Solenn Heussaff on Lovi Poe-Direk Erik Matti rift: “Miscommunication, feeling ko.”

Solenn Heussaff on Lovi Poe-Erik Matti rift: “Nagulat lang ako kasi, hindi ko pa nakakausap si Lovi. Pero kilala ko siya at hindi siya ganun. Marami siyang ginawang movies na parang cameo lang siya, ginawa lang niya. At hindi siya mukhang pera. Hindi siya ganun. So hindi ko alam, may misunderstanding ’ata sila.”


Dahil kaibigan niya si Heart Evangelista, hiningan namin ng reaksyon si Solenn Heussaff tungkol sa engagement nina Heart at Senator Chiz Escudero.

Nainggit ba si Solenn?

“Hindi, hindi,” ang natatawang sagot ni Solenn.

“Ako, whatever happens, happens. Wala akong time limit.”

Alam ba niya na magpu-propose si Senator Chiz kay Heart?

“Hindi, hindi. Hindi ko alam. Actually, yung may alam yung mga pinaka-close niya,” dagdag niya.

Close naman daw siya kay Heart pero may mga mas close pa raw dito na siyang unang nakaalam.

Si Georgina Wilson raw, sa pamamagitan ng text message, ang unang nagsabi kay Solenn tungkol sa proposal.

“Tapos nakita ko sa Instagram ni Lovi [Poe].

“Super-happy ako para sa kanya. Actually, I felt na sa Paris siya dapat magpu-propose pero mali yung pag-iisip natin.

“Pero since I’m sure everyone was thinking that, hindi niya ginawa dun para [surprise].

“Kasi parang it’s cliché rin, yung sa Paris, first time, yung ganun.

“So at least yung proposal ni Chiz mas simple, nandun yung buong pamilya niya, yung mga anak niya, tapos may message din from the dad of Heart, so very simple proposal.

“You expect magiging super-grand pero maganda yung simple lang.

“Tapos nagka-ayos sila ng mom niya. Tapos yung wedding nila next year na, ang bilis!” pag-aanalisa ni Solenn.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Solenn sa second shooting day ng pelikulang Tiyanak kahapon, September 6, sa San Mateo, Rizal.

Pinagbibidahan ito ni Judy Ann Santos, at kasama rin sa pelikula si Tom Rodriguez bilang leading man ni Solenn.

Bukod kina Heart at Senator Chiz ay nauna nang nag-propose si Dingdong Dantes kay Marian Rivera.

NO PRESSURE FOR BF. Sa magkasunod na marriage proposals na ito, natanong namin si Solenn kung hindi ba nape-pressure ang boyfriend niyang si Nico Bolzico na mag-propose na rin sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi, hindi. Hindi dahil may dalawang tao sa showbiz na nag-propose, dapat ako rin. At ’pag engaged na ako, hindi ko sasabihin.

“I mean, it’s not naman a secret pero kung may nakakita ng ring ko, ’yon!” sabi pa ni Solenn.

Kapag nag-propose si Nico ay sasagot daw ng "oo" si Solenn.

“Siyempre naman! I mean almost four years na kami, live in na for three years...

“I’m turning 30 na next year, ’pag malapit ka mag-30, if you wanna be in a relationship, dapat may naisip ka na about the future.

“In my head, alam ko na siya na yung the one for me.

“Ganun. But it will happen when it happens.

“We live naman together so parang kasal na,” at muling natawa si Solenn.

LOVI POE-ERIK MATTI ISSUE. Tungkol naman kay Lovi Poe, na katulad ni Solenn ay si Leo Dominguez din ang manager, hiningan namin ng pahayag si Solenn tungkol sa pinakabagong kontrobersiya sa pagitan nina Lovi, Leo at ng direktor ng Kubot: The Aswang Chronicles na si Direk Erik Matti.

Si Lovi at Dingdong Dantes ang bida sa Tiktik: The Aswang Chronicles na pinalabas nuong 2012 sa direksyon ni Eric Matti.

Ayon sa isang Facebook post ni Direk Eric, ayaw na raw lumabas ni Lovi sa sequel na Kubot, dahil dalawang araw lang daw ang shooting nito. Naiulat ito ng PEP.ph kamakailan lang.

Ang reaksyon ni Solenn sa kontrobersiya: “Nagulat lang ako! I mean, I just read it."

Hindi pa raw nakakatrabaho ni Solenn si Direk Erik.

“Pero magaling siya at maganda yung mga movies niya.

“Na-meet ko siya dati kasi dapat, I’m supposed to do a movie with him before with Regal, hindi natuloy,” sabi pa niya.

At malamang na hindi na talaga matuloy, dahil ayaw na umano ni Direk Erik na makipagtrabaho sa kahit na sinong talents ni Leo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka,” at natawa si Solenn.

“Nagulat lang ako kasi, hindi ko pa nakakausap si Lovi.

“Pero kilala ko siya at hindi siya ganun. Marami siyang ginawang movies na parang cameo lang siya, ginawa lang niya.

“At hindi siya mukhang pera. Hindi siya ganun.

“So hindi ko alam, may misunderstanding ’ata sila, baka may misunderstanding sa contract din, hindi ko alam talaga.

“Kasi alam ko si Lovi pag may something, she really... it must be something else.”

Unang beses ito nangyari kay Lovi.

“Yeah, in her entire career. So it must be something deeper that I don’t know about,” pahabol pa ni Solenn.

UNDERSTANDING ERIK’S SIDE. Sumama ba ang loob niya na nadamay siya bilang talent ni Leo?

Sagot niya, “No, I understand naman si Direk Erik Matti.

“I mean stressed siya tapos yung movie nila, yung Tiktik, three years ago super-maganda at maganda yung mga feedback...

“And ’yon, since continuity, siyempre naman may mga characters na kailangan, if not magiging walang sense yung movie.

“So na-understand ko naman na baka he felt, you know, he feels like that kasi baby niya yung movie. Ganun.

“So baka they just need to talk in person na lang.

“Miscommunication, feeling ko.”

Okay rin daw na manager si Leo.

“Oo, yeah! Kahit maraming schedule, minsan I really just, I do cameos din. I mean he’s not picky naman about things, about work,” pahayag pa ni Solenn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN