Enrique Gil admits feeling the pressure of headlining primetime soap with Liza Soberano

Enrique Gil on Liza Soberano: “She’s a sweetheart, super sweetheart yun. Sobrang bait saka wala kang makikita na malice sa kanya. Yun ang gusto ko.”


Pagkatapos nilang magsama sa pelikulang She’s The One noong 2013, ilulunsad na ang tambalan nina Enrique Gil at Liza Soberano sa upcoming primetime series ng ABS-CBN na Forevermore.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Enrique, inamin nitong sa kabila ng kasiyahan sa tiwalang ipinagkaloob sa kanila ng Kapamilya network ay hindi maiwasang makaramdam din siya ng kaba at pressure.

Saad ng Kapamilya heartthrob, “Sa akin, siyempre masaya, super, super-blessed na binigyan ako ng chance na gawin ang show na ito.

“Pero, of course, may part dun na I have to prove it na karapat-dapat yung show na yun para sa amin.

“Ipapakita namin na kaya namin ito, kaya namin ‘to.

“Siyempre, may pressure, pero hindi yun ang unang basis ko, e—be in the moment, enjoy the show.

“’Pag ratings lagi ang habol mo, minsan kita, e. Just enjoy, feel the flow.

“’Tsaka kami ni Liza, first time talaga naming magpa-partner na solid.

“Siyempre, maraming kailangan ayusin pa, pero kaya namin yun.”

Agad naming tinanong ang aktor kung ano sa palagay niya ang pagkakaiba nito sa roles na nagampanan na nila dati ni Liza.



STRONG CHEMISTRY. Ikinatutuwa rin ni Enrique na marami ang nakakita ng magandang chemistry nila ni Liza on screen, kabilang na ang managing director ng Star Cinema na si Malou Santos.

“It’s good… Sabi ng tao, okay naman daw, totoo naman daw, parang may something, and that’s good.

“Sabi ko before kay Tita Malou, sana magka-show kami ni Liza.

“True enough, nakita nila, ‘Oo nga, ‘no, parang may something.’ Kaya nila sinubukan.”

Gaano na sila ka-close ngayon?

Sagot ng 22-year-old actor, “We’re close friends, magkaibigan na kami before.

“Pero siyempre ngayon, mas okay kami.

“We talk more, not about work, unlike before, ‘Taping ka?’

“Mas may lalim ngayon nang kaunti.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Enrique, “She’s a sweetheart, super sweetheart yun.

“Sobrang bait saka wala kang makikita na malice sa kanya. Yun ang gusto ko.”

Dahil halos araw-araw na silang magkakasama sa taping, may tsansa kayang manligaw si Enrique sa kapareha?

Sagot ni Enrique, “Yeah, of course, puwede akong manligaw.

“I’m not saying naman because loveteam kami, but a girl like her, pretty, mabait, lovable…

“Liza is really likeable, imposible na ‘di magkakagusto sa kanya.”



JULIA BARRETTO. Bago sila nagkatambal ni Liza, ipinareha muna si Enrique kay Julia Barretto sa launching vehicle ng huli na Mira Bella.

Tinanong ng PEP si Enrique kung may komunikasyon pa ba sila ng dating kapareha.

Aniya, “Yeah, we still see each other. Nagkikita kami dito sa work.

“Pero super busy kami ni Liza, saka siya [Julia], she’s busy with other stuff.

“So, ‘di na kami nagkikita, kasi yung sked namin, hindi parehas.

“We still got talk to each other, pero siyempre iba yung dati, iba yung nakikita mo palagi.”



COMPETITION. Sa hanay ng Kapamilya young actors ngayon, sinasabing sina Enrique, Daniel Padilla, at James Reid ang ang pinu-push ngayon ng ABS-CBN para maging leading-man material.

Wala bang kumpetisyong nararamdaman si Enrique na napagkukumpara silang tatlo?

Tugon niya, “That’s fine for me, lahat kami, iba-iba ang forte namin.

“Si Daniel, he sings, he acts.

“Ako, I dance, I act.

“Si James, he acts, kumakanta rin siya.

“We do our own stuff, that’s his style, style ko ito, mayroong sariling style si James.

“We are all doing our own work.

“Para sa akin, it’s fine… we’re all doing our work and people like the work.

“May kumpetisyon, pero kung yun ang iisipin mo sa trabaho mo, walang mangyayari sa iyo.

“Para sa akin, you’ll do good sa craft mo and I’ll do my craft.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ENRIQUE’S CHOICE. Walang girlfriend ngayon si Enrique, at choice niya raw ito.

Saad niya, “Wala, wala talaga, matagal na. I think it’s better.

“Hindi naman sa walang girl, ‘di naman sa gulo.

“Pero sa akin kasi, mas okay na wala muna.”

Ang huling naging girlfriend ni Enrique ay si Coleen Garcia, na girlfriend ngayon ni Billy Crawford.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN