Ara Mina reacts to rumored pregnancy of sister Cristine Reyes

Ara Mina on rumor that younger sister Cristine Reyes is pregnant: “Sasabihin naman siguro niya kung buntis siya, wala namang masama. Kasi, gusto niya talagang magbuntis.”


Nagsalita na si Ara Mina kaugnay ng usap-usapang buntis diumano ang nakababatang kapatid niyang si Cristine Reyes.

Maugong ang balita tungkol sa pagdadalantao raw ni Cristine, at nang tinanong ang aktres tungkol dito sa premiere ng pelikula niyang The Gifted noong September 2 ay nag-walkout ito.

Read: Cristine Reyes walks out from an interview

Nag-ugat ang balitang ito kay Cristine nang aminin niya sa The Buzz na napag-uusapan na nila ng kanyang non-showbiz boyfriend ang pagpapakasal.

Dagdag pa rito ang pagsasabi niyang naiinggit siya sa mga ka-batch niya sa StarStruck na mayroon nang mga anak.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara sa presscon ng bagong show ng TV5 na Trenderas, sa TV5 Media Center, Reliance St., Mandaluyong City, kagabi, September 9, ay ang tungkol kay Cristine ang isa sa mga tinanong sa kanya.

Pahayag ni Ara, “Natatawa din ako kasi in-assume nila na buntis din si Cristine.

“Kasi buntis ako, buntis din ang sister ko.

“Plus the fact na si Cristine ay inaamin din niya na gusto na rin niyang magka-baby.

“Very open naman siya dun, pero sabi ko nga sa kanya na paunahin na muna niya ako.

“So, baka next year siya.”

Pero wala naman daw nababanggit sa kanya si Cristine na buntis ito.

“Hindi... wala.

“Sasabihin naman siguro niya kung buntis siya, wala namang masama.

“Kasi, gusto niya talagang magbuntis.”



CRISTINE’S PERSIAN BOYFRIEND. Nakilala na ba niya ang boyfriend ngayon ni Cristine?

“Oo, Persian… may lahi ba siyang Filipino?” balik-tanong niya.

Pero siya na rin ang sumagot sa kanyang tanong.

“Ay, hindi, pero parang dito na siya lumaki, parang ganun.”

Kumusta naman ito sa kanila?

“Okay naman siya, mabait naman siya.

“Nakikisama naman siya sa family, ganun.

"Wala naman akong problema na na-encounter na ano...”

Pagdating daw sa personal life ng kanyang kapatid ay hindi nakikialam si Ara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi… hindi na.

“Nangialam ba ako before? Hindi, hindi.

“Hindi naman din kahit yung mga previous niya, hindi rin.”

Kahit naman daw si Cristine ay ayaw na pinakikialaman ang kanyang lovelife.

Saad ni Ara, “Magkaiba kasi kami ng ugali, e.

“Siya talaga, ‘pag ayaw niya, ayaw niya. Oo, ganun.

“So, siguro naman...”

Hindi raw tulad niya na puwede pa siyang pakiusapan tungkol sa ilang bagay na may kinalaman sa personal niyang buhay.

Natatawang sabi ni Ara, “Oo naman, kasi panganay, e.

“Panganay, so mas medyo ano...

“Sana naiintindihan ng iba.

"Kilala naman nila ang ugali ni Cristine."



GOODBYE TO SEXY IMAGE. Kamakailan lang ay nagdesisyon si Cristine na iwanan na ang sexy image upang mag-concentrate sa pagiging isang aktres.

Bilang dati ring sexy actress, ano ang opinyon ni Ara rito?

Sabi ng 35-year-old actress, “Ganun din naman ako, e.

“Dumating din naman ako sa point na ganun, e.

“Sabi ko, ayaw ko nang magpa-sexy.

“Para siguro din mapansin yung acting niya.

“Kasi minsan, ‘pag nagpapa-sexy ka, hindi na napapansin yung acting, puro pa-sexy na lang ng katawan.

“So, ‘pag nag-focus ka sa pagiging aktres, baka mapansin ka, ganun.

“Marami na rin ang nagsusulputan ngayon, marami nang bagets ang...

“Oo, siguro gusto na rin niyang ipasa yung trono.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN