Manny Pacquiao blasts Floyd Mayweather Jr.: "He sets a very bad example.”

Manny Pacquiao’s fighting words versus his elusive opponent Floyd Mayweather Jr.: "If Mayweather doesn’t defend against the best fighters in the world, his unbeaten record doesn’t make sense."


Hindi napigilan ng Pambansang Kamao na si Manny “Pacman” Pacquiao na tawaging “uneducated” ang kapwa niya boksingero na si Floyd Mayweather Jr.

Paksa ng isang interview kay Manny ang mga dahilan kung bakit hindi matuluy-tuloy ang pinakaaabangang boxing match ng dalawang prized fighters na ito.

Ayon kay Manny, simple lang ang sagot dito: Takot si Mayweather na masira ang undefeated record nito.

Pahayag niya sa NJ.com, “I think he is worried about his record.

"If Mayweather doesn’t defend against the best fighters in the world, his unbeaten record doesn’t make sense.

“What I learned and heard from him, I realize why he is like that.

“I understand sometimes when people are not educated, they just talk the talk."

Diin pa ng eight-division world champion, "He sets a very bad example.”

May plano na raw si Pacman kung paano niya lalabanan si Mayweather dahil kabisado na raw nito ang mga kilos nito.

“I know what his style is all about,” sabi ng Filipino boxer sakaling matuloy ang kanilang laban.

Last leg ang New York sa promotional tour ng laban ni Pacquiao kay Chris Algieri.

Sa November 22 na ang paghaharap nila sa Cotai Arena, sa The Venetian Macao Resort, sa Macau, China.

Si Mayweather naman ay may laban din sa September 12, sa MGM Grand Arena, sa Las Vegas, kontra sa Argentine boxer na si Marcos Maidana.

MAYWEATHER’S CASE. Ayon sa balita, haharap muli sa korte si Mayweather dahil sa kasong invasion of privacy, assault, battery, and defamation na isinampa laban sa kanya ng dati niyang fiancée na si Shantel Jackson, sa Los Angeles County Superior Court.

Ayon sa kuwento ni Jackson, nagkakilala sila ni Mayweather noong 2006 sa Atlanta, Georgia, at nagsama sila sa bahay ng boksingero sa Las Vegas.

Pinilit lang daw siya ni Mayweather na tumira sa bahay nito at hindi siya maaaring lumabas ng bahay kung hindi kasama ang isang emplayado ng boksingero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbuntis sa kambal si Jackson at si Mayweather ang ama.

Noong sinabi raw niya ito kay Mayweather, doon siya nakaranas ng matinding emotional torture at verbal abuse mula sa boksingero kaya ipina-abort niya ang kambal.

Ginamit daw ni Mayweather ang abortion na iyon para ang lumabas na may kasalanan ay si Jackson.

Ito ang post ni Mayweather sa kanyang Facebook at Instagram accounts:

“the real reason me and Shantel Christine Jackson @MissJackson broke up was because she got an abortion, and I’m totally against killing babies.”

Dahil daw sa mga ginawang ito ni Mayweather, napilitan si Jackson na mag-file na ng kaso para maituwid ang mga maling paratang sa kanya ng maraming tao dahil sa pinagsasabi ng boksingero.

“I loved Floyd deeply, but he continued to disappoint and intentionally hurt me...

"I have been embarrassed and humiliated more than I can ever imagine by Floyd, whom I once called my best friend and fiancée.

“It was with a heavy heart that I finally realized the only way to set the record straight and achieve justice for what he has done to me is filing this lawsuit.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN