Jonalyn Viray inspired by Rachelle Ann Go’s success in West End

Jonalyn Viray on career plans after her contract with GMA expires next year: "Ngayon, hindi ko po masabi kung anong plano ko. Medyo titimbangin ko pa muna yung natitirang months at doon ako magdedesisyon kung ano yung susunod kong gagawin. But right now, hangga’t dito po ako sa lugar na ito, mas pagbubutihin ko yung trabaho ko."


Isa si Jonalyn Viray sa maraming GMA artists na natutuwa para sa unti-unting paggawa ng pangalan ng kapwa niya Kapuso na si Rachelle Ann Go sa West End.

Si Rachelle ang gumaganap bilang Gigi sa revival musical na Miss Saigon, na kasalukuyang ipinapalabas sa London.

Magkasama sina Jonalyn at Rachelle noon sa musical-variety show na Party Pilipinas, hanggang sa Sunday All Stars.

Maraming beses na rin silang nagkasama sa musical numbers.

Saad ni Jonalyn tungkol kay Rachelle, “Masaya po kaming lahat sa narating niya dahil alam naman po natin na kami rin ay gustong maka-reach ng something, especially kaming mga singers dito.

“Happy kami para sa kanya dahil, at least, nagkaroon ng panibagong milestone sa career niya.

“Parang inspirasyon ko rin siya na sana, in time, ako rin, magkaroon ng something to look forward to.”

Nakausap PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jonalyn pagkatapos ng live appearance niya sa Sunday All Stars, sa GMA Studios, noong August 31.



MISSED OPPORTUNITY. Sa pagkakaalam ng PEP, marami na ring pinalampas na auditions si Jonalyn para sa international musical projects, kabilang na ang Miss Saigon.

Kuwento niya, “Hindi ako nakarating sa auditions noon, e, sayang.

“Pasrang out of town ako that time.

“Saka parang feeling ko, hindi bagay ang boses ko doon.

“Parang naisip ko na hindi pang-Broadway ang boses ko.

“Feeling ko, yung tunog ni Rachelle, pang-Broadway.

“Yung quality ng boses ko, parang iba.

“Parang… basta, feeling ko, hindi pa po ako prepared din.”

Kahit paano ba ay nanghinayang siya sa pinalampas niyang pagkakataon?

Saad ni Jonalyn, “Siguro hindi naman po sa nanghinayang.

“Siguro napaisip lang po ako na, ‘Ano kaya kung nag-audition ako? Nakuha kaya ako o hindi?’

“Parang napapaisip lang po ako noon.”



ELUSIVE POPULARITY. Halos sampung taon na sa music scene si Jonalyn.

Siya ang kauna-unahang grand champion ng GMA singing search na Pinoy Pop Superstar noong 2005.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasundan ito ng pagwawagi niya ng limang gold medals sa World Championship of the Performing Arts noong 2006.

Marami ang nagsasabi na kung boses lang din naman ang pag-uusapan, hindi maipagkakailang isa si Jonalyn sa pinakamahusay na singers sa Pilipinas.

Ngunit hanggang ngayon ay tila mailap pa rin ang kasikatang inaasam.

Reaksiyon ng Kapuso singer tungkol dito, “Kung nalulungkot po ba ako or may regrets?

“Kasi po, sa bawat event na bawat pinupuntahan namin, may mga exciting plans din naman.

“So, yun po yung pinanghahawakan ko.

“Like, nung nagpunta kami sa Vietnam nina Ate Carla [Abellana] at Kuya Tom [Rodriguez], so meron kaming mga naging connections mula doon na mga boss.

“Baka, in any way, baka puwede nila kaming matulungan din. Magsi-send lang kami ng materials.

“So, yun, baka puwede naming magamit yung mga ganung klaseng opportunity.”

Ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit hindi pa umaalagwa nang husto ang kanyang singing career?

Nakangiting sagot ni Jonalyn, “Hindi ko rin po alam, e.

“Actually, sa ngayon, kumbaga, kung anuman yung mga projects na ginagawa ko, sa album and concerts, thankful ako na merong mga tao na willing akong tulungan para mas dumami pa po yung mga ginawa ko, hindi lang po dito sa station namin, para magkaroon ako ng marami pang projects.

“I think, kung tuluy-tuloy lang po ako sa paggawa ng materials, concerts, shows—maliit man o malaki—I think hindi naman po titigil doon.

“Parang sabi nila, step by step, slowly but surely.”

Napapaisip ba siya kung ano pa ang kulang at hindi pa niya naaabot ang inaasam na pagsikat?

Ayon kay Jonalyn, “Siguro napapaisip ako na hindi na ako bata, hindi na ako teenager.

“So, kailangan ko po talagang mag-double time sa trabaho at sa mga ginagawa ko.

“Basta, ang gusto ko lang po talaga, more projects at makapaglabas ako ng mas maraming kanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And kung anuman po yung ipi-present ni Lord in the future, siyempre, tatanggapin ko yun.

“Kung yun talaga ang gusto Niya para sa akin.”

Hindi raw naiisip ni Jonalyn na parang umiikli ang lifespan niya sa entertainment scene.

“Hindi naman po. Ang naiisip ko, hindi na ako bata.

“Pero hindi ko naman iniisip na umiiksi yung span ng career.

“Kasi, I think, as a singer, marami ka pang avenues na puwedeng puntahan, e.

“Aside sa Pilipinas, puwede kang mag-abroad.”



CAREER PLANS. Sumagi ba sa isip niya ang umalis ng GMA at humanap naman ng panibagong opportunity sa ibang istasyon? O di kaya ay mag-abroad?

Sabi ni Jonalyn, “Sa ngayon po kasi, hindi ko po masabi, kasi I’m still with GMA Network.

“May contract pa po ako hanggang next year pa po.

“Ngayon, hindi ko po masabi kung anong plano ko.

“Medyo titimbangin ko pa muna yung natitirang months at doon ako magdedesisyon kung ano yung susunod kong gagawin.

“But right now, hangga’t dito po ako sa lugar na ito, mas pagbubutihin ko yung trabaho ko.

"Hindi ko kasi alam kung ano ang puwedeng ibigay sa akin ng panahon, e."

Ano naman ang reaksiyon niya sa paglipat ng kasamahan niya noon sa Sunday All Stars na si Jay-R sa ABS-CBN?

“Masaya rin po kami sa kanya kung ano yung…

“Kasi po, as artist, siguro naghahanap din siya ng more room to improve and to grow as an artist. So, yun.

“Though, nami-miss ko na rin po siyang maka-duet. Masarap siyang ka-duet.”

Hindi ba siya naiinggit kay Jay-R?

Sagot ni Jonalyn, “Ang iniisip ko lang po ay kung ano yung makakabuti para sa career ko.

“So, right now, hindi ko po masabi. Hindi ko ma-confirm kung ano ba talaga.

“Basta, right now, tuluy-tuloy lang po akong gagawa ng mga projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like, ngayon, may paparating na repeat ng concert ko, yung Fearless, sa Music Museum pa rin po.

“’Eto po yung concert ko last February.

“’Eto pong concert kong ito, masasabi kong suwerte pa rin ako dahil, at least, magkakaroon po ng repeat.

“So, there’s something to watch out for pa rin.

“Basta, marami pa akong gustong gawin, like magkaroon ng bagong album o maglabas ng bagong single.”

Mula sa pagiging solo artist, isinali si Jonalyn sa binuong trio ng GMA, ang La Diva, kung saan nakasama niya ang Pinoy Pop Superstar alumni ring sina Aicelle Santos at Maricris Garcia.

Pero ngayon, hindi na sila madalas magsama bilang trio at nag-concentrate na muna sila sa kani-kanilang solo singing career.

Ano bang direksiyon ang gustong tahakin ni Jonalyn pagdating sa kanyang singing career?

Tugon niya, “Siguro po, bilang nandito ako sa posisyon ko ngayon, itutuluy-tuloy ko lang po.

“Talagang feeling ko, ‘eto na yung path ko as a solo artist.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN