Kris Lawrence mum about rumored breakup with Katrina Halili; but says, "Okay kami as parents."

Kris Lawrence on being a hands-on dad to daughter Katrence: “I visit Katy every night… every day. I put her to sleep. Maybe five out of the seven days a week ‘pag wala akong work. ’Yon, I was singing her to sleep. I make sure that daddy is the last thing and the last voice that she hears.”


Kahit noong September 1 pa ang 32nd birthday ni Kris Lawrence, nagpa-cater pa rin siya para bilang pahabol na birthday blowout sa kanyang mga kasamahan sa Sunday All Stars noong Linggo, September 7.

Pero sa mismong kaarawan niya ay nagkaroon naman daw siya ng simpleng celebration.

Kuwento ng singer sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “It was fun!

“I spent it with my daughter [Katrence].

“And then, after I put her to sleep, we had a poker night with the boys.

“Kasama ko sina Jay-R, KC Montero, at saka yung iba pang friends namin.”



KATRINA HALILI. Nag-guest sa Sunday All Stars noong Linggo ang ina ng anak ni Kris na si Katrina Halili.

Pero marami ang nakapuna na parang hindi sila nagpapansinan ng Kapuso actress.

Totoo ba ang usap-usapang break na raw sila?

Iwas ni Kris, “Huwag na nating pag-usapan po ‘yon. Ayoko pong pag-usapan.”

May problema ba silang dalawa?

“Okay naman kami, we’re okay… okay kami as parents,” tugon niya.

Reading between the lines, it seems mayroon nga silang hindi pagkakaunawaan ni Katrina ngayon.

“Siguro po,” matipid niyang tugon.



NOT LIVING-IN TOGETHER. Nilinaw ni Kris na bagamat mayroon silang anak ni Katrina ay hindi sila kailanman nagsama sa iisang bubong. Pero magkalapit lamang daw ang kanilang mga tirahan.

Saad niya, “Well, you know, we don’t live too far from each other.

“Walking distance na two blocks away lang. So, I was always there.

“I visit Katy every night… every day. I put her to sleep.

“Maybe five out of the seven days a week ‘pag wala akong work.

“’Yon, I was singing her to sleep.

“I make sure that daddy is the last thing and the last voice that she hears.”

Naiuuwi rin ba niya si Katrence sa bahay niya kung minsan?

“Uhm… bihira po,” sambit niya.

Yung ibang couples, kapag nagkaanak na, kahit hindi man ikasal agad ay nagsasama na sa isang bahay. Bakit hindi sila nag-live in ni Katrina?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Kris, “Siguro… wala po. It’s just always been like that.”

Talagang ganun ang ginusto nilang set-up? Ang magkahiwalay pa rin sila ng bahay kahit may anak na sila?

Diin niya, “Well, to begin with, we were never married.

“May mga nag-iisip na we’re married, pero we’re not married.”

Ano ang dahilan at hindi sila nagsama kahit may anak na sila?

“Just no comment na lang,” iwas ng Kapuso singer.

Nag-uusap pa rin ba sila ni Katrina hanggang ngayon?

Sabi ni Kris, “Opo, every day.

“Basta okey po kami. We’re functioning as parents for Katy.

“And iyon lang po ang masasabi ko, okey kami.

“Okey kami para sa anak namin.”



KATRENCE’S BIRTHDAY. Malapit na rin ang birthday ni Katrence. She’ll be turning two years old on September 18.

Natatawang sabi ni Kris, “We’re gonna just take it easy this year. We’ll do it sa Jollibee.

“Yung parang chicken joy galore, pero full cast yung mga Jollibee mascots.

“Well, actually, dati pa naming pinag-usapan ni Kat [Katrina], gusto naming ma-experience yung birthday Jollibee.

“Kasi, for the kid, ‘di ba? Kaya gusto naming ma-experience iyon.”



NEW ALBUM. Sa ngayon, Kris is working on his new album.

Banggit niya, “Malapit nang matapos, two more songs na lang.

“Pang-apat ko nang album ito.

“Hopefully, end of the month, mai-release na ito… sana po.

“Wala pang title yung album. Puro revivals ang songs dito.”

Masaya rin daw siya na isa siya sa nominees sa ilang kategorya ng 6th Star Awards For Music na gaganapin sa grand ballroom ng Solaire Resort & Casino sa September 14.

Mapapanood naman ito sa Sunday’s Best ng ABS-CBN sa September 21.

“I got nominations for Song of the Year, Album of the Year, Male Recording Artist of the Year, R&B Artist of the Year, and R&B Album of the Year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko masyadong kabisado yung nominatons na nakuha ko, di ba?” sabay tawa niya.

Patuloy ni Kris, “Nagpapasalamat ako sa PMPC. Sana manalo ako.

“Birthday wish ko, sana manalo ako.

“Magagaling lahat yung mga nominees na kalaban ko, that’s why mahirap mag-expect to win.

“Ang bibigat ng kalaban!

“Parang, honor na lang sa akin na na-nominate ako. Okey na po iyon sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN