Fashion Police host Joan Rivers dies at 81

Joan Rivers passed away "peacefully" Thursday afternoon, September 4, at Mount Sinai hospital in New York surrounded by her friends and family.


Pumanaw na ang comedienne at TV host na si Joan Rivers noong Huwebes ng hapon, September 4, sa Mount Sinai Hospital, New York.

Siya ay 81 years.

Kinumpirma ng nag-iisang anak ni Joan na si Melissa Rivers ang pagyao ng kanyang ina sa pamamagitan ng isang official statement:

"It is with great sadness that I announce the death of my mother, Joan Rivers.

"She passed peacefully at 1:17 P.M. surrounded by family and close friends.

"My son and I would like to thank the doctors, nurses, and staff of Mount Sinai Hospital for the amazing care they provided for my mother.

"Cooper and I have found ourselves humbled by the outpouring of love, support, and prayers we have received from around the world. They have been heard and appreciated.

"My mother’s greatest joy in life was to make people laugh. Although that is difficult to do right now, I know her final wish would be that we return to laughing soon."

Isinugod sa Mount Sinai Hospital si Joan noong August 28 dahil biglang huminto ang kanyang paghinga habang sumasailalim sa outpatient throat surgery sa isang endoscopy clinic sa Yorkville, Manhattan.

Nagsagawa ng medically induced coma ang mga doktor ni Rivers nang magkaroon ito ng cardiac arrest.

Noong August 30, inilagay sa life support system ang veteran comedienne/TV host at sinusubukan ng kanyang mga doktor na gisingin siya mula sa comatose.

Nag-umpisa ang entertainment career ni Joan noong 1959 at nakilala siya dahil sa kanyang bitchy at satirical humor.

Nakatakda sa Linggo, September 7, ang funeral ni Rivers sa Temple Emanu-EL, Manhattan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN