Rocco Nacino believes that girlfriend Lovi Poe is ’the one’ for him

Aminado si Rocco Nacino na nasa hustong gulang na siya upang mag-asawa ngunit kailangan daw muna niyang mag-ipon para sa kinabukasan ng kanyang magiging pamilya.


Kasama ni Rocco Nacino ang girlfriend na si Lovi Poe nang mag-propose si Senator Chiz Escudero kay Heart Evangelista sa Sorsogon noong August 23.

Kinilig man daw sila sa nasaksihang eksena ng pagmamahalan, medyo matagal-tagal pa raw itong gagawin ni Rocco kay Lovi.

“No, matagal pa ‘yan, matagal pa,” nakangiti niyang sabi.

Kahit daw ang isang engagement ay hindi naman nangangahulugang kasalan na agad ang pupuntahan, mas gusto raw ng 27-year-old Kapuso actor na maghintay sa tamang panahon.

Saad ni Rocco, “Hindi ba, mas okay yung… hindi ba mas exciting yung you propose and then, together, sabay niyong paghandaan for one year yung kasal niyo?

“Mas exciting para sa akin yun. Siguro ganun na lang.

"’Tsaka ano pa e, ipon muna ako. Pati naman siya, e, nag-iipon pa rin.

“I’m still early on my career so set my priorities muna.

“Hindi ko naman pinapangunahan but, you know, I’m at my marrying age na rin.”

Nararamdaman ba niyang si Lovi na ang ‘the one’ para sa kanya?

Nakangiting sagot ni Rocco, “I have a good feeling about it.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling entertainment writers ang Kapuso actor sa pocket presscon nito para sa teleseryeng Hiram Na Alaala, kagabi, September 4, sa 17th floor ng GMA Network Center.

HIRAM NA ALAALA. Kasama ni Rocco sa Hiram Na Alaala sina Dennis Trillo, Lauren Young, at Kris Bernal.

Marami raw silang kissing scenes dito ni Kris, na gumaganap bilang fiancée niya sa istorya.

Hindi kaya magselos si Lovi kay Kris?

Natawang sagot ni Rocco, “Hindi naman. Alam naman niyang trabaho lang yun.”

Gagampanan ni Rocco sa Hiram Na Alaala ang role ni Joseph Corpuz, isang sundalong magkakaroon ng post-traumatic stress disorder (PTSD) dahil sa pagkaka-torture sa kanya nang mahuli sila ni Dennis ng mga rebelde.

Dito raw sa role niyang ito labis natsa-challenge si Rocco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“This one is extra-challenging kasi I take on multiple personalities here.”

Nakayanan din daw ni Rocco ang hirap sa training nila at taping sa Philippine Military Academy sa Baguio City dahil pinasubok sa kanya kung paano talaga ang training ng mga nais maging sundalo.

Sa September 22 na mapapanood ang Hiram Na Alaala sa GMA Telebabad.

Papalitan ng show na ito ang timeslot na babakantehin ng Ang Dalawang Mrs. Real.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN