Billy Crawford, Coleen Garcia to take a break from It’s Showtime

“Hindi muna natin siya [Billy Crawford] makakasama dito sa Showtime, madlang people,” says Kim Atienza about the absence of Billy Crawford in It’s Showtime. This is in connection to the incident he got himself into at a police station in Taguig City early Sunday morning, September 7.


Pansamantalang hindi muna mapapanood ang magkasintahang sina Billy Crawford at Coleen Garcia sa daily noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime.

Inanunsiyo ito ng co-hosts ng magkasintahan sa programa kaninang tanghali, September 8.

Pahayag ni Kim Atienza, “Alam nating lahat kung ano ang nangyari sa kapatid nating si Billy.

“In the meantime, hindi muna natin siya makakasama dito sa Showtime, madlang people.”

Nag-alay rin ng maikling dasal ang mga kasamahan ni Billy sa programa para sa kanya.

Matatandaang nakulong si Billy sa Taguig Police Headquarters matapos nitong magwala sa Police Station 7 ng Taguig noong madaling-araw ng Linggo, September 7.

Bagamat hindi sinabi ni Billy ang dahilan ng pagwawala niya sa presinto, humingi siya ng paumanhin sa fans at inamin na kasalanan niya ang nangyari.

Read: (UPDATED) Billy Crawford detained for malicious mischief at Taguig police precinct; clarifies he did not hurt anyone

Kaninang umaga, dinala ang 32-year-old singer-TV host sa Taguig Prosecutor’s Office para sa inquest.

Dito ay pormal siyang sinampahan ng reklamong malicious mischief at disobedience to a person in authority.

Read: Billy Crawford charged with malicious mischief, disobedience to person in authority

Samantala, nagbigay rin ng mensahe ng pagsuporta ang mga co-host nina Billy at Coleen sa It’s Showtime kanina.

Sabi ni Vhong Navarro, “Kuya Billy, pahinga ka muna. Nandito lang kami para sa ’yo. Hindi ka nag-iisa. We love you.”

Si Anne Curtis ay nagpaabot naman ng mensahe para kay Coleen, “At ang isa pang kulang dito, Coleen, baby girl, okay ka lang diyan. Just take a rest and we’ll be here for you as well.”

Sa isang statement mula sa kanyang talent management kaninang hapon, napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nakalabas na sa kulungan si Billy matapos magpiyansa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN