Martin del Rosario happy about signing up with GMA; ignores gay rumors

Martin del Rosario on proving himself as an actor: "Kanya-kanya lang naman po ‘yan ng oras. Saka, basta pagbutihan mo ang sarili mo. Kung gusto mo ang isang bagay, pagtatrabahuhan nang mabuti, siguradong makukuha mo yun. Saka kanya-kanyang diskarte lang naman ‘yan."


Abala ngayon si Martin del Rosario sa paghahanda para sa The Naked Truth, ang Bench Denim and Underwear Fashion Show, na gaganapin sa September 19, sa MOA Arena.

Pinapanay-panay na raw ngayon ng bagong Kapuso contract artist ang pagda-diet at pagwu-workout.

Sa exclusive press preview ng The Naked Truth noong nakaraang linggo, kabilang si Martin sa mga rumampa at nag-topless; kasama sina Dennis Trillo, Markki Stroem, Dominic Roque, at Tom Rodriguez.

Ginulat ni Martin ang maraming nakapanood ng show sa maganda niyang pangangatawan ngayon.

Pero gaano ka-sexy ang isusuot niya sa mismong fashion show?

Sabi niya sa PEP. (Philippine Entertainment Portal), “A, hindi ko alam. Abangan ninyo na lang… pero with brief, underwear.”

Bago lumipat sa GMA ay matagal naging talent ng ABS-CBN si Martin.

Kung nandoon pa kaya siya sa Kapamilya network ay magagawa niyang rumampa sa Bench fashion show?

“Ibinigay sa akin ALV yung Bench,” pagtukoy niya sa talent management company na pinamamahalaan ni Arnold Vegafria.

Patuloy ni Martin, “Ibinigay sa akin itong project na ito… nagpalit kasi ako ng manager.

“Siguro hindi ko siya makukuha kung nandun pa rin ako sa dati kong manager.”

Gaano siya ka-excited sa gagawin niyang pagrampa?

“Siyempre, excited ako kasi first time kong maging part ng Bench. Ayun, meron na akong endorsement sa underwear.”

CAREER MOVE. Kumusta naman siya ngayong nasa bakuran na siya ng GMA?

Ayon kay Martin, “Masaya, masaya…. Happy ako sa GMA simula nung ni-launch nila ako.

“Nag-contract signing na ako, ‘tapos gumawa na ako sa Rhodora X at may nagawa ako sa Magpakailanman.

“Hopefully magtuluy-tuloy lang yung mga sinasabi sa akin.

“Kasi as of now kasi, ‘pag hindi pa nagsimula, wala pa rin, e.”

Ano ba ang gustong image ng Kapuso network para sa kanya?

“Siguro since pumayag sila sa Bench ko, mas sexy siguro. Para hindi naman na ako tipong boy next door.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa paglipat ni Martin sa GMA, usap-usapang siguradong may maaagawan siya ng TV project na ibang Kapuso talents. Paano niya haharapin ang posibleng ipukol sa kanyang isyu na ito?

Saad niya, “E, kanya-kanya lang naman po ‘yan ng oras.

“Saka, basta pagbutihan mo ang sarili mo.

“Kung gusto mo ang isang bagay, pagtatrabahuhan nang mabuti, siguradong makukuha mo yun.

“Saka kanya-kanyang diskarte lang naman ‘yan.”



NOT AFFECTED ANYMORE. Isa sa controversial issues na ipinupukol kay Martin ay ang pagkuwestiyon sa kanyang pagkalalaki.

Pero ngayon daw ay hindi na ito pinapansin ng aktor.

“Hindi na. Wala na. Hindi ko na pinapansin yung mga yun.

“Hindi ko na talaga siya pinapansin… labas sa tenga.”

Nakaranas na ba siya ng mga parinig o padaplis na pambu-bully partikular na sa mga pampublikong lugar? Nasasaktan ba siya kapag nakaka-encounter ng mga ganito?

Sabi ni Martin, “Kung nasasaktan ang parents ko, doon lang ako nasasaktan.

“Kung sa akin, hindi ko na lang pinapansin dahil kilala ko naman ang sarili ko.

“Kasi kung alam mo naman ang sarili mo, kung ano ang totoo, hindi ka mapipikon talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN