Jed Madela on his lovelife: "I choose not to divulge anything."

Jed Madela wants to correct the common mistake among local singers to hit all the high notes to get noticed. "Siguro yun na ang naging responsibility ko na ipa-realize sa mga tao ngayon na hindi porke bumibirit, magaling," he says.


Nakatakda raw bisitahin at panoorin ni Jed Madela ang performance ni Rachelle Ann Go sa Miss Saigon sa London.

Isa sa lead support si Rachelle Ann sa revival production na ito sa West End.

Ayon kay Jed, “I’m planning to watch her this October.

"Plano nga sana namin this month, pero may Himig Handog. So, hindi kami makaalis."

Ang Himig Handog ay ang songwriting competition ng ABS-CBN, kung saan si Jed ang mag-i-interpret sa isa sa mga kalahok na kanta.

Wala raw series of shows o concert si Jed sa Europe kaya sasadyain niya talagang bisitahin si Rachelle Ann, na nabalitang pinormahan niya dati.

“I promised her na talagang manonood ako ng show niya,” sabi pa ng mahusay na singer.

Pati raw si Mark Bautista, na nasa cast naman ng rock musical na Here Lies Love sa London, ay panonoorin din ni Jed.

“I’m proud of these two people na malapit din sa puso namin lahat. Barkada namin ’yan sa Champions,” pagtukoy niya sa kapwa singers na nanalo sa singing competitions.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jed sa presscon ng Himig Handog P-Pop Love Song noong September 1, sa Dolphy Theater, ABS-CBN compound.

HAPPY FOR RACHELLE. Masaya si Jed sa tagumpay at pagkilalang nagsisimulang tanggapin ngayon ni Rachelle Ann.

Sabi ni Jed, “She’s making a big name for herself now.

"Napapansin na siya ng mga critics doon, not just as a singer and also as a beautiful woman.

"Hindi lang sa talent niya kundi sa looks niya, napapansin siya doon.

“Sobrang nakaka-proud.

"Although nung nandito siya, sikat naman siya, but she’s just one of the many talented people here in the Philippines.

“I’m happy that she’s living her own dream.

"She has her own spotlight, she has her own name na hindi na siya nakikipag-compete kahit kanino.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong magkasama pa sila sa ABS-CBN at parehong mainstay artists ng ASAP ay nabalitang niligawan ni Jed ang singer-stage actress.

Pero hindi naging matagumpay ang pagpaparamdam ni Jed at sa ay halip naging magkaibigan na lang sila.

Wala ba siyang balak pormahan uli si Rachelle Ann?

Sagot ni Jed, “Well, naging super close naman kami for a while.

"But we’re in a situation now… it’s a better setup than being in a relationship.

“Mas deeper yung relationship namin na we can talk about anything under the sun.

"Hindi ka natatakot na baka magalit or mapikon sa iyo.

“Our relationship now as friends is more than just a typical relationship.

"You know, mas deeper yung relationship namin now.”

Wala ba siyang balak mag-asawa?

“Naku, huwag muna!" bulalas niya.

Si Erik Santos ay meron nang Angeline Quinto, siya ba ay wala pang inspirasyon?

Sagot ni Jed, "Yun nga, everybody is telling me na, ’Bakit wala kaming naririnig na karelasyon mo or what?’

“Well, ako naman kasi, I choose not to divulge anything.

"I’ve been in relationships, but it’s very private and personal.

“When people ask, sinasabi kong wala... pero ngayon, wala talaga.”

Pagkatapos daw kay Rachelle Ann ay hindi na nagkaroon pa ng pagkakataong manligaw uli si Jed.

“It was more on career ako, e.”

Na-trauma ba siya kay Rachelle Ann?

“Hindi naman trauma siguro. Let say mas ingat ako ngayon.

"It will come. Alam mo na, career opportunities come your way.

"Hindi mo alam kung babalik ba yung opportunities na ’yan.

“So, tanggap lang nang tanggap ng trabaho hangga’t nandiyan pa.”

HIMIG HANDOG. First time na lalahok ni Jed sa Himig Handog Pinoy P-Pop Love Song kaya hindi raw niyang maiwasang kabahan.

Lahad ni Jed, “Originally kasi magdya-judge ako this year, kasi last year judge ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, nung in-offer sa akin, ayoko.

"Kasi iba yung pressure sa akin, para siyang contest, e.

"Although, hindi naman ito contest ng singer, contest ito ng songwriters, pero nandun pa rin yung kaba."

Si Jed ang interpreter ng awiting “If You Don’t Want to Fall” na nilikha ni Jude Gitamondoc na nagmula sa Cebu City.

Marami raw nagsabing pakinggan niya yung song dahil bagay na bagay sa kanya.

“So, narinig ko, ibang-iba sa mga ginagawa ko.

“Kasi people know me na biritero, na matataas lang, ’eto walang birit.

"You don’t need any high notes para lumipad yung kanta.

"It was more of simple words and melody.

"At saka yung thought ng kanta ang nag-standout sa song na ito.”

Saad pa ng mang-aawit, “Sobrang happy ako na sa akin in-offer yung song.

"Kasi kung ano yung naririnig mo sa song, yun na yun, e.

"Hindi mo na kailangang isipin pa kung anong meaning ng kanta.

"Everybody can relate to the song kasi napagdadaanan ng lahat, in love ka sa isang tao pero ayaw niya sa iyo.”

CHALLENGE. Nahirapan ba siyang wala itong high notes o birit?

Sagot ni Jed, “Actually, it was a challenge for me, kasi mas kumportable ako na itinatapon lahat.

"Plus ’pag sumisigaw ka na, yung emotion, lumalabas lahat.

“Nung nire-record namin yung kanta, they were holding me back.

"’Pag nag-a-attempt na akong bumirit, kina-cut na nila... hinu-hold back nila ako.

"Relax and then pigil na pigil yung birit, pero yung emotions, nandun lahat."

Ano ba ang mas mahirap—mag-interpret ng song o mag-judge?

“Actually, mas madaling mag-interpret kasi ikaw na yung kumakanta nun, e.

"Although, yung nakakakaba lang ay ang thought na it’s a competition.”

Ano ang feeling na karamihan ng mga makakatunggali niya as interpreters sa Himig Handog ay mga bagong sibol sa music industry?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Jed, “Okey lang naman kasi they have their own talents na sobrang galing din at sobrang fan ako ng ibang mga interpreters.

"Like sina KZ [Tandingan], sina Morisette [Amon], Bugoy [Drilon], Jovit [Baldivino].

"Mga katrabaho ko rin ’yang mga ’yan, e.

“Pero kumbaga, nauna ako sa kanila in a couple of years.

"But it’s not about seniority, it’s the quality of a talent na nailalabas na sobrang bilib ako sa kanilang lahat.

“Actually, this year, feeling ko, mas mahihirapan yung judges compared last year.

“Last year kasi extreme, e.

"May mga lumitaw na magagandang songs talaga na beginning pa lang, alam na nilang sure win yung song na yun.

“Pero this year, lahat ng kanta magaganda lahat, at lahat ng mga nag-interpret, sobrang galing.

"So, win or lose, it depends na on the people.”

Maliban sa kanyang kanta, ano sa song entries ang pinaka-favorite niya?

“Siguro yung song ni Morisette na crowd favorite. Lagi kong naririnig sa radyo kumbaga.

"Lagi ko siyang nababasa sa twitter… galing, e.

"Aside from the fact na si Morisette ang nag-interpret, it was written by one of the country’s best composers.

"Yung batambatang composer na si Francis Louis Salazar.

"I’ve worked with him, galing din siya.”

BELTING IT OUT. Nagiging trend na ang pagbirit ng singers, na kapag hindi ka bumibirit, lumalabas na parang hindi ka magaling.

Ano ang komento ni Jed tungkol dito?

“Yun ang gusto ko sanang i-correct.

"Yun kasi ang notion na kahit mga lalaki... actually, lahat, ’pag kumakanta, dapat matataas.

“Yun kasi ang mindset, birit. Magaling ka ’pag natamaan mo, ’di ba?

"But then, it’s not about the birit.

"It’s how you interpret a song and how you touch the heart of the people when you get that song.

“Example is Bublè [Michael Bublè]. Hindi naman siya bumibirit, pero damang-dama natin ang kanta niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Barry White na sobrang baba ng boses. Si Amy Winehouse?

“You know, sa akin, it’s how you interpret the song na hindi kailangang bumirit.

"One example would be last July, during the World Championship of the Performing Arts, kung saan ako nanalo noong 2005.

“I went back to be with Team Philippines, to coach and guide them.

"Napansin ko na yung mga biritero, kumbaga, hindi nila masyadong pinapansin.

“Ang daming biritera at biritero ng mga singers na hindi nakapasok sa semi-finals.

"Although magaling, because they hit the high notes, pero ang nag-standout ay yung nag-perform talaga at hindi yung nagpakitang gilas lang at nag-entertain.

“Kasi may pumasok na contestant na sobrang baba ang boses, pero it was very pleasing to the ears, ang sarap niyang panoorin.

"Ganun, hindi yung bumibirit lang.”

Nagi-guilty ba si Jed na isa siya sa mga nagpasimula ng pagbirit sa male singers dito sa Pilipinas?

“Hindi naman, e. Kanya-kanya na rin’ yan.

"Siguro yun na ang naging responsibility ko na ipa-realize sa mga tao ngayon na hindi porke bumibirit, magaling.

“So, sometimes, when I do my performances, hindi ako masyadong bumibirit.

"Although, hinahanap ng tao dahil nakakatak na sa tao na one of the few male biriteros, ’di ba?

“Pero patuloy ko pa ring ini-endorse yung ibang mga singers.

"Like KZ Tandingan hindi naman bumibirit yan, si Aiza [Seguerra], si Juris.

"Yung mga pleasing to the ears talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN