwala ako na yung sa amin ni James has its own merits.

"I believe minahal kami ng tao ’cause meron silang nakitang something in our loveteam, too.

"Not necessarily because gusto kaming gawing pantapat sa KathNiel.

"Nasa taas na sila, na-prove na nila kung gaano ka-strong yung sa kanila.

"Kami, we’re just starting, no need for a comparison talaga.

"Kami ni James, we both look up sa loveteam ni Kathryn at Daniel."

Nagkita na ba sila ni Kathryn, na sinasabing kamukha niya?

Nangingiting sabi ni Nadine, "Actually, dumaan daw siya noong nasa ASAP kami.

"Pero ’di ko siya nakita, sinabi lang sa akin ni James.

"Sabi niya, ’Oy, si Kathryn yun!’

"’Sayang, ’di ko siya nakita,’ sabi ko naman.

"’Pag nagkita kami, siguro magha-hi ako sa kanya.

"I’ll tell her, ’Finally, we meet.’ Ganun lang, casual lang.

"Yeah, sabi ko nga, probably I will be thankful na naku-compare ako sa kanya.

"Kasi I gained followers, but I gained bashers also.

"But it’s okay. That’s part of being in showbiz."

NEW PROJECT. Kahit ang mga intrigang baka gawin silang "frozen delight" ng Kapamilya network ay ayaw raw nilang patulan.

Ani Nadine, "I don’t think Viva will let that happen naman.

"Nandiyan pa naman ang Viva family, sila naman yung nasa harap ng pila, ’di ba? Sila naman yung makikipag-negotiate.

"At naniniwala naman kami na hindi kami pababayaan ng ABS-CBN bilang Kapamilya na rin nila.

"So, no worries talaga."

Ano na ba ang naka-lineup na projects para sa kanilang dalawa ni James?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-aalangang sagot ni Nadine, "We’re not allowed to spill it pa.

"Pero isang project pa lang ang alam namin na mag-i-start kami tomorrow [September 3].

"Hanggang dun pa lang po muna ang puwede kong sabihin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN