Jeric Gonzales gets emotional after being given a new project

"Honestly, aminado naman ako na hindi pa ganun ka-developed ang skill, yung maturity [noon]... Pero ngayon, as I go on, nakikita ko na lahat ng kulang ko," says Jeric Gonzales about his performance as an actor.


Aminado ang Protégé Season 2 winner na si Jeric Gonzales na naging emosyunal siya nang malamang magiging bahagi siya ng upcoming drama series na Strawberry Lane.

Anim na buwan daw kasi siyang nawala sa telebisyon dahil sinabihan siya ng GMA Network na mag-workshop muna.

“Sobrang na-excite ako lalo na nang malaman ko na may TV series ako.

"Kasi ang tagal kong nag-workshop, ang tagal kong sinunod yung gusto nila na i-improve ko.

“Ngayong nagka-show ako, naging emotional ako.

“Sabi ko, ganito pala ang pakiramdam ng mawalan ng work,” pahayag ni Jeric nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa press conference ng Strawberry Lane kagabi, September 9.

Bilang winner ng Protégé: The Battle For The Big Artista Break, naging mataas daw ang expectation sa kanya bilang artista.

Saad ni Jeric, “Parang they’re expecting more pa sa akin.

“Kasama na siguro yung sa side ng winner ako ng Protégé, gusto nila na may makita pa sa akin na more.

“Siguro hindi pa nila nakikita na all out na ako.

"Honestly, aminado naman ako na hindi pa ganun ka-developed ang skill, yung maturity.

“Yung true work, hindi ko pa ganun kagusto.

“Pero ngayon, as I go on, nakikita ko na lahat ng kulang ko.”

Ngayon, ayon kay Jeric, handa na siyang magbalik sa pag-arte.

“Reding-ready na. Pinaghandaan ko talaga ito kaya ako nag-workshop nang matagal.

“Actually, nakatatlong workshop na ako nang paulit-ulit.

“Tiniis ko lang talaga lahat, kasi sabi ko, kapag binigyan ako ng project, kailangan gawin ko nang maayos.”



BETTER ACTOR. Kumpara sa dati niyang performance, sa tingin ng 22-year-old Kapuso actor ay may malaking pagbabago na sa kanyang pag-arte ngayon.

“Ngayon, mas relaxed, mas natural, mas kampante, kasi alam ko na ang process.

“Ngayon, mas mapapag-aralan ko na yung mga bagay-bagay.

“Then, yung experience ko, naire-relate ko na ngayon sa work ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang research din kasi ang pag-arte.

“Kailangan mo ring ma-experience ang mga bagay-bagay para kapag ipinagawa sa ’yo yung scene, mas totoo talaga kapag ginawa mo ‘yon.

“Kasi, kapag hindi, parang niloloko mo na yung eksena.”

Samantala, bilang isang winner ng talent search show, aminado si Jeric na nakararamdam din siya ng kaba dahil nagsimula na naman ang reality talent search show ng GMA na StarStruck.

Sabi niya, “Sa mga artista, hindi naman nawawala yung mga ganung threat.

“Kasi marami riyan talagang nagwawala para maging artista, yung iba naman talagang magagaling.”

Dahil dito, ipinangako ni Jeric na hindi niya pababayaan ang kanyang career.

“Ngayong nandito na ako sa showbiz, pagbubutihan ko pa lalo.

“Hindi ako magiging kampante sa mga nakukuha kong projects at sa ability ko.

"I-improve ko nang i-improve yung sarili ko,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN