Luis Alandy surprised by his instant popularity in Thailand

Luis Alandy on establishing an acting career in Thailand: “Kailangan ko munang matuto ng language nila. Siyempre, kung gugustuhin mo talaga. Pero siyempre, nakaka-excite din ang idea. Pero siyempre, hindi ko naman puwedeng sabihin na doon na ako. Try lang, tingnan natin.”


Naging online sensation ang Kapuso actor na si Luis Alandy sa Thailand dahil sa pagkalat sa social media ng topless photo niya.

May isang Thai na nag-post ng larawan na ito ni Luis, na inakalang isa talaga siyang matadero sa isang palengke sa Thailand.

Dahil dito, naging viral ang picture ng aktor at marami ang nagkainteres na makita siya.

Na-feature din si Luis sa ilang TV at radio programs sa Thailand.

Ang hindi alam ng mga taga-Thailand, kuha ang nasabing larawan ni Luis sa primetime series ng GMA Network na Beauty Queen, na umere mula October 2010 hanggang February 2011.

Read: Luis Alandy becomes an online sensation in Thailand

Kahapon, September 3, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis sa “get together” para sa yumaong aktor na si Mark Gil, sa chapel ng La Salle Greenhills.



INSTANT CELEBRITY. Dito ay inusisa namin siya tungkol sa pagiging “sikat” niyang bigla sa bansang Thailand.

Kuwento niya, “May nag-tweet sa akin, ang sabi, ‘Ano ka rito, sikat ka rito…’ sa Thailand nga raw.

“Siyempre, hindi ko naman alam kung biro-biro lang dahil bihira akong mag-Twitter.

“So, siguro, timing na pag-check ko, nakita ko.

“’Tapos nakita ko yung picture ko, sa Beauty Queen pa yun, e.

“So, ang reply ko, ‘Beauty Queen was one of the most memorable soaps na ginawa ko. I think, one of the best soaps na nakuha ko kahit hindi ako lead.’

“’Tapos, hindi ko naman alam na big deal siya sa Thailand.

“Siyempre, hindi ko naman iisiping magti-trend.”

Paano nakuha o lumabas ang larawan niyang yun na nag-trend pa nga sa social media?

Saad ni Luis, “Ang alam ko, parang may Thai na nag-post.

“Parang sinabi niya na, ‘This guy’s selling me in this market.’

“’Tapos, nag-spread na siya. Thousand na raw, parang ganun yung story na nabasa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, now, we’re working out to go to Bangkok. To meet the person kung mahanap nila sana.”

May kakilala rin silang caster o may agency sa Thailand na nagsabi kay Luis na marami raw sa mga kaibigan nito ang nagme-message at nagtatanong tungkol sa Pinoy actor.

Hindi rin daw alam ng mga noong una na isa pala siyang Filipino.

“Kinunfirm ko lang sa Twitter at sa Instagram.

“Nag-post ako na ginawa ko yung soap na yung 2011, and nag-thank you ako sa kanila.

“Sabi ko, ‘Thank you for making me a star!’” natawang sabi ni Luis.



LOOKS LIKE A THAI ACTOR. Sa tingin ni Luis, ang hitsura niya ang posibleng naging daan para mapansin siya sa Thailand.

Lahad niya, “Noon pa kasi yun, around 2011, after ng isang show, nagpunta lang ako dun for a vacation.

“Nagpunta ko sa Channel V, akala nila artista ako dun. Nasa mall siya, yung Channel V.

“Akala raw nila, artista ko, kasi may kamukha raw akong artista sa kanila.”

Kailan siya pupunta ulit sa Thailand?

Sabi niya, “We’re trying to work out something, siyempre yung gratitude mo rin sa kanila.”

Kung sakaling may mag-alok sa kanya na magkaroon ng career sa Thailand, tatanggapin niya?

Natawa si Luis saka sinabing, “Kailangan ko munang matuto ng language nila!

“Siyempre, kung gugustuhin mo talaga.

“Pero siyempre, nakaka-excite din ang idea.

“Pero siyempre, hindi ko naman puwedeng sabihin na doon na ako.

“Try lang, tingnan natin.”

Pumasok ba sa isip niya na mabuti pa sa ibang bansa ay na-recognize siya at pinagkakaguluhan, kahit larawan pa lang niya ang nakikita?

Tugon ng 34-year-old actor, “Hindi naman, iba naman ang word na sinabi ko, sabi ko, ‘buti dun napapansin ako.

“Parang nagulat lang ako. Recognition from other country.

“It’s very humbling for a Filipino.

“Hindi ko naman masasabing I made it there, kumbaga, mapansin lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



GUEST ROLE. Sa ngayon, nagsisimula na raw siya ng taping ng upcoming GMA drama series na Second Chances, na pagbibidahan ni Jennylyn Mercado.

Pero guest lang daw siya rito dahil ang alam niya ay may sisimulan siyang regular soap.

“Parang binabanggit nila sa akin na, ‘Gusto ka man naming gawing regular rito, kaya lang, may naka-lineup na soap. Baka mag-conflict.’”



MARK GIL. Isa si Luis sa mga celebrity na maagang dumating sa chapel ng La Salle kahapon, September 3, para sa isang araw na get-together bilang pag-alala sa yumaong aktor na si Mark Gil.

Nakasama ni Luis si Mark sa isa sa mga naunang teleserye niya sa GMA at sa ilang teleserye sa ABS-CBN.

Huling silang nagkasama sa epicserye ng GMA na Indio noong 2013.

Ano ang mga naaalala niya kay Mark?

Saad ni Luis, “Ano siya, e, very… kasi magkasama kami sa dressing room noong nag-Indio.

“Marami siyang kuwento. Mahilig siyang makipag-converse.

“Para siyang si Gabby [Eigenmann, Mark’s son], kasi si Gabby, matagal ko nang nakasama ‘yan.

“’Di ba, si Gabby, ang gaan-gaan kasama?

“Si Tito Ralph [Mark], mapagbiro. Mahilig tumawa.

“Kaya siguro yung wish niya rin na walang mass, walang eulogy, kasi ayaw niya ng malungkot.

“Feeling ko, ganun siyang tao, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN