Mark Gil’s last wish: “Cremation right away... no wake, no eulogies.”

Sinunod ng mga kaanak ng yumaong aktor na si Mark Gil lahat ng kahilingan nito bago siya bawian ng buhay, kabilang na ang pagki-cremate sa kanya agad.


Patuloy pa rin ang pagdagsa ng celebrities sa “get together” para sa yumaong aktor na si Mark Gil sa chapel ng La Salle Greenhills ngayong gabi, September 3.

Kaninang alas-diyes pa ng umaga nagsimula ang pagsasama-samang ito ng pamilya at mga kaibigan “to honor and celebrate the life of Raphael John Eigenmann”—o mas kilala ng publiko bilang ang aktor na si Mark Gil.

Sa halip na wake o lamay, hiniling daw ni Mark, bago ito pumanaw, na maging “happy-happy” ang pagtitipong ito kanyang mga mahal sa buhay at kaibigan.

Sabi ng panganay na kapatid ni Mark na si Michael de Mesa, “Lahat ng ibinilin niya, sinunod namin.

“Cremation right away... no wake, no eulogies.”

Pumanaw si Mark noong Lunes, September 1, dahil sa liver cirrhosis, at pagkalipas lamang ng ilang oras ay ipina-cremate agad ang kanyang mga labi.

Isiniwalat ng pamilya Eigenmann sa kanilang official statement na dalawang taon bago yumao ang aktor ay na-diagnose itong may liver cancer.

Pero dahil na rin sa kagustuhan ni Mark, 52, ay inilihim nila ang tungkol dito sa publiko.



CELEBS AT THE WAKE. Sa kasalukuyan ay nasa La Salle chapel lahat ang mga kaanak ni Mark, sa pangunguna ng mga anak niyang sina Gabby Eigenmann, Sid Lucero, Andi Eigenmann, at Stevie Eigenmann; asawang si Maricar; mga kapatid na sina Michael at Cherie Gil; at mga magulang na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil.

Narito rin ang mga pamangkin ni Mark na sina Ryan at Geoff Eigenmann.

Unti-unti na ring nagdadatingan ang mga kaibigan at katrabaho ni Mark sa showbiz.

Ilan sa mga namataan ng YES! at PEP ay sina Tirso Cruz III, Phillip Salvador, Dingdong Dantes, Rez Cortez, Paolo Contis, Antoinette at Tom Taus, Andoy Ranay, Joey Marquez, Jolina Magdangal at Mark Escueta, Jaya, Ronnie Lazaro, Nonie at Shamaine Buencamino, Gardo Versoza, Tessie Tomas, Angelika dela Cruz, Odette Khan, Leo Martinez, at ang GMA executive na si Lilybeth Rasonable.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaninang umaga hanggang kaninang hapon ay nagpunta na sina Governor Vilma Santos, Gretchen Barretto, Angel Locsin, Jose Mari Chan, Gary Lising, Pilita Corrales, Rio Locsin, Erich Gonzales, Andrea Torres, Jackie Aquino, Joem Bascon, Marjorie Barretto, at Lolit Solis.

Inaasahang marami pang magdadatingan habang palalim na ang gabi dahil, ayon kay Michael, isang gabi lang ang “celebration” na ito.



HULING HABILIN. Ayon kay Michael, isinulat lahat ni Mark ang kanyang mga huling bilin at kabilang dito ay ang pagsasaboy ng bahagi ng abo niya sa isang beach sa Bataan.

Dagdag ni Michael, “Paborito niya kasi ang beach na ‘yon.

“Then the rest, of course, maiiwan kay Maricar.

“’Tapos kami [pamilya], we each got our share.”

Ipinakita sa amin ni Michael ang pendant na naglalaman ng abo ni Mark.

Sa gitna ng chapel nakalagak ang isang kuwadradong matte gold urn na naglalaman ng mga abo ni Mark.

Samantala, may dalawang video wall na nagpe-play constantly ng VTR na ang laman ay mga larawan ng mga masasayaang araw ni Mark kapiling ng pamilya at mga kaibigan nito sa showbiz.

Kasabay nito ay tumutugtog sa background ang mga paboritong musika ni Mark.

Sa kahilingan ng pamilya ni Mark, mahigpit na ipinagbabawal dito sa chapel at pagkuha ng video at litrato.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN