Billy Crawford apologizes for the precinct incident; but insists, "I don’t see anything wrong with what I did."

Billy Crawford justifies his actions: "To be honest with you, I don’t see anything wrong with what I did. It was my fault for actually being aggressive. Buti na lang, it didn’t happen in a bar. It didn’t happen anywhere. It happened in a precinct and the reason why is, because I knew for a fact that I needed to be controlled. I needed to be in a controlled environment."


Nagsalita na si Billy Crawford kaugnay ng insidenteng kinasangkutan niya sa isang presinto sa Taguig City kahapon, September 7.

Dahil sa naging aksiyon niyang ito ay na-detain siya sa Taguig Police Headquarters at posibleng maharap sa mga reklamong “malicious mischief, resisting arrest, at disobedience.”

Ang insidente ay nangyari ilang oras pagkatapos dumalo ng It’s Showtinme host sa Star Magic Ball sa Shangri-La Makati City.

Read: Billy Crawford detained for malicious mischief at Taguig police precinct; clarifies he did not hurt anyone

Sa panayam niya sa loob ng presinto, na inere sa The Buzz kahapon din, ipinaliwanag ni Billy kung ano ang nangyari, sa kanyang pagkakaalam niya.

Ngunit hindi sinabi ng singer-TV host kung ano ang dahilan kung bakit niya ito ginawa.

Saad niya, “First of all, I would like to apologize for my action.

“Whatever the speculation is, kung anu-ano ang mga sinasabi ng mga tao, nambugbog daw ako or whatever…

“Wala po akong kaaway. Kaaway ko po, sarili ko.

“Yes, I had a few drinks. I was just under the influence of alcohol.

“It’s just related to something else and, then, I actually went to the precinct, nasa Fort kami.

“And then, I went to the precinct, sinabi ko na pa-hold na lang ako, dito muna ako.

“Of course, they can’t do anything, kasi wala naman akong ginagawa. They couldn’t get involved.

“So I walked back outside, called a few people.

“And then, I asked, yun nga, they said they can’t hold me.

“Then, I went back and I said to the officer on-duty, sinabi ko lang ho, ‘Please lang, i-hold mo na lang ako dito kasi makakasakit pa ako ng tao. Makakasakit pa ako sa sarili ko.’

“And then, nakabasag ako ng salamin, that was it.

“I don’t remember if I punched or I hit the wall or I kicked the door. But that was it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then, that was the time na pinasok nila ako [sa kulungan].

“Itinulak nila ako na paupo. And, of course, yun nga, I stood up and they pushed me back.

“And then, yun, that’s all it was.”

Diin pa niya, “Wala naman akong nasaktan na tao.

“I’d rather myself be held na lang kesa makasakit pa ako or maaksidente pa ko or makabangga pa ako.

“Like I’ve said, I’m under the influence of alcohol, which is my responsibility and my fault.

“So, yun… so I just held myself and then, yun, I’ve been here for hours now.”

Nilinaw rin ni Billy na walang anumang suntukan na naganap.

“Wala, wala akong kaaway.

"You know what, to be honest with you, lahat naman tayo sumasabog, e.

"I’m under a lot of stress, fatigue... I’m really tired.

“I actually just want to have a good time which turned sour. And, it was my fault.

"Pero wala akong nasaktan. Wala akong itinulak, wala akong tinamaan kung hindi yung salamin.”

Natawang sabi pa niya, “Sorry sa salamin!”

May plano bang sampahan siya ng reklamo o kaso dahil sa nangyari?

Sagot niya, “To be honest with you, I don’t see anything wrong with what I did.

“It was my fault for actually being aggressive.

“Buti na lang, it didn’t happen in a bar. It didn’t happen anywhere.

“It happened in a precinct and the reason why is, because I knew for a fact that I needed to be controlled.

“I needed to be in a controlled environment.

“I really apologize to the officers if I said derogatory or anything else.

“To tell you frankly, kausap ko rin naman po ang mga police and they’ve been quite helpful din naman.

“On my part, all they ask is for me to do a drug test, which I don’t do drugs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I just had a few drinks, too many, and it was irresponsible on my part.

“When they put the handcuff on me, I sat down and ewan ko… ito ba yung pahinga na sinasabi kong gusto ko?

“Lahat tayo may pinagdadaanan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN