Jomari Yllana on possible reconciliation with ex-wife Aiko Melendez: "Sweet kami, pero hanggang doon na lang..."

Jomari Yllana on ex-wife Aiko Melendez: "Sweet kami ni Aiko ’pag nagkita, lalo na ’pag single siya. Kaya lang, ’pag may boyfriend, nakakalimot, parang you don’t exist. Nawawala ang lola mo, alam mo naman ang lola, ’di ba, may ganun siyang trend?"


Nananatiling zero ang lovelife ng aktor na si Jomari Yllana at aminado siyang nakakaramdam na rin siya ng pangungulila.

Nakangiting saad ng 38-year-old actor, “Parang gusto ko nang mag-asawa pagdating ko ng kuwarenta.”

Sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Jomari na nagiging mahirap na sa kanya ang kawalan ng makakasama sa buhay.

“Kasi the more na mahirap yung trabaho na ginagawa ko, the more malungkot yung pag-uwi ko sa bahay.”

Mahirap nga raw ang trabaho niya sa pangangarera at pagpupuyat sa taping ng teleserye.

Kabilang si Jomari sa cast ng GMA afternoon series na The Half Sisters.

Saad niya, “Mahirap, oo, may kasamang puyat ang tapings.

"Yung puyat, kumukontra sa ganito [racing], ’di ba?

"Dito, kailangan tough condition ang katawan kasi mainit."

Sa pagkakataong ganito raw ay naiisip na niyang mag-asawa muli.

"Pag umuuwi ako na pagod na pagod, naiiyak ako sa sobrang pagod dahil I had too much.

“’Tapos pagod na pagod yung isip, yung puso…

"Kasama ko naman yung mommy ko, si Paulie [younger brother niya].

"May gising ako na, ’Ay, masarap yung food!’

“Pero yung katuwang sa buhay, yun ang wala.”

Wala ba siyang nakikitang posible makarelasyon niya?

Sagot ni Jomari, “Hindi ako lumalabas. Hindi ako nagdi-date.

“Ang mga nakikita ko, si Radha, Jean Garcia... ’yan lang ang mga babaeng nakikita ko.

“Si Aiko, nakikita ko, laging nandiyan. Papakita lang.”

Si Radha, na The Voice Philippines finalist, ay assistant niya; si Jean naman ay co-star niya sa The Half Sisters; at si Aiko Melendez ay ex-wife ng aktor.

Biro namin, hindi ba nagpapa-sexy sa kanya si Aiko?

Sabi ng aktor, “Panay ang pose, ’di ba? She lost weight, she looks good.

"Nagpapa-pictorial siya. Nagpictorial sila ng anak ko."

May isang anak na lalaki sina Jomari at Aiko, si Andrei Yllana.

NO MORE. Wala na bang pag-asang magkabalikan sila ni Aiko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiting sagot ni Jomari, “Wala, wala, e.

"Aiko and me, God designed us to have colorful lives.

"Yung sparks sa buhay namin, laging meron.

“We actually are spark plugs palagi sa kung anu-anong mundong pinapasok namin.

"We are talented, both beautiful, we know that, we’re gifted.

"So a room we enter will always light up.

“So, mag-usap lang kami ni Aiko ngayon, parang fireworks na naman ’yan, e.

"I mean, we know each other that much and we’re special people.

“Natural na lang sa amin, oo. Pero ako, I cannot…

"Kasi we gave sobrang heartache sa isa’t isa, pero more than that, sa mga bata. Yun yung pinaka nahirapan.

"So, yung maging padalus-dalos kami, ganun? O yung chorva lang tayo or something? Tara subukan natin?

"Pinagdaanan na natin before, sinubukan na natin. ’Tapos ngayon bigla nating susubukan uli?

"E, kung pumalpak tayo uli?

"Dyusko, pagdadaanan na naman nina bagets yung pinagdaanan natin?

"Dyusko, maawa ka naman diyan.

“So, sila [children], ’pag nakikita nila kaming magkasama, happy na rin sila.”

May isa pang anak si Aiko sa pangalawang asawa nitong si Martin Jickain, si Marthena.

Ano ang tawag sa kanya ni Marthena?

“Ah, si Mimi... ’Dada Jom.’ Malapit sa akin ang batang yun.”

Ayon pa kay Jomari, sinubukan nila ni Aiko na magkabalikan uli, pero sa ngayon, ’tulad daw ng bakasyon nila sa Bicol last year, nagkakasama lang sila para sa mga bata.

Aniya, “’Pag may ganyan kami, we’re doing that for the kids.

"Not because we’re showing the kids that we going back with each other, no.

“We want to have a good time with each other though hindi kami.

“No need to explain to the kids, kasi nakikita naman nila, ’Ay, hindi naman nagbabalikan, nagsasama lang.’

“Pupunta kami somewhere, magbabakasyon sa ganito. Yun lang ang nakikita nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sweet kami ni Aiko ’pag nagkita, lalo na ’pag single siya.

"Kaya lang, ’pag may boyfriend, nakakalimot, parang you don’t exist.

"Nawawala ang lola mo, alam mo naman ang lola, ’di ba, may ganun siyang trend?” nangingiting sabi ni Jomari.

“Sweet kami, pero hanggang doon na lang... marami kaming gusot sa buhay na kailangan naming ayusin.

"Siguro ayusin na lang muna namin yung buhay ng mga bata, yung buhay namin."

BACK TO SCHOOL. Pagdating naman sa plano niyang pagpapatuloy ng high school education niya, ayon kay Jomari ay may kukunin siya sa Department of Education.

“Yung mga kailangan kong test na gawin, may mga guidance na ako kung paano.”

Hindi tapos ng secondary school si Jomari. Kailangan daw niyang kumuha ng acceleration test bago magkaroon ng pagbabago sa rule ng DepEd.

“So, kailangan kong kumuha ng acceleration test bago ma-implement yung K to 12.

"Pag nag-K-12 na mas maraming test akong kailangang kunin… so kailangan ko siyang kunin soon.

“Sana wala na siyang problema para makapagaliwaliw ako, makalabas, makapag-text.

"Marami akong nakapilang dapat kong gawin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN