Jennylyn Mercado quashes romantic link to Derek Ramsay: “Mahirap nang mabigyan ng kulay, wala namang kulay.”

Jennylyn Mercado on leading man Derek Ramsay: “Parang siya ang lalaking version ko naman. Sporty, active yung lifestyle niya… malakas kumain, parehas kami.”


Kuntento at masaya raw si Jennylyn Mercado sa working relationship nila ni Derek Ramsay para sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na English Only Please.

Kuwento ni Jennylyn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kasi nagkasundo agad kami, e.

“Para kaming nag-jibe agad. Walang ilangan.

“First pagkikita pa lang namin, binibiro ko na siya. Comfortable talaga kami sa isa’t isa.”

Hindi sila nagkailangan?

Sagot ng Kapuso actress-TV host, “Wala talaga.

“First time… naalala ko pa nung first time naming nagkita, sabi ko pa sa kanya…

“Kasi first time naming nagkita, nakatayo kami sa set, kasi i-screen test kami.

“Sabi ko, ‘Lika, lika dito, dikit ka. Huwag kang mahiya,’ sabi ko pa. Pero pabiro lang.

“’Tapos natawa siya. So, lahat kami, naging kumportable na.”

Nakapanayam ng PEP si Jennylyn sa studio ng Sunday All Stars, sa GMA Network Center, noong Linggo, September 7.

SIMILARITIES. Sa interviews naman kay Derek, sinabi nitong nakikita niya ang sarili kay Jennylyn dahil pareho silang mahilig sa sports at athletic.

Sumang-ayon naman dito ang Kapuso star.

Sabi ni Jennylyn, “Oo nga, e. Yun din ang gusto kong sabihin dapat.

“Parang siya ang lalaking version ko naman.

“Sporty, active yung lifestyle niya… malakas kumain, parehas kami.”

Paano niya ilalarawan ang samahan nila ngayon?

“Wala, as friends,” sagot ni Jennylyn.

Lumalabas na ba sila, mga bonding moments?

“Minsan nagkakaroon kami ng lunch out, kasama yung grupo namin sa set, kami-kami.”

Ano ang mga nadiskubre niya kay Derek na kakaiba sa mga nakasama niya na sa pelikula at teleserye?

“Basta ang nagustuhan ko sa kanya, makulit siya, e.

“Open siya sa lahat ng tao. Kaya niyang makipaglaro, makipagbiruan, kaya niya pakisamahan ang lahat ng tao.

“Ang bait-bait niya.”

May kissing scene ba sila ni Derek sa pelikula?

Sabi ni Jennylyn, “Wala. Wala kaming sexy scene, wala kaming kissing scene. Wala lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta, kakaibang movie ito, puro pagpapatawa lang.”

Kuwento pa niya tungkol sa pelikula, “Si Derek, Fil-Am siya.

“’Tapos, nasaktan siya, iniwan siya ng pakakasalan niya dapat.

“So, ang ginawa niya, sumulat siya ng isang letter ‘tapos naghanap siya ng magta-translate ng letter niya.

“Nag-i-Skype kami, nag-audition siya ng maraming tao na puwedeng mag-translate ng mahabang-mahaba niyang English letter into Tagalog.

“Doon tatakbo yung istorya.”

Kung walang girlfriend si Derek, papasa ba sa kanya ang mga katangian nito?

Iwas ni Jennylyn, “Ayoko munang pag-usapan kasi kung saan-saan na naman ‘yan mapupunta.

“Pagdating sa mga ganyang bagay, ayoko munang mag-comment. Baka alam mo na…

“Mahirap nang mabigyan ng kulay, wala namang kulay.”



DENNIS TRILLO. Napakunot naman ang noo ni Jennylyn nang mausisa tungkol sa kanila ng ex-boyfriend niyang si Dennis Trillo, lalo na ang balitang nagkakamabutihan na naman daw sila.

Sabi niya, “Ang tagal na nun, ‘di ba?

“Magkaibigan lang talaga kami… magkaibigan lang.

“’Tapos, ayun, kasama siya sa album ko.

“Meron kaming duet ni Janno [Gibbs], ‘tapos may duet din kami ni Dennis. Kasama yun sa album.

“So, yun lang.”

Okey na ba sila uli?

“Magkaibigan lang,” diin niya.

Meron bang second chance kung saka-sakali?

“Sa ngayon, ayoko muna,” sagot ni Jennylyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN