Newly engaged Heart Evangelista happy about Marian Rivera’s engagement: "Everybody deserves a happy ending."

“Everybody deserves a happy ending. From my heart to hers, I’m very happy for her,” says Heart Evangelista about the engagement of Marian Rivera to Dingdong Dantes.


Labis pa rin ang tuwang nararamdaman ni Heart Evangelista dahil sa wedding proposal na natanggap niya mula kay Senator Francis “Chiz” Escudero.

Dahil dito, sabi ng Kapuso actress, walang malulugaran ang anumang negatibong komento na natatanggap niya mula sa bashers.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portl) si Heart sa launch ng iniendorso niyang Pond’s Dewy Rose Whitening Soft Gel noong Lunes, September 1.

Dito ay inamin niyang bukod sa mga bumati at natuwa sa engagement nila ni Senator Chiz, marami rin siyang natanggap na masasakit na salita mula sa bashers.

Nakangiting sabi ni Heart, “Ang daming nagalit. Worse.

“Well, that’s showbiz, that’s politics.

“People will always damn if you do, damn if you don’t.”

Para maiwasang masira ang kaligayahan niya, sabi ng Kapuso star, “You always have to remind yourself to choose your balance.

“You also have to remind yourself to also enjoy, to remember that I deserve this.

“Finally, I can be incandescently happy.

“You just have to learn how to deadma and enjoy the moment.”

Ano naman ang reaksiyon ng fiancé niyang si Senator Chiz sa mga negatibong komento tungkol sa kanilang engagement?

“He’s actually nonchalant.

“He’s saying, ‘Stop na. Don’t worry about it.’

“He’s really my rock. He calms me down.

“It’s not his world also, e. He has a different world from what I do.

“He really just ignores it.

"I’m really lucky to have someone like that in the industry I live in."



HAPPY FOR MARIAN. Sa hiwalay na panayam kay Heart ng Philstar.com, natanong siya tungkol sa pagkukumpra ng ilan sa engagement nila ni Marian Rivera.

Noong August 9 ay muling nag-propose ang aktor na si Dingdong Dantes kay Marian sa dance show ng aktres sa GMA.

Read: Dingdong Dantes and Marian Rivera are engaged!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong August 23 naman nag-propose si Senator Chiz kay Heart habang nagbabakasyon sila sa Sorsogon.

Read: Heart Evangelista and Senator Chiz Escudero are engaged

Dahil dito, hindi maiwasan na ikumpara ang dalawang okasyon, lalo na’t hindi pa rin natutuldukan ang isyu sa pagitan nina Heart at Marian, na nagsimula habang ginagawa nila ang pelikulang Temptation Island noong 2011.

Pahayag ni Heart tungkol sa pagkukumpara sa engagements nila ni Marian, “I think it’s unfair, kasi Marian and I, we come from different worlds.

"I don’t understand why there’s this constant comparison.

“I think it has something to do with the fight we had before.”

Dahil din sa isyung ito kaya panay ang pag-atake ng ilang bashers kay Heart.

Ngunit ayon sa Startalk host, “When you have this bashers who attack you constantly, at the end of the day, you can only do so much. Hinahayaan ko na lang.”

Sa kabila nito, masaya raw si Heart para kay Marian.

“Everybody deserves a happy ending.

“From my heart to hers, I’m very happy for her.

“I’m also happy for myself.

"I have no more room for all these negativities to ruin my moment now," saad niya.

Gaganapin ang kasal nina Heart at Senator Chiz sa February 15, 2015 sa Balesin Island Club.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN